Chapter 35

159 2 1
                                    

"Huh? I'm sorry but I have a lot of things to do, I won't waste my time spending on a vacation while leaving here the responsibilities I should do."

Binalik ko kay Ian ang sobre at pinagpatuloy ang pagkain. Pero makulit talaga siya kaya sumalubong ang dalawang kilay ko at tiningnan ulit siya.

"I won't accept no as an answer. We will go to Maldives weather you like it or not next week." He said with full of finality and kept the ticket. "I'll give you the ticket once na aalis na tayo, baka tapon mo bigla, mahirap na."

Pagkatapos niyang iwan akong tulala dahil hindi makapaniwala sa ginagawa niya kumuha siya ng isang upuan at pinausog pa ang lahat na nasa right side ko para matabi lang siya sa akin.

Batas siya?

"Ano ba, you're acting weird." Sinamaan ko siya ng tingin nang umupo siya sa tabi ko at nagsimulang kumain.

"Weird huh? Na-in love ka pala sa weird kung gano'n?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"What?" Tumaas ang kilay ko. "You're not just weird, feeling din."

Hindi ko na ulit siya pinansin at binilisan ang pagkain para makaalis na. Nakakainis kasi si Ian. Embes gusto ko pang mag-enjoy mukhang hindi yata mangyayari dahil dito siya.

"Dali cheers!" Tinaas ni Asher ang hawak niyang bote ng alak.

Nasa tabi kami ngayon ng pool namin at nag-iinuman. Gabi na kaya nagplano rin kaming mag-night swimming. Sila mommy at daddy kasi nagpahinga na.

"Happy birthday Ela! Cheers!" Sigaw ni Ezi habang tumatawa. Lasing na.

Isang bote pa lang ang nainom ko habang sila marami na. Lumusong ako sa pool at pumunta sa dulong side kung saan madilim. Maingay kasi sila kaya nagpakalayo muna ako.

Pero akala ko mag-isa lang ako. Someone hugged me from behind.

"Huli ka." Ian said in a husky voice.

Lumayo kaagad ako sa kaniya at nang tingnan ko siya namumungay na ang mata niya. Halatang lasing na.

"Balik ka na..." halos pabulong na niyang saad pero narinig ko pa rin.

"Ano?"

"Balik ka dito, kinakausap pa kita."

Akala ko naman... Nevermind. Umaasa ka na naman Ela!

"Kinakausap mo na nga ako eh." Pabalang kong sagot.

"You're being sarcastic now." Lumangoy siya papalapit sa akin kaya umatras naman ako hanggang sa tumama na ang likod ko sa gilid ng pool kaya hindi na ako nakaalis.

Nilagay niya ang dalang kamay niya sa magkabilang gilid ko at tiningnan ako sa mata.

"No... I'm not being sarcastic." Umiwas ako ng tingin.

"Uhuh? Really?" He chuckled.

Nilagay niya sa likod ng tainga ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Ano ba? What's your problem? Ako na nga itong umiiwas dahil ito ang gusto mo 'di ba? Pero bakit ngayon panay naman ang lapit mo? Alam mo Ian, you're so magulo." Nilabanan ko ang mga titig niya.

"I've changed my mind."

"Huh?" Hindi ko nagets ang sinabi niya.

"Akala ko hindi kita kailangan sa buhay ko, pero noong umalis ka parang nawalan na rin ako ng buhay. You're my life Ela," hinaplos niya ang pisngi ko.

"Stop it. You said you like Amira? Kayo na 'di ba? Then what are you doing here? H'wag kang magcheat sa kaniya, h'wag mong gawin kay Amira ang ginawa mo sa akin, at isa pa, h'wag mo na akong idamay sa inyo. I want a peaceful life now Ian."

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon