Chapter 24

61 2 0
                                    

After the wedding we just ate on a restaurant. Para bang wala lang nangyari. Parang normal day lang.

I should be happy right now. A day like this should be the happiest day for a woman like me, but I felt nothing but sadness.

Who would be happy with a situation like this? But I have nothing to do with it, I just need to accept everything. Hanggang dito lang talaga ako.

Umuwi na kami ni Ian sa magiging bahay namin. Nang dumating kami mas nauna pa siyang pumasok sa loob at naiwan ako sa labas.

Dahil kanina ay bumihis na kaagad ako pagkatapos ng ceremony nakadress na lang ako ngayon.

Sumunod na rin ako sa loob. Wala si Ian sa first floor kaya umakyat ako at pumasok sa magiging kwarto namin. Wala rin siya roon kaya baka nasa banyo.

Habang naliligo siya pumunta na lang ako sa kabilang kwarto para sa banyo no'n ako maliligo, baka matagalan pa si Ian sa kabilang banyo. Pagod na ako kaya gusto ko nang magpahinga.

After kong maligo pumasok ako sa masters bedroom na naka-roba lang. Pagkapasok ko nakahiga na si Ian sa kama at ang isang braso ay nakatakip sa mata niya.

Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at pumasok sa walk-in-closet para magbihis. I also did my night skincare routine there.

Nang lumabas ako doon ko lang napansin na naka-sando lang pala si Ian na white kaya kitang-kita ko ang muscles niya. Nakakumot na siya kaya hindi ko makita ang paanan niya.

Pumunta ako sa kabilang side ng kama at humiga doon. Dahan-dahan ako sa bawat galaw ko, takot na baka maabala at magalit ko ang dragon.

Kinuha ko rin ang kumot at binalot ang sarili doon.

Dahil mag-asawa na nga kami, wala na naman sigurong masama kung yayakapin ko siya. Kaya naman umusog ako ng kaonti at dahan-dahan kong pinulupot ang kamay sa baywang niya.

Nang tingnan ko si Ian biglang nagmulat ang mga mata niya at kumunot ang noo.

"What are you doing here?" He asked.

"I'm going to sleep of course." Tumaas ang isa kong kilay.

"Bitiwan mo ako! I don't like someone hugging me especially if it's you!" Marahas niyang inaalis ang kamay kong nasa baywang niya.

"Bakit naman? Sige na Ian, dito ako matutulog oh. Mag-asawa na naman tayo kaya wala naman sigurong masama sa ginagawa ko." Sinubukan kong ibalik ulit ang kamay ko sa baywang niya para yakapin siya.

"Ano? Dito ka matutulog?" Napabangon siya bigla kaya nabitawan ko siya.

"Oo naman. Kwarto natin 'to 'di ba?" Bumangon na rin ako at umupo sa kama.

Napatingin siya bigla sa bandang dibdib ko, nakita ko pang napalunok siya. Nakasuot pa naman ako ng satin silk nightgown lang at wala pa akong bra.

Dali-dali kong kinuha ang comforter at tinakip sa katawan ko.

"Hoy bastos ka!" Paratang ko sa kaniya.

"Anong ako? Bakit ka kasi nagsususuot ng mga ganiyan!" Pasigaw niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo! Sabihin mo na lang kasi kung gusto mo ang katawan ko. Alam mo mag-asawa na naman tayo." Kumindat pa ako sa kaniya.

Mas lalo tuloy kumunot ang noo niya. Pinigilan ko na lang matawa dahil ang sarap niyang asarin.

"Asa ka! At sino naman nagsabi sa'yo na kwarto natin 'to?" Diniinan niya pa ang natin.

"Eh 'di ba masters bedroom 'to? So syempre dito rin ako matutulog dahil mag-asawa na tayo."

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon