Prologue

9K 153 1
                                    

“Ma’am, Elaurza Group is waiting for your decision. Are you going to reschedule the meeting?”

Napahawak na lang ako sa noo. Mahina ko itong hinilot. Ang dami ng trabaho ko at puno ang schedule ko this week. Dumagdag pa sa iniisip ko si Dylan. Gusto niya raw na mag-invest sa company ko at gawing supplier kami sa mga mall nila. Pinangako ko noon sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na magtagpo ulit kaming dalawa. I can clearly remember, simple lang naman ang gusto niya. Mas gusto niya mga banda kaysa sa fashion. Bakit kailangan na sa company ko pa kung marami naman na company riyan.

“Tell them that I will be meeting them next week. Ako kamo ang pupunta sa Pilipinas para harapin sila,” I answered.

I changed, pero hindi ako selfish. Kapag naging selfish ako, para na rin akong gumaya sa magulang ko. Hindi ako katulad nila and I don’t want to be like them.

“Would you like to come with me?” alok ko.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha niya pero agad rin na nakabawi bago matamis na ngumiti sa'kin.

“Syempre, ma’am. It’s been three years since they started pursuing you. I’m glad you agreed. Na-background check ko na ang company nila, I will email it.”

I just shook my head. Three years na pala. I don’t care, hindi niya ako kailangan. Masaya na siya, for sure.

Mapait akong napangiti habang inaalala iyon.

I don’t need their company background check. I’m not interested; hindi na ako nakibalita sa kanya simula noong maghiwalay kami.

“Call our Fyline Branch in the Philippines; inform them.” Tumango siya habang may kinalikot ang iPad na hawak niya. “Tell them to clean my office wala naman na gamit doon na masyado hindi sila mahihirapan,” I added.

“Copy, Ma’am!”

“Alright! I will send an email to Eluarza Company, and I will message Mr. Aguilar’s secretary to inform him you’re going home. Is there anything you need, Ma’am?”

“Wala na.” Yumuko siya bago nagpaalam para umalis.

Napatingin na lang ako sa nilabasan niyang pinto. Napahilamos ako sa mukha ko. I did this all by myself, and now Fyline is all over the world. Marami na ang may gusto sa ‘kin ngayon, hindi katulad noon na ni simpleng atensyon, hindi man lang nila maiibigay sa akin.

Tears escape from my eyes. I feel like an idiot. I felt worthless at that time. Marami akong na-realize. I’m brave now, hindi na ako ‘yong dati.

Pinunasan ko ang kaunting luha na lumandas sa pisngi ko at pinaypay ang palad ko. Tumingala ako para pigilin ang luha kung nagbabadya ulit na malaglag sa pisngi ko.

In that week, tinapos ko lahat ng trabaho ko. Minsan nakakatulong na ako sa study table ko. And after those busy and sleepless nights, finally lumipad na kami pauwi ng Pilipinas. At pagdating pa lang sa airport ay sinalubong agad kami maraming reporters.

“How’s Frances Miss Fyline De Chaves?” tanong ng isang reporter. Pilit itong sumisiksik para makuha ang panayam ko sa kapwa niya reporter.

“Why are you here in the Philippines? Why did you go home all of a sudden?” Napatigil ako saglit ng marinig ko ang tanong na iyon.
“Let’s go, Ma’am! Pasensya na hindi ko nasabihan ‘yong security natin mukhang kulang pa.”

“Is it true that you are dating one of the most famous actor?” tanong ng isa sa kanila, kaya napangiwi ako. Pati ang issue na iyon buhay pa rin. Nagkaniya-kaniya silang tanong, pero wala akong sinagot ni isa sa kanila. Mabuti na lang at naharang agad sila ng guard dito sa airlines at security ko.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon