33

1.5K 29 3
                                    

"Alexis stops it." pigil sa akin ni Dylan. "Baby please, calm down. Umalis na tayo rito."

Bakit ba ako nakikinig sa kanya. Bakit ako yung kailangan na tumigil. Hindi ba dapat sila. Anong ginagawa nila sa restaurant ng kaibigan ko. Andaming pwede dyan bakit nandito sila. Hindi ko makakalimutan kung paano nila maliitin ang luto ni Chion noon.

"Why are you mad to us po?" ulit na tanong noong bata. Salubong ang kanyang siguro naguguluhan sa ngyayari.

"Wow ang bait mo mabuti nalang hindi ka nagmana sa mama mo," sarkastikong sabi ko. Napaatras ako ng tumayo yung asawa ni Mara.

"Who you are. Wala kang nakarapatan na sabihin yan sa asawa ko. You know nothing, she don't deserve what you're saying," madiin niyang sabi habang nagtagis ang baggang.

"Shut up, dude!" Dylan warned him.

"Bakit hindi ba niya sinabi sayo, ako lang naman yung kapatid niya na nilandi yung boyfriend ko kaya kami naghiwalay. Na tinakwil ng pamilya niya dahil ni isang punto ko hindi nila naintindihan. Na sinabaihan ng walang respeto dahil nagalit ako sa ginawa niya. Tapos siya yung pinaniwalalaan nila dahil masiyado siyang pa victim." Napahagulhol si Mara.

Wala ako ni katiting na awang nararamdaman kahit umiyak siya. Bakit noong ako ba naawa sila, sabay hindi ko naman pala kailangan ng awa nila.

"Kung niloko ka ng Boyfriend kasalanan niya rin iyon. Kung hindi ka nila mapili hindi ni Mara kasalanan iyon. Bakit mo sinisisi lahat kay, Mara?!" galit pa rin na dagdag nito.

"You know nothing, kung makapagsalita ka parang alam mo na ang lahat!" Dylan said in very calm tone. "Can you just sit and shut up your mouth."

Umaamba na susuntokin ng lalaki si Dylan kaya humarang na ako sa pagitan nilang dalawa.I clapped my hands. I become more sarcastic.

"What's happening here?" Tumingin si Chion sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa harap ko. Umiling siya bago nawala sa paningin ko. Narinig ko na lang na humihingi siya ng paumanhin sa costumers.

"Sorry about this. I just treat your meal and please don't post or say something spread about this. It just family problem please not interfere their problem." Narinig kung sabi niya sa ibang mga costumers.

Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong mainis ng makita sila. Hindi ko lang kaya na makita sila na masaya. Feeling ko napaka-unfair noon sa akin. Ako ngayon inaayos pa rin yung sarili ko pero sila masaya na.

Lalo na si Mara may perfect family na siya.

"Anak pinagsisihan na--" Umiiyak na sabi ni mommy. Nagtangka siyang hawakan ang kamay ko pero tinabing ko iyon.

I miss you mom, pero hindi ko makakalimutan lahat. Hindi noon mapapawi ang nararamdaman ko sa sainyo. Wala na ang dating Alexis na anak nyo. Wala na kayong anak. Simula ng humakbang ako paalis sa bahay nyo nawalan na din kayo ng isa pang anak.

"I didn't ask for your opinion." I enteruped.

"Paano nyo nakuhang maging masaya ng ganito. Paano nyo nakuhang ngumiti ng ganito. At isa pa nag sisi? Hindi halata total iyon naman ang gusto nyo ang mawala ako dahil pinapahirapan ko lang kayo. Paano nyo nakakaya na gumising araw araw na hindi kayo inuusig ng konsensiya nyo. Sabagay kung isiisipin meron pa ba kayo noon." I wiped my tears.

Walang nakapag salita sa kanila. Siguro ay natamaan sila ng sinabi pero totoo naman.

Sorry kido masiyadong selfish ako ngayon. Sinisira ko ang celebration mo. Nag aalala siya sa mommy niya nagbabadya na rin ang luha. Si dad wala siyang masabi ano bang aasahan ko. Yung asawa niya tahimik pero alam ko na galit siya sakin. As if I care. Wala silang ibang masabi dahil tama naman ako diba. Hindi nila deserve. Nanahimik sila ngayon dahil alam nila na tama rin ako sa mga punto ko. Kahit balikbaliktarin pa.

"I'm sorry about that i didn't mean to ruin your family celebration!" I sarcastically said with a smile. Agad akong tumalikod sa kanila para umalis.

Alam kong hindi na naman nila iyon ma itutuloy pa. I ruined it, diba masama naman ako. Hindi ko makakalimutan iyon. Sayang naman kung maging fc lang iyon.

Nakasalubong ko pa si Chion pero tipid lang na ngiti ang binigay niya napakamot pa sa ulo. Alam kung naintindihan niya ako.

Dali dali akong lumabas at nahihinang napa upo ng makalayo na ako. "Ang sakit sakit pa rin pala na harapin sila. Hindi ko pa rin pala kaya," bulong ko, napahagolhol na lang ako.

"Akala nila madali lang kalimutan lang ng ginawa nila sa'kin. Hirap na hirap ako araw araw sukong-suko na ako noon. Pero kinakaya ko pa din lahat."

Sa gitna ng pag-iyak ko at pagbuhos ng mga luha ko may bisig na humila sa'kin at mahigpit akong niyakap. Yakap na may assurance. Yakap na kaya akong I comfort dito sa gitna ng sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry it's my fault nagpahinga na lang sana tayo. Para hindi mo na sila nakita. Kasalan ko kung bakit nasasaktan ka ng ganito. Pitong taon Alexis pero alam kung hanggang ngayon nahihirapan ka pa rin dahil sa'kin."

"Dylan napaka-unfair para sa'kin nang mundo. Sasaya ako sa kaunting pagkatapos ay mauuwi ulit lahat ng iyon sa lungkot at sakit. Gusto ko lang naman maging masaya," sumbong ko sa kanya. Hinahayaan ko lang na bumuhos ang luha ko.

Hinalikan niya ang noo ko." Maybe he has plan kaya niya ginagawa 'to. But always remember hindi ka na nag iisa ngayon. Kasama mo na ako at hindi kita iiwan."

"Don't promise," she pled.

"I'm not promising, Alexis, I want to give assurance. I want to assure you I'm always here. Hindi ko kayang patawin ang sarili ko dahil nararamdaman mo ito dahil na rin sa akin. You deserve to be love." I felt his softy lips on my forehead as I let my tears to flow. And cried all the pain at the top of my lungs.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon