11

1.6K 43 0
                                    

“Ayos na kayo?”

Tinigil ko ang pagbabasa ko bago hinarap si Venaira. Nag babasa rin siya magkasama kami sa library naka glasses pa nga siya. Seryoso na talaga siya.

“Ewan ko, siguro oo.. Wala naman akong karapatan na magalit sa kanya. Sino ba naman ako,”sagot ko.

“Sabi nga niya ikaw yung gusto niya,” dagdag pa niya ng di ako tinitingnan.

“Sa tingin mo ba kailangan ko na maniwala sa kanya?” Tanong ko para marinig ang opiniyon niya tungkol doon.

“Ikaw, pero ang hirap paniwalaan, mabuti na lang problema ko lang si Knight. Kahit gago iyon basta siya ayos lang. Nakapanibago kapag nawala siya sa routine ko.” Binaba na niya ang libro at tumingin sa'kin.

“Ikaw ang magpapasiya, Alexis. Isa pa, ikaw ang susubok sa isang relasyon. Mauunahan mo na tuloy ako na magka jowa.” Nag punas pa siya ng kunwari niyang luha.

“Nandyan naman kasi si Knight siya na lang. Hahanap ka pa ng iba hindi mo napapansin yung malapit sayo, ” sabi niya kay Venaira.

Totoo naman na may gusto iyong tao sa kanya. Hangang ship lang ang maitutulong nila. Baka bukas pag gising ng isa sa kanila magkaroon ng lalas ng loob para mag first move.

Napanguso si Venaira. “Ayoko sa malapit, ayoko sa kaibigan. Anong magagawa ko kapag hindi niya ako gusto.” Iyan ang sagot niya sa'kin.  “Natatakot akong mawala si Knigth kaya h'wag sa kanya. “

“How sure you are, kung may feelings ka na rin para sa kanya,”pang aasar ko kasabay ng pag tawa ko.

“I will never fall inlove with him.” Dahil maingay kaming dalawa umalis kami sa library para maka bwelo kami sa usapan namin.

“Hi, can I sit here?” Tumaas ang tingin ko sa isang lalaking nag aamba na umupo sa harap ko dito sa cafee. Nang makilala ko iyon ay agad akong ngumiti.

“Hello Lucas.. Yes, you can sit th--” Naputol sa ere ang dapat sabihin ko. Agad na lumitaw si Dylan sa harap ko habang madilim ang itsura. Agad niyang kinuha ang upuan at umupo roon ng walang alinlangan.

Nang maka-upo siya ay tinaasan ni Dylan ng kilay si Lucas at ngumisi.  “Oh my bad, nauna na ako. Maraming upuan doon sa ibang table kana maupo,”sakastikong sabi ni Dylan na may halong panunuya.

“Dylan, naman!” pag saway ko sa kaniya. Kawawa naman si Lucas napahiya ata siya dahil sa ngayari. Ang bait niya pa naman ginaganyan mo lang.

“I'm sorry hahanap na lang ako--”nahihiyang sabi ni Lucas.  “Mabuti naman,” sabat agad ni Dylan. Agad ko siyang tiningnan ng masama.

Tumayo ako at kumuha ng upuan sa tabi ng lamesa namin. Nilagay ko iyon sa left side. At tumingin kay Lucas bago sa upuan. Pati na rin kay Dylan na di mapinta ang itsura ng mukha.

“Dyan ka na maupo malaki naman table na napili namin kasya tayo kahit apat,”alok ko.

Habang umiinom ako ramdam ko ang tensiyon at mga tigtig nila pinupukol sa isa't isa. Hindi man sa'kin, pero hindi ako mapakali.

“Ano ba kayo bat ang sama ng tingin nyo sa isa't isa!” sayaw ko.

Hindi ko kaya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Mali ata ang idea na magkasama sila.

“Sayang wala akong nakahanda na pop corn, Alexis. Ang exciting pa naman nito,”sabi ni Venaira at bumungisngis pa sa gilid ko.

“Not me, ako naman talaga dapat ang nandito,” sabay pa nila na sabi. Ngumiti na lang ako ng pilit. At uminom ulit, ang bigat naman ng atmosphere.

”H'wag kayong magtalong dalawa kasi wala kayong dapat pagtalunan. Kung ayaw nyong umalis dito kami na ni Venaira ang aalis para masulo nyo ang table. ” Tumayo siya bilang paghahanda sa pag-alis.

”No! ” sabay na sigaw nilang dalawa.

Napasapo lamang ako sa aking noo bumalik ako sa pagkaka-upo dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

“Ihahatid na kita, Alexis.” Umiling ako sa alok ni Lucas.

“Ako ang mag hahatid sa kanya. Hindi ba obvious na magkasama kami.”sabat ni Dylan sa'min na ikinagulat ko.

Napamaywang ako wala ata na magandang mangyayari kung magkasama sila. Wala akong papaburan at wala naman akong pipiliin.

“Hindi na, Dylan.” tangi ko.

May sundo naman ako no need akong ihatid. Mas mabuti na iyon para walang lamangan. Lumingon siya sa'kin at humakbang palapit habang naka ngisi. Alam ko ang itsura na yan ano naman ang balak niya. Tinuro ko siya gamit ang hintuturo ko.

“Ano na naman balak mo.. Ah!” Napasigaw ako ng pinangko niya ako napahawak ako ng mahigpit sa damit niya at napa pikit. Napatitig ako sa kanya habang naglalakad siya palapit sa kotse niya. Huling huli ko pa ang pag galaw ng adams apple niya sa t'wing lulunok.

Nilapag niya ako sa passenger seat bago umikot patungo sa driver seat. Lumingon siya sa'kin bago inistart ang kotse kakaway pa sana ako kay Lucas ng makita ko siya na nakatingin sa'mi pero agad na tinaas niyang bintana. Napabusangot tuloy ako.

“Sungit! “ singhal niya.

“I'm not.. Ako naman talaga mag hahatid sayo,” rason niya sa kalmadong boses.

“Kailan pa yan, as far as I know na papasundo ako sa driver ko. Pinag aawayan nyo pa kung sino maghahatid sa'kin,” sagot ko habang naka taas ang kilay.

“Ako nga yung driver mo.. Ako na yun bat nag hahanap ka pa ng iba.” May bahid Ng hinanakit pa nyang sabi.

Natahimik tuloy ako hindi ko alam sasabihin ko. Nalunok ko rin ata ang mga salitang gusto kong sabihin. Hinatid talaga niya ako sa bahay namin. Nagulat pa ako na kakausapin daw siya ni Daddy kaya siya pumunta sa bahay. Nandoon pa ang mapanuri na tingin nila.

Huling huli ko rin ang masayang ngiti sa kapatid ko. Kasama ng admirasyon sa mga mata niya, kitang kita iyon sa kanyang mata. Napa iling ako bago pumanhik sa ikalawang palapag at magpahinga sa kwarto.

It's been tiring day for me. Pero maayos hindi masakit.

Maaga akong gising kinabukasan maganda ang mood ko. Napaawang ang bibig ko ng makita na naka hilig si Dylan sa kotse niya. Naka uniform din siya, na tauhan ako ng binanga ng kapatid ko ang braso ko. Bago tuloy tuloy ang lakad palapit sa kay Dylan.

“Hi Dylan!” Nakangiting bati nito habang hawak ang sling niya

“Hi, where is your Ate?”Narinig kung tanong ni Dylan pabalik.

Hindi iyon sinagot ng kapatid niya. “Sabay na ako sayo ah.” Hindi na naka sagot si Dylan dahil si Mara na mismo ang nagbukas ng pinto at umupo sa passenger seat. Iba talaga ang kapatid ko. Kagabi lang ako naka upo dyan ngayon kapatid ko.

Nakita ko na iginala ni Dylan ang kanyang mga mata. Winaksi ko ang mga negatibong nasa isip ko. Bago binilisan ang lakad ko palapit sa kanila.

“Bakit ka nandito?”

“Just get in...  I'm you're driver rigth?” malumanay niya na ani para bang nalugi sa perya ang mukha.

Pinag buksan niya ako ng pinto ng maka pasok ako nasalubong ko kaagad ang matalim na tingin ng kapatid ko. Inirapan pa niya ako.

Nag mukha ako na thrid wheel dito.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon