29

1.7K 29 1
                                    

 "Bye po Tito ko pupunta po ako ulit dito. Sasabihin ko kay mommy, tapos hindi ko sasabihin yun secret natin."

Napaismid na lang ako sa gilid mas gusto na ata ni Gavin na kasama si Dylan kaysa sa'kin. Hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Kampanteng kampante naman itong napaka cute na baby na 'to.

"Come here Gavin, matutulog na tayo. Masama ang mag puyat..." Inabot ko ang maliit niyang kamay bago kami naglakad papunta sa condo ko.

Naghilamos na lang siya ayaw ko na paliguan baka magkasakit. Pinalitan ko ang damit bago pinahiga sa kama ko. Agad din naman siyang natakatulog dahil na rin siguro sa pagod.

Nang masiguro kong hindi na siya magigising nag trabaho na ulit ako. Nag check lang ako ng mga design at mga files sales ng Fyline. Nandito ko na lang 'yon sa kwarto ginawa para mabantayan si Gavin.

Mahina kong hinaplos ang buhok niya, ano kayang ginagawa ng magulang mo. Sabagay bata ka pa... pero nag seselos ako kanina. Dapat don't talk to strangers. Ang pangit ni Dylan, napalabi na lang ako.

"Alexis, I'm sorry ha... Kumusta si Gavin tulog na ba siya? Hindi naman siguro siya pasaway?"ag-aalalang tanong ni Sheena noong tumawag.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya iniwan sa'kin si Gavin. Overtime lang ba o iba nang overtime. Nevermind.

"Gaga malamang ayos ang anak mo, tulog na tulog na ngayon. Pero nagseselos ako turuan mo rin siya ng don't talk to strangers. Mas gusto pa si Dylan kaysa sa'kin," reklamo ko.

"Nakita siya ni Dylan so ano sabi gagawa na raw kayo anak nyo?" may panunuksong tanong niya.

"Syempre hindi, ano bang iniisip mo." Inikot ko ang upuan.

"Ay sayang!" dismayadong sabi niya.

"Ayusin mo sarili mo Sheena, baka gumagawa ka ng ka sunod ni Gavin. Please babae naman, ibahin nyo posisyon." Tumawa siya ng malakas sa biro ko.

"Ikaw kaya gumawa!" asik niya. "Hirap magbuntis kung maka-utos ka riyan. Akala mo naman isang ere andyan na yung bata."

"Tss, hanap ako aasawahin," sagot ko.

"Nasa harap na condo mo..." Napailing ako. Kaya makulit ang anak dahil makulit din ang nanay.

"May gagawin pa pala ko, bye na. Kukunin ko nalang si Gavin bukas." And the call was ended.

Twelve na nagpasya akong matulog, tinapos ko lang ang kaya kung natapusin. Busy na ang schedule ko ngayong week.

Nang magising ako agad akong nataranta ng hindi ko makita si Gavin sa tabi ko. Agad akong bumangon inayos ang damit ko. Nagising ata ang diwa ko kung saan na naman ba pumunta ang bata.

Nanlaki ang mata ko ng makita siya na naka upo sa highchair. Agad akong tumakbobg pumunta sa kusina dahil baka mahulog siya, hindi ko alam kung paano siya naka upo sa highchair. Pero napatigil na lang ako ng makitang hindi lang naman siya nag iisa doon.

"What are you doing here, Dylan?" gulat kung tanong, binagalan ko na ang lakad ko palapit sa dalawa.

"Ah... I cooked breakfast for you and for Gavin. Have a seat." Napakamot siya sa ulo binaba sa table ang niluto niya.

"Hatdog, Sandwich, Ham, Fried Rice." Natatakam ako na kumain pero nakakataba yan.

"Yes, ayaw mo?" Nakakunot niyang tanong bago binuhat si Gavin palipat sa may lamesa. Pinagsilbihan niya ang bata para kumain na ito.

Napangiwi na lang ako. "I didn't usually eat breakfast, I prefer drinking coffee or cerial," sagot ko.

I usually eat cerial or something for my diet para ma maintane ang figure ko. Minsan kasi nag model din ako ayokong tumaba. Kasi mahilig akong kumain baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon