3

2.4K 63 0
                                    

“Babe what are you doing here.. Why are you with him??” Sabay kaming lumingon ni Lucas sa nagsalita sa likod namin.

Tinuro ko ang sarili ko para manigurado kung ako ba ang tinatanong niya.  “Para saakin ba ang tanong na 'yon? Kailangan ko pa bang sabihin sayo. ” I asked in inocent tone.

Humakbang si Dylan palapit sa'kin ng kaunti. Magsasalita sana siya ngunit naudlot iyon dahil may isang babaeng dumating. Yumakap ito sa braso niya at tiningnan ako. Tumaas ang kilay ko dahil sa ngyari.

“Baby, bakit ka nandito?” Tanong ng babae kay Dylan.

Sabay kaming nag-iwas ng tingin ni Lucas. Nag haharutan pa sa mismong harap namin. Parang nawala na kami ngayon at nakalimutan na nandito kami kasama nila. Girlfriend yata ni Dylan ang babae.

“Why are you here?”Narinig kung tanong ni Dylan sa girlfriend niya. Tumawa ako ng palihim balikan ng tanong.

“I miss you! ” the girl answered in a lovely tone.

Ayaw ko sana na pakingan ang pag uusap nila. Kaya lang dahil may tainga ako ay kusa kung narinig.

“You miss me, do you remember what I said last time? We're over Celest.” Bumalantay ang sakit sa mukha ng babae, hindi ko maiwasang hindi matawa. Dalawang beses ko ng nakitang may pinaiyak siyang babae.

”Hindi ako si Celest!” galit na sigaw ng babae.

“Lucas, let's go. Wala tayong magagawa kung papanoorin natin silang dalawa,” bulong ko kay Lucas. Natawa siya ng kaunti at nailing pa bago sumunod.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod ng tingin ni Dylan sa'ming dalawa. Dapat maging masaya pa nga siya eh. Ayaw niya noon, may space sila ng ka flirt niya. O baka mas convenient talaga para sa kanyang makipag-break sa harap ng maraming tao.

“Akala ko ba may gusto sayo si Dylan? Akala ko nga seryoso na siya.”Na pa-react agad ako sa sinabi ni Lucas at natawa.

“Sa pagmumukha ng lalaki na 'yon impossible na mangyari. Sa tingin mo ba magugustuhan ko siya?”

He lick his lower lip.“Well yeah kaagaw ko nga siya eh.” Napakurap ako noong marinig ang huli niyang sinabi.

“Hoy ano ulit sinabi mo? Hindi ko naman narinig eh..”

Inosenteng siyang lumingon bago ginulo ang buhok ko. Kailangan talaga na mang gulo ng buhok. Huminga ako ng malalim at ipinagsawalang bahala ang sinabi nito.

Hindi rin nag tagal ay umuwi na kami, akala ko ay magagalit si Dad sa pag-alis ko kasama si Lucas. Ngunit ikinapasalamat kung kalmado siya buong biyahe. Nag tanong din siya kung okay lang ako.

Naging masaya ang byahe ko dahil tinanong talaga ako ni dad kung okay lang ako. Bihira lang kasi niya na tanungin 'yon. Palaging grades ang kinukumusta niya.  Hanggang sa makarating ako sa bahay hindi mawala ang ngiti ko sa labi.

Nakahinga ako ng maluwag ng sumalampak na sa kama ko. Nasanay at natakot lang siguro ako na magalit siya sa'kin.

Nag pasya akong lumabas ng makaramdam ako ng pagka-uhaw. Inayos ko ang damit ko bago lumabas sa kwarto. Lalapasan ko sana ang kwarto nila mom ng mahagip ko na nag i-impake siya ng damit sa ganitong oras.

“Mommy, aalis kayo ni Daddy?” Napalingon si mommy sa'kin. Super busy siya sa pag aayos ng laugage nila. Out of town siguro. About business as always.

“Yes darling! I think next week pa naman 'yon or next month.” Nag salubong ang kilay ko.

“Next month? Then why are packing? Ang aga naman siguro.” Madali lang naman mag-ayos ng mga damit.

“Oh this. Isasama namin si Mara dahil nag top siya sa quizbee. Aalis kami I think five days mo na kami na mag out of town,”she explained happily.

Umiwas ako ng tingin at napangiti ng mapait. Ako paano naman ako, wala ba ako? Hindi nila naisip ang nararamdaman ko. Kahit siguro ma-perfect ko lahat ng contest etc na yan. Kahit isang beses wala, nasanay na akong palaging kapatid ko. Panalo rin naman ako sa debate ah noon isang araw. Bakit ako walang pa vacation. Hindi ko maiwasang hindi magtampo.

“Ganoon ba Mom.” Tumawa ako.  “Ako hindi nyo isasama?” biro ko. Hindi ko mapigilan ang pait sa pakiramdam ng tumawa siya. Sa tingin niya ba biro iyon, sa biro na iyon yung katutohanan.

“Sino ang maiiwan dito sa bahay, saka may klase ka. Kailangan mo na makuha pa ng mataas na grades para sa sem na 'to,”Paliwanag niya.  ”Sa susunod ka na lang Alexis. ”

I fakely wave my hand in air.  “It's okay, I don't mind.. Aalis naku gabi na rin kaya matutulog na ako.” Pagkasara ko ng pinto napasandal ako at napadaosdos pababa.

I cried that time, gusto ko rin ng atensyon nila. Bakit ba ang hirap hirap makuha noon. Palagi na Mara kailan naman magiging ako. Nakuha ko lang ata atensyon nila kapag hindi ako top kasi papagalitan ako.

Next day umalis na sila, hindi naman masakit na basta na lang silang umalis ng hindi nagpaalam. They just left a note na aalis na sila, aahin ko yun.

Padabog akong lumabas ng bahay, at nagpahatid sa driver ko.

“Oh ang bebe anong ngyari sa mukha mo?” Mahigpit kung niyakap si Khate noong makasalubong ko siya.

“Umalis na naman sila na parang wala lang. Kapatid ko na naman..” Sumbong ko sa hininakit ko. Humikbi ako sa balikat ni Khate na parang bata.

“Shh sa bahay ka nalang kaya namin, mag isa ka naman sa bahay nyo. Iniwan ka ulit ng pamilya mo, ” sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. 

“Sanay na akong iwan nila alam mo teacher. Nasasaktan din naman ako pero kapatid ko iyon. Sanay na akong mag paubaya.”I sadly said.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko, baka dumating ang iba na barkada tapos umiiyak ako. Mag aalala sila para sa'kin.

“Hindi pa nga ako teacher,”apila niya.  “Gusto mo sa bahay nyo ako matulog hangang sa umuwi sila tita? Okay lang naman yun eh. Ayaw mo naman sa bahay namin.” Her sudgestion warm my heart pero baka hindi pwede.

“Tangi paano kasama mo?”sabi ko sa pagitan ng pag singhot ko.

“Maintindihan naman niya. Hindi yun isip-bata para magtampo agad. ” She give me a cute pouted.

Tumango ako.  “Sige na.. Ikaw bahala..”

“Oh tubig baka dumating na yung iba. Inumin mo yan para i-anod problema mo. Pag-okay ka na sabihin natin sa kanila. ” Ngitian ko siya bago tinangap ang bigay niyang mineral water. Pero ang totoo joke lang pala iyon ni Khate. Hindi talaga darating ang ibang barkdaa dahil may klase sila.

Nang maghiwalay kaming dalawa ni Khate wala ulit akong kasama para ulit akong walking zombie. Napa-aray ako ng mauntog ang ulo ko sa isang bulto ng tao.  Napasapo na lang ako sa noo ko medyo nasaktan.

“Are you okay? Parang zombie kang mag lakad. May problema ba na gimugulo sayo?” Mahinang tanong ni Dylan. His eye was was full of concern.

Naka-suot siya ng formal attire. Isang maroon sleeve at black pants. Nakasabit sa balikat niya ang bag at may dalang mga papel.

“Makikinig ako." dagdag niya.

He even lower his head para magkapantay ang mukha naming dalawa. Kaya napa atras ako ako ng kaunti dahil sa pagkabigla.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” malakas na loob kong tanong.

“I just checked if you're really okay. Kanina pa kita tiningan.” He was smiling.

“Tapos na. Ayos lang ako, maari ka ng umalis!”pag sungit ko.

I heard him chunked so it eratates me even more.  “Bakit na naman?” Salubong na ang mga kilay ko habang naka tingala siya dahil mas matangkad siya sa'kin.

“Aww, galit agad.” Pabiro niyang hinawakan ang dibdib niya. Like a shocked kid.

“Hindi lang tayo nag kita nakalimutan mo ng pareho tayo ng block. Let me acompany you babe,” he said with matching winked.

Napakurap siya noong kunin nito ang bag niya at unahan siyang maglakad. Wala siyang naalaang classmate niya ito.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon