"Ate please, listen to me, please, maniwala ka naman sa'kin...” Isang malakas na sampal ang binigay ko ulit.
“Please para ano? Mara, nakuha mo na lahat hindi pa ba sapat lahat ng iyon. Kulang pa ba ano pa bang gusto mo?” sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Nakaluhod siya ngayon sa harap ko habang hawak hawak ang kamay ko. She was kneeling because she feel sorry for everything she did.
“Ate, I'm so sorry hindi ko sinasadya,” hingi niya ng tawad ulit.
Tila nag pintig ang tainga ko. Hindi sinasadya kanina niya pa sinasabi iyon. Bakit ba kapag may kasalanan ay sasabihin hindi sinasadya pero paulit-ulit naman na ginawa.
“One mistake is enough to realize what you're doing was wrong. Hindi yung kailangan mo na ulit ulitin para sabihin na hindi mo sinasadya. “
“Saan doon ang hindi mo sinasadya, simula noong bata pa tayo. Nasayo lahat.. lahat ng meron ako. Kahit yung gusto ko nagbibigay ako ng daan para sayo. Sa bawat graduation ko wala sila Daddy dahil sabi mo pumunta sila dahil may event sa school nyo. Tinangap ko yun kasi ayos lang naman kahit ako lang yung nag iisa na bata sa mismong graduation ko na walang magulang. Mabuti na lang nandoon ang kaibigan ko. Sa bawat birthday sa mga mahalagang araw sa buhay ko. At sa t'wing kailangan ko ng pamilya. Ikaw! Ikaw ang inuuna sa'tin dalawa.” Matagal kong kinimkim lahat ng 'to.
I'm not a priority because I am the first born.
“Sa bawat birthday ko ayos lang kahit na-iisa ako kasi na sayo na naman. Ingit na ingit ako sayo, pero kulang pa ba yun? Ngayon naman yung boyfriend ko. Yun lang sana ang hiniling ko na wag mong kunin sa'kin dahil yun nalang yung natitira sa'kin.”
Patuloy ang mga luha ko, dahil hindi ko na kaya pa na pag takpan iyon ng mga ngiti ko.
“Ate sorry hindi ko naman intensyon na gawin yun kanina.” Kanina lang gusto kong tumawa ng tumawa.
“Tang*na paanong hindi mo sinasadya pero gusto mo siya. paulit-ulit mo yan na sinasabi sa'kin! ” sigaw ko na kaniya bago tinulak siya. Napa upo siya sa sahig habang umiiyak.
Kasabay ng isang boses ng isa sa taong kailangan ko ngayon. Pero katulad ng inaasahan ko, hindi pa rin ako.
“Ano na naman bang ginawa mo sa kapatid mo? Wala ka na ba talagang awa, wala kang respeto!”mas lalo akong nasaktan dahil sa ama ko mismo ng galing ang lahat ng 'yon.
Ngayon nasa kaniya na naman ako na naman yung mali. “Dad, hindi po...” Iyak ni Mara.
Sarkastikong tumawa ako. “Ako yung may kasalanan hindi ba, Mara? Bakit hindi mo sabihin, doon ka naman magaling!“
Galit na galit na humarap sa'kin ang ama ko. “Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa mo. Kung walang kang ibang balak gawin lumayas ka sa bahay na 'to.
Hinila niya ako at hinawakan ng madiin ang braso ko. Naramdaman ko ang higpit at hapdi noon pero hindi ko pinahalata.
”Ako talaga yung mali daddy? Bakit palaging ako yung may kasalanan. Gusto nyo ba talagang maging anak ako? Anak nyo ba talaga ko? ”
“Dad!” sigaw ni Mara habang umiiyak, yakap si mommy.
“Pakinggan muna ang mga anak mo.”si mommy.
“Oo na sige na, ako naman palagi yung mali. Oo na, aalis na ako kung iyon ang ikakasaya nyo! Masaya kana, Mara?” Baling ko sa kaniya.
Umiling siya habang umiiyak. “I'm sorry... Don't leave..” Patuloy ang pag–iling niya.
“Bitawan nyo na ako, aalis ako mas mabuti pa na isipin ko na wala akong pamilya, kakayanin ko. Aalis ako sana maging masaya kayo.” Marahas ko na binaklas ang pagkakahawak niya sa braso.
BINABASA MO ANG
CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]
RomanceASTINE SERIES #1 [ COMPLETE] Read at your own risk ➜ Dylan was known as "number one Cassanova" in their university. He changes girl so easily, he changes girl when he wanted to, and he can break girls' heart so easy and find another. he's a Cassan...