25

2.1K 33 4
                                    

Hinatid niya ako pagkatapos pero may kakaiba sa kanya. Panay ang tingin niya pero umiiwas din agad.

Bago ako maka-baba ay tumingin ako sa kanya.  “Ano ba kasi sasabihin mo naiilang ako sa pag tingin tingin mo. Hindi ako kumportable,” medyo naiinis kung sabi.

He frustratedly messed his hair panay ang buntong hininga. Nakahawak siya sa manibela ng mahigpit. May masama ba na ngyari bakit siya ganiyan. May bamumuo na kaba sa dibdib ko habang tumatagal.

“I have one empty condo near at my condo at the top floor. We own that building so ahm. Gusto mo ba na doon na lang tumira?” para siyang nakahinga ng maluwag ng sa wakas nasabi na niya ang dapat niyang sabihin.

Hindi ko iniisip na maaring katabi ko siya pero sigurado ako na maganda na condo dahil pagmamay-ari nila yun. Hindi na ako mahihirapan. Dapat ay sinabi niya na kaagad sa'kin para hindi ko na prinoblema 'yon.

“How much?” I excitedly asked.  “I'm willing to pay.“

“If I tell you to love me again and that enough. Papayag ka ba?” he looked directly in my eye.

“Ha? Ano bang s-sinasabi mo? ” Hindi ko ito makapaniwalang tiningnan.

“If I tell you to love me again and that enough. Papayag ka ba?”

Napatawa pa ako dahil sa sinabi niya, nag bibiro ba siya. Mahilig na ba siya na mag biro. Sabagay ganoon naman siya mapaglaro.

“Kailangan ko ng condo, Dylan. I don't need a lover, at kung gusto mo na magustuhan kita para ibayad sa offer mo tumigil ka na. Kaya ko pa na maghanap ng iba. ” Bumakas ang galit sa boses ko.

“I'm sorry... Just forget what I said,” malungkot niya na sabi.

Ngumiti siya ng tipid sa'kin bago bumaba nagulat pa ako ng binuksan niya ang pinto para lumabas. Napasunod din ako sa kanya. Nang makababa ako ay nahuli ko siya na ginugulo ang buhok niya. Habang nakangiti.. ngiti na may halong sakit.

Pero ng makita ako ay agad namang umayos ang itsura niya. Ano ba talaga balak niya. Ano ba talagang nasa isip niya? gustong gusto ko yun na malaman. Subra..

Nakangiti siya na lumapit sa'kin. “Bumaba ka na pagbubuksan sana kita ng pinto naunahan mo pa 'ko.” Nakangiti siya sabay kamot sa ulo.

“Aalis na ako, sasabihin na lang kita about sa condo. Lipat kana bukas...” Mag sasalita pa sana ako pero mabilis siyang naglaho sa harap ko.

Nakatanaw ako sa kotse niyang palayo ng palayo. Unti-unting nawawala sa paningin ko. Dinudurog ang puso ko, iyon ang nararamdaman ko.

Nang tuluyang malawa ang kotse niya ay mapait akong napangiti. Tuminga pa ako sa langit para bang nandoon ang kasagutan at sulusyon sa mga problema ko sa buhay.

Dylan gusto gusto kong pakitunguhan ka ng maayos. Gusto ko na umakto sa harap mo na ayos lahat. Ang totoo hindi, nagpapaka-plastic ako para ptotektahan ang natitirang awa ko sa sarili ko. Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Trabaho nga diba...

Gusto ko na maghilom ang sugat na natamo ko. Nilalapitan kita para makatulong 'yun sa'kin. Takot na ako, wag na wag mo sana na iparadam sa'kin na mahal mo pa ako. Matagal na panahon ako na naghintay noon.

“Seryoso talaga Alexis lilipat ka dito malapit sa kanya?!” Halos mapasapo na naman ako sa noo ko. Hindi ko alam naka ilang tanong na to si Venaira. Sila kasi ang tumulong sa'kin dalhin itong mga butingting ko.

Damit pala na ginagawa ko, ma ingat ko 'yun na nilalagay sa malaking karton. Ingat na ingat ako dahil baka masira.

“Oo nga po kasi, naka-ilang tanong kana niyan. Simula ng dumating kayo dito ni Knight.” Napahilot ako sa noo ko.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon