"Manners Alexis, you need to give way for your sister. Ikaw ang matanda sa inyong dalawa." Tumahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng hindi na nagsasalita pa. Natatakot ako na kapag nagsalita pa ako, magagalit na naman si Dad sa 'kin.
Ganoon siya mula noon bata pa ako, hanggang ngayong malaki na ako, wala pa rin akong magawa. Hindi pa rin ako maka-reklamo.
Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. I'm always like this—giving way, giving up for my sister because I'm older. Pagod na ako sa set up na ganito palagi sa bawat araw. But I don't have strength to voice out what I feel.
"How's studying?" Uminom ako ng tubig bago sumagot.
"It was fine, Dad!"
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang sabay-sabay kami na kumakain, pero palaging pressure ang natatangap ko. Kahit hindi pa naman talaga ako tapos na kumain ay umalis na ako. I rather eat some chips than eating with them. It's too much for me.
Nakayuko ako habang tinatahak ang daan papunta sa kotse na nakaparada sa tapat namin. May driver at mayaman naman kami pero sobra akong nagtitipid. Gusto ko na may sasakyan din, pero sa t'wing naiisip ko ang future ko, 'wag na lang. Baka mas kailangan ko sa future ang pera, may magagamit ako kung sakali.
Dumiresto ako sa tamabayan naming magkakaibigan kasi maaga pa naman para sa pasok ko. Nakipagkita muna ako sa kanila dahil pareho naming mga free time. Thrid year college na ako at Business Add ang kinuha ko dahil gusto ni Daddy na manahin ko ang company namin—bagay na hindi ko pinag-isipan nang mabuti. Akala ko madali lang, pero kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo, doon mas lalo kong na-realize na nakakapagod.
"May nakita ako kanina na lalaki, pogi siya at matangkad," Venaira dramatically said. "Ngumiti siya sa 'kin noong nakita niya na tumingin ako sa kanya. Pero nakakainis si Knight biglang umeksena."
Inis niya ulit na hinampas ito, kaya nagtawanan kami.
"Hindi naman masakit! Mas pogi ako roon. Matangkad ako, gwapo, marunong mag-basketball." Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa ka dramahan ng kaibigan ko. Halata na ang saya-saya nila.
"Knight, stop being over reactive, you're a not kid anymore. Normal lang na may magustuhan si Ven, baka gusto mo ikaw lang?" I teased. Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko.
"Para kasing bata! Nakakaumay na, Knight," Venaira added with disgusting face.
Nag-kantyawan tuloy kami nila Sheena. Khate is eating while Chion is browsing on his iPhone. Kaming tatlo ang nag-aasaran. College life was hard, para lang akong nagtinidor ng sabaw.
"Ang sama niyo 'no? At least ako kahit ganito, enjoy ang life." Halos lahat kami ay napa-irap sa sinabi niya.
"Sinasabi mo ba na hindi enjoy ang buhay namin? Sakalin kita!" Nagsukatan silaVenaira ng tingin.
Ang cute talaga ng magkaibigan na 'to, pwede nang magka-ibigan.
"Bagay kayo!" I murmured. Nagtawanan kami nang sabay silang umiwas ng tingin habang namumula ang mga pisngi, halata may gusto sa isa't isa.
Halata naman kasi may gusto si Knight kay Venaira, pero hindi niya inaamin. Si Venaira naman halata rin na may gusto kay Knight, pero hindi pa ma-figure out.
Ganoon namin pinalipas ang free time, sa pag-aasaran at kulitan. Masaya na naman ang araw ko. They always complete me every time.
Pabalik na sana ako sa room ko nang may masaksihan ako na isang break up scene. Hinalikan muna ng lalaki 'yong babae sa huling pagkakataon, pagkatapos malamig itong tiningnan.
Ganito na ba makipag-break ngayon?
Pinagmasdan ko ang reaksyon ng dalawa. Hindi naman nakakaawa, pero nakakatawa dahil mukha silang desperado sa magkaibang bagay. Change of mind agad?
BINABASA MO ANG
CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]
RomanceASTINE SERIES #1 [ COMPLETE] Read at your own risk ➜ Dylan was known as "number one Cassanova" in their university. He changes girl so easily, he changes girl when he wanted to, and he can break girls' heart so easy and find another. he's a Cassan...