“Biro lang Venaira, baka seryosohin mo sinabi ko sayo.” Halata ang pagbago ng expresyon ni Venaira dahil sa biglaan pag bawi ni Knight sa sinabi niya.
“Okay na sana eh, bat mo binawi, para kami nanood ng loves story nyo. Tapos binawi mo pa sinabi mo.” I said and all of my friends agree.
“A-ano ba k-kayo, may ibang tao na g-gusto na yan si Knight,” Dismayadong ani ni Venaira, kita ko kung paano siya mag pilit ng ngiti niya.
“Hindi ba ikaw iyon?” tanong ni Chion.
She waved her hand shyly.
“Hindi kaibigan lang ako ni Knight..” Dagdag na sabi ni Venaira. ”We're just friends. ”
“Alam nyo isa nalang pipiktusan ko na kayo, ” sabi ni Khate.
“At bakit na naman?”sabay pa talaga ang dalawa.
“Pareho kayo mga manhid baka magising kayo sa katotohanan kahit papaano.” Ngumiti siya ng parang may balak talaga. Tinaas-taas pa ang kilay.
Mahirap talagang mahulog sa kaibigan. Parang gusto pa lang umamin maiisip mo na sayang. Paano kung magbago ang lahat dahil sa nararamdaman.
Nang matapos free time bumalik kami sa kanya kanyang klase. Pero napansin ko noong makabalik ako walang ingay. Noong makita ko si Dylan tiningnan ko siya ngunit, hindi ko inaasahan noong lumingon kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
Hangang sa matapos ang buong klase maghapon hindi siya nangulit na ikina-pasalamat ko.
Nang pa uwi na nakasalubong ko mga barkda ni Dylan, si Mark at Benedict. Kumaway at ngumiti sila sa'kin. Tumingin ako sa likod pero hindi naman nila kasama ni Dylan.
“Bat naglalakad lang kayong dalawa? Akala ko ba may sasakyan kayo?”I asked.
Tumawa ang dalawa. “Trip lang naming mag-commute. Ikaw ba bakit ka naglalakad?” Mark curious asked me.
“May kotse ka naman at driver diba?” Benedict added..“Wala yung driver namin may sakit kasi asawa niya. Hindi ako nagdala ng sasakyan kasi gusto ko muna na mag libot.” Agad akong nalungkot noong maalalang may gagawin pa 'ko.
“Pero marami pa ako gagawin magagalit si Dady sa'kin kapag hindi ako nag aral.” Agad ko rin namang Sabi.They both nodded. “Kami rin maraming gagawin. Pero gagala naman kung gusto. Marunong ka bang mag commute? ” Tanong ni Benedict.
Nakangiwi akong umiling dahil sa totoo lang hindi. Nakisabay ako sa kanila. Hindi ko tinanong kung nasaan si Dylan. Baka isipin nilang hinahanap ko siya.
Naghintay kami ng taxi sa may gate, para deretso na ang paghatid. Nauna ako na bumaba sa kanila sinamahan nila ako sa mismong bahay namin para masiguro nilang safe akong naka-uwi.
Week passed ngayon na ang dating nila momy. Hinihitay ko na lang sila dito sa bahay. Ayaw nilang sunduin ko sila sa Airport.
“Wellcome home, mommy!” bati ko.
I hug her.
Yayakapin ko sana si Dady pero tinaas na niya ang kamay niya para pigilan ako. Isang tango lang ang binigay niya sa'kin. Napaatras ako, natigilan.
“Mara, pahinga ka na sa kwarto mo,” malambing ni daddy na sabi kay Mara.
He ignored me.
Nasaktan man ako pero tinago ko iyon. Mom hold my hand and give me a genue smile. Si Momy na lang talaga ang kadamay ko sa pamilya na ito.
Ikinaka-galit ata ni Daddy na nabuhay pa ako. Ni hindi niya alam na nasasaktan din naman ako. Nahihirapan din ako. Masama ang loob kung bumalik sa kwarto. I heard a couple of knock, kaya tingil ko muna ang ginagawa ko.
“Anak?” Tumingin ako sa pinto ng tinawag ako ni momy.
“Bakit po? Pasok kayo.” Pumasok si mommy sa loob, ni-lock ko muna ang pinto bago nilapitan siya.
“Kumusta ka naman, kumusta ka noong wala kami dito. Hindi kaba nahirapan noong wala kami. ” Tanong niya.
Sana naisip nyo 'yan bago kayo umalis gusto ko sana na sabihin iyon, pero pinipigilan ko ang sarili ko.
“I'm fine mom, nakaya ko naman noong wala kayo. Nasanay na ako diba nga palagi nyo naman akong iniiwan.” Nakangiti kung sagot.
“That's good!” Ngumiti siya.
“Sorry about your dad siguro pagod lang siya," paumanhin ni mom.
Palihim akong natawa.
Pagod nga ba talaga siya? O talaga na ayaw niya sa'kin.
“Mom palagi naman na ganoon si Daddy. Pati rin naman ako napapagod. Pero hindi magbabago ang pakikitungo ko sainyo. Pero don't worry sanay na sanay naku.“
Pinipigilan kung ma-iyak. Kapag umiyak ako ibig sabihin mahina ako.
“Alexis pagpasensyahan mo nalang, alam mo naman ang daddy mo.” Narinig ko na bumuntong hininga siya.
“Alam ko naman yon mom, sanay na ako. Sanay na akong kung ituring niya ako parang hindi niya anak, ” malungkot kong sabi. Parang pinipiga ang puso ko..
Kumuyom ang kamao ko. Nang tumayo ako ay nakita ko na pinunasan ni momy ang luha niya.
“Maliligo lang po ako, lumabas ka nalang po, lock nyo rin yung pinto.”
Umiyak ako ng umiyak ng gabing iyon, habang nasa ilalim ng shower. Para hindi ko mapansin gaano ang naubos kong luha.
Kinabukasan kagaya ng dati nakangiti ako. Kagabi lang ako umiiyak, magiging okay din ako. Wala lang din naman sa kanila ang mga nararamdaman ko.
Malapit na ako sa room noong mapansin ko si Mara na naghihintay sa labas. Binilisan ko ang hakbang ko para lapitan siya.
“Mara anong ginagawa mo sa tapat ng room ko. May sasabihin kaba?... Sana sina--” Inis siyang lumingon.“Bakit naman kita pupuntahan, wag ka na mag assume,”galit niyang sabi. Napanganga ako sa inasal niya..
“Hey Ali!” Lumingon ako sa lalaking bumati. Abot tainga ang ngiti niya.
Nahuli ko ang pag-aayos ng kapatid ko, napakunot ang noo ko. Sasagot na sana ako kay Dylan noong magsalita si Mara. May hawak siyang chocolate hindi ko napansin kanina.
“Hi Dylan this is for you galing pa yan sa ibang bansa. Pinili ko para pasalubong sayo.”Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
Medyo nagulat din si Dylan sa kaniya, nilingon niya ko. “Para sa'kin? Bakit?” Bakas ang kaguluhan sa mukha niya. Hindi pwede na pati kapatid may gusto sa kaniya. Hindi ako papayag. Never.
Subra kung makangiti si Mara kaya pinandilatan ko siya ng mata. Huwag niyang sabihin na may gusto siya kay Dylan.
“Yes para sayo.” She look like angel nagpapa-cute ba siya. Hindi ba niya alam na babaero si Dylan.
“Mara, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”saway ko.
Ngumiti siya sa'kin pero may kasamang ngiwi. Bumaling ulit kay Dylan.
“Para sayo... Bye, Dylan!” Napakurap ako ng ilang beses ng umalis siya.
Tiningnan ko ng masama si Dylan. Hindi ko alam kung anong meron siya para magustuhan siya ng maraming babae.
“Kasalanan mo 'to, Dylan!“
BINABASA MO ANG
CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]
RomanceASTINE SERIES #1 [ COMPLETE] Read at your own risk ➜ Dylan was known as "number one Cassanova" in their university. He changes girl so easily, he changes girl when he wanted to, and he can break girls' heart so easy and find another. he's a Cassan...