“Wala ka na ba talaga na ibang magawa, Alexis? Tapos aasahan muna sayo ko ibibigay ang kompanya? Para ko na ring sinayang ang pinaghirapan ng pamilya natin.” Napayuko ako.
Linampasan ko sila at tumakbo papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ang napakalakas na sigaw ni daddy. While my mom was begging. I was wrong. I'm always wrong...
“Hindi ko naman ginusto pero, iyon lang ang kaya ko...” bulaslas ko.
“Bakit ba ang hirap abutin ang expectations nila. Akala ba nila basta na lang ako magsusulat nakikinig sa lesson perfect ko na agad pag dating sa quiz. Ginawa ko naman ang lahat pero yun lang nakaya ko. Hindi ako matalino kaya nahihirapan akong makisabay.“
Patuloy ako sa pag iyak sa kwarto ko. Nagtalokbong ako ng kumot habang umiiyak. Mahigit tatlong oras na akong umiiyak. Simula pagdating ko sa bahay ay iyak na ako ng iyak. Subra kong sinisisi ang sarili ko lalo lang nadagdagan ang problema ko.
Lalo pa na umamin yung mga lalaking naka away nila Dylan doon sa bar. Tumawag si officer kinausap ako noong lalaki. Si Mara na naman, hindi ko na kaya lahat. Subrang napakarami na ng iniisip ko dumagdag pa iyon. Kasalan niya ang nangyari dahil ginusto niya iyon.
Pinagkakaisahan ako ng mundo puro na lang problema ang binibigay nila sa'kin. Walang katapusan puro problema.
Matagal pa akong umiyak kusa na rin akong dinalaw ng antok. Nakatulog ako kahit hindi pa nagpalit.
Kinabukasan nag pasya ako na lumabas sa bahay namin. Ayoko na sa bahay na ito. Para bang hindi ako makahinga, ang bigat sa pakiramdam.
“Ginawa mo naman ako na driver ngayon, ” reklamo agad ni Chion ng makapasok ako sa kotse niya.
Tumakas lang naman ako wala sila dito sa bahay. Walang magagawa ang katulong namin kung aalis ako.
Ngumiti ako. “You know naman, ikaw lang maasahan ko ngayong panahon ayokong idamay pa kaibigan natin.” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang seat belt ko.
“Mas magiging masaya sila kapag sinabi mo hindi yung nagtatago ka sa kanila, ” sabi niya, that word hit me.
“Sasabihin ko naman sa kanila promise...” Tinaas ko pa ang kamay ko tanda na nanunumpa ako.
“Ano pa nga ba.. Syempre no choice ako.. Tawagan mo rin kaya si Lucas for sure palaging free yun. ” Bigla niyang sudgest bago pinaandar ang sasakyan.
“Bakit naman na sama si Lucas sa usapan,” nagtataka kong tanong. “Syempre nakita ko siya noong isang araw. Kung ayos kana raw ba.”
“Ha? Nagtanong talaga siya, pero hindi na 'yon importante.” Nag-aalala ata siya dati na nakita ko siya noong umiyak ako sa school. Napapadalas niya ata akong nakikitang umiiyak.
“Oo.” tipid niyang sagot sa'kin “Saan ba punta natin?”
“Bili muna tayo ng kape sa Starbucks pupuntahan ko lang si Dylan.” Gusto ko lang siya na maka-usap. Wala namang masama roon.
“Hapon na bakit hindi ka kanina pumunta?” Tinatanong pa ba yun, Chion.
“Syempre andoon si daddy ngayon na nga lang. Hayaan mo na ako gusto ko lang talaga siya na makita. Na miss ko na siya.” Napailing na lamang si Chion.
Ang wierd niya hindi siya supportive, boyfriend ko. Sinunod namin yung plano ko. Dumaan kami sa Starbucks sa mall. Kumain din kami saglit bago pinuntahan ang condo nila Dylan.
Habang nasa byahe iniisip ko kung ano kayang gagawin ko. Siguro nandoon ba kaibigan niya. Doon na siguro ako matutulog for sure naman ihahatid niya ako pauwi. Malakas yun kay dady kaya hindi ako mapagalitan for sure. Napatawa na lang ako na mag isa kung ano anong iniisip ko.
BINABASA MO ANG
CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]
RomanceASTINE SERIES #1 [ COMPLETE] Read at your own risk ➜ Dylan was known as "number one Cassanova" in their university. He changes girl so easily, he changes girl when he wanted to, and he can break girls' heart so easy and find another. he's a Cassan...