16

1.2K 29 2
                                    

“Napaka makasarili mo talaga gusto muna pinag uusapan ka ng lahat. Gusto mo palagi ang atensyon gusto palagi yun dapat ang masunod napaka selfish mo, Alexis!” Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Mara para sa'kin.

My sister was so mad nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa'kin. Saan niya nakukuha ang galit niya.

Sa lahat wala iyon sa'kin dahil nasa kanya iyon. Nasa kanya lahat ng iyon, kailan ko ba iyon nakuha? Nakuyom ko ang kamao ko habang pinipigilan ang sarili ko na masaktan si Mara. Sa tingin niya ba kailangan ko nakuha ang gusto ko kailangan ko nakuha ang atensyon ng parents namin. Ni respeto niya sa'kin nawala na rin.

“Huwag kang magsalita na para alam mo lahat. Huwag kang mag salita na parang alam mo ang nararamdaman ko.” Mabigat ang pag hinga ko dahil na rin sa pag pigil ko ng inis. Kahit mahirap ipapaintindi ko sa makitid niyang utak.

Ayos naman ako pagkatapos bigla siyang papasok sa kwarto ni walang katok habang galit na galit. Yun ang sasabihin niya. Atensyon.

“Wow naman kung may isip ka lalayuan mo si Dylan. Dahil alam mo na gusto ko siya lalayuan mo siya dahil iisipin mo na gusto siya ng kapatid ko. Pero napaka makasarili mo.” Pagak akong tumawa at tumingin sa kanya. Kung siya ako iisipin niya din ba yun.

“Si Dylan?” I can believe na subra ang pagka gusto niya sa boyfriend ko.

“Bakit hindi mo yan sabihin sa sarili mo Mara. Kung may isip ka lalayuan mo siya alam mong may jowa iyong tao. Alam mo na boyfriend siya ng kapatid mo. Ikaw ang masyadong selfish, gusto mo na nakukuha lahat ng gusto mo. Lahat ng nasa akin gusto mong makuha.” Balik ko sa mga sinabi niya sa'kin.

“Kahit pag baliktarin mo man ang mundo. Kahit mahal mo siya, ikaw ba ang magpapasaya para sa kanya? Kahit mahal na mahal mo siya, gumising ka Mara, it's not valid reason.” Humihikbi siya habang nag pupuyos galit.

“Hindi ikaw ang mahal niya, at ako yun! ” Sumigaw siya at nag wala. Hindi siya nakikinig sa'kin dahil sarado ang utak niya para sa mga paliwanag ko. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit habang sinugod ako.

“Hindi ko lang siya pinansin ng dalawang buwan pero heto ka inagaw mo siya sa'kin.” Lumapit siya, bigla niya akong hinila. Sinabunutan ko rin siya kagaya ng ginagawa niya.

“Wala akong inaagaw sayo boyfriend ko siya. Ako yung girlfriend niya, ” sigaw niya.

“Hindi! Ako yung gusto niya inakit mo lang siya ang landi mo kasi. Napaka landi mo.” Malakas ko siyang tinulak pero ng makabawi si Mara sinugod niya ulit ako.

“Wala ka ba talagang respeto para sa'kin? Kahit bilang kapatid mo na lang, Mara.“ Tanong ko.

“Sino ka para respetohin ko?” matigas nyang tanong.

Matatangalan ata kami ng anit pareho. Hindi... Hinding hindi ako magpapatalo.

“What's happening here?” Mabigat ang paghinga ko na tumingin sa may pinto. Nabitawan ko siya noong makita ko kung sino 'yon.

Nanlilisik ang mata ni daddy habang nakatingin saamin dalawa. Namuo ang kaba sa dibdib ko noong makitang galit na galit siya.

“Daddy!”nag salubong agad ang kilay ko ng tumakbo si Mara sa kanya habang umiiyak.

Pinapamukha niya bang agrabyado siya sa'kin.

“Dad hindi ako --”hindi ko natuloy ang dapat sabihin ko ng humagolhol si Mara sa pag-iyak.

“Dad sinaksaktan niya ako, hindi ko alam kung bakit siya galit na galit sa'kin. ” Napa awang ang bibig ko binaliktad niya pa ako.

“Hindi ako ang na una, ikaw yung pumasok dito na galit na galit.” Tinuro ko pa siya gamit ang daliri ko.

CATCH BY CASSANOVA ARMS [ ASTINE SERIES #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon