Flashback

3.4K 75 0
                                    

Lead's POV

Kakaiba talaga yung Naomi na yun!! Balak nya ba akong patayin?? Aishh!! Ang bilis magpatakbo parang Car Racer pero di bale humanda sya gaganti ako.

Papasok na ako sa Mansion (Mansion talaga di pwedeng bahay na lang?) namin. Pumunta ako diretso sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos magbihis ay pumunta ako sa Terrace namin para makalanghap ng sariwang hangin.

Naalala ko na naman siya. Ang mukha na di mawawaglit sa isipan ko. Ang nga pinagsamahan namin na masasaya at ang halakhakan namin! Naalala ko na naman kung pano sya nadisgrasya at wala man lang akong nagawa!!

Malalim ang iniisip ko ng may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko sa may-ari ay sinulyapan ko siya at tumingin sa kawalan.

"Naalala mo na naman sya??" tanong sa akin ni Lithium. Lumapit sya sakin at kagaya ng ginawa ko inilagay nya rin ang kamay nya sa railings at nakatanaw sa kawalan.

"As always" sagot ko. Tumawa ako ng peke. Ang sakit pala kapag wala na ang mahal mo. Ramdam na ramdam mo kung pano ka sinasaksak sa puso!!

"Subukan mong mahalin si Naomi bro. Magkamukha sila pero wag mo siyang pag-initan ng ulo dahil sa naalala mo si Bridgette sa kanya. Buksan mo ang puso mo!! Pero ang pinaka ayaw kong gawin mo ay yung Gagamitin mo sya dahil nakikita mo si bridgette sa kanya. Huwag na huwag mong gawin yun!!" seryusong sabi nya sakin.

Humahanga ako sa tapang ni Lithium dahil kahit ano man ang mawala sa kanya hindi nya ipinapakita samin na nasasaktan sya. Hindi sya katulad ko na nagpapakatanga sa lahat ng bagay!! Naalala ko pa nga kung paano nya i-Let Go si Bridgette para sakin.

*****FLASHBACK******

Nakatayo ako sa Garden namin ng may tumabi sa akin. May hawak sya na baso na may laman ng Champagne.

"Lead mahal na mahal mo ba si Bridgette?"

Napatungo ako nang marinig ko ang sinabi ni Lithium. Bumuntong hininga ako at sumagot.

"Yes" simple kong sagot. Alam ko kasi na may gusto si Lithium kay Bridgette at natatakot ako na baka siya yung pipiliin ni Bridgette.

Si Bridgette kasi yung tipo na maalalahanin. Ang ganda ng mata. Masilayan mo lang ang mga ngiti nya ay mawawala na ang pagod mo! Napakaganda nya kaya lahat ng lalaki ay mahuhumaling talaga sa kanya. At isa na ako dun!

"Gusto ko rin sya!"

Hindi na ako nagulat alam ko naman na matagal na syang may gusto kay Bridgette at ine-expect ko na talaga tong araw nato na magkakaharap kami.

"Alam ko"

"Hindi mo man lang ba ako susuntukin??" tanong nya. Napailing ako. Anong karapatan ko para suntukin sya ehh hindi ko naman pag-aari si Bridgette. Pero isa lang ang hihilingin ko sa kanya.

"Bro?? Pwede ba favor?"

"Ano yun??"

Bumuntong-hininga ako bago ko ituloy ang sasabihin ko.

"Akin na lang si Bridgette bro!" pakikiusap ko sa kanya

Ngumiti sya at tinapik ang balikat ko.

"Kahit di mo sabihin. Ipapaubaya ko talaga sya sayo para sa ikasasaya mo!!" umalis na sya nang tapos nya yung sabihin.

Napaawang ang baba ko dahil sa gulat. Hindi ko akalain na ganun lang kadali.
Akala ko pagtatawanan nya lang ako pero mali ako. Napakabuti nyang kapatid pero alam ko sa sarili ko na nasasaktan siya. Minsan lang magmahal ang kapatid ko at alam ko na totoo ang pagmamahal nya kay Bridgette.

******End of Flashback*******

Nabalik ako sa ulirat ko ng nagsalita si Lithium.

"Naalala mo na naman ang pagpaparaya ko sa kanya?"

"Oo. Lithium? Mahal mo pa ba si Bridgette hanggang ngayon?"

Tumingin sya sakin at ngumiti. Nakakagaan ang ngiti ng kapatid ko pero alam ko na nagdaramdam din sya.

"Oo noon. Pero ngayon hindi na. kaya kung ayaw mong maunahan. Dumiskarte ka na!! Dahil di natin alam. Baka tayo na namang dalawa ang magkaagaw sa isang babae. Dahil kapag nangyari yun Hinding-Hindi na ako Magpaparaya!!!" siya at umalis.

********************************
-Naomi Georfo

A/n: Hi guys :) Kahit walang comment at Vote okay na sakin. Marami pa ring salamat sa mga nagbabasa nito. Wag kayong mag-alala tatapusin ko talaga to.
Thank You at I love You all <3

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon