Nakabihis na kami ni Mae. Handa na rin ako sa pagkikita namin ng kapatid ko. Uuwi bukas si Mae sa bahay nila sahil ayaw niya daw na.makadisturbo saming makakapatid. Sinabi ko ngang dito na lang siya tumira pero ang sabi niya ay ang suggestion ko daw ay para na rin dawng sinabi ko sa kanya na ligawan niya si Barium. Kaloka!
Pababa na kami ng hagdan. Wala ang nanay ko sinundo ang kapatid ko. Maiwan na lang daw kami total dito rin naman uuwi ang kapatid ko.
Pagbaba namin ay naabutan ko si Lead at ang iba ko pang kaibigan na nakaupo na sa hapgkainan. Sinabi kasi ni nanay napapintahin na lang sila dito total parang pamilya na daw ang turing niya sa kanila. Tumayo si Lead sa kinauupuan niya at lumapit sakin at ikiniss ako sa cheeks. Pagkatapos ay nginitian ko siya ay nag excuse sa mga kaibigan namin dahil pupunta kami sa Garden. May itatanong lang ako.
"Bakit naputol ang tawag natin kahapon Lead?"
"Ahh yun ba! Tinulak ako ni Nove eh. Nag-aasaran kasi sila kaya pati ako nadamay pa!" sabi niya at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya. "I missed you!" ayy past tense! Hahaha
"I missed you too! Tara balik na tayo sa loob baka dumating na sila Nanay at kapatid ko!" gaya ng sabi ko ay bimalik na kami sa loob at naabutan namin sila na nag-uusap. Umupo ako sa upuan ko at nakipag-usap sa kanila.
"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Mae sakin. Isa siyang mabuting kaibigan sakin sana hindi niya ako bibiguin dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.
"Huh? Oo naman!" pagsisinungaling ko.
"Namumutla ka!"
"Pansin ko nga Mae ehh!"
"Kinakabahan ka ano?" tumango ako. Kami lang ang nagkakarinigan ni Mae. May kausap si Lead kaya hindi niya kami pansin. Napatingin ako sa itaas at nakita ko si Tiyang na nakamasid sakin. Tumango siya at umalis na.
"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong niya. Hindi ko alam pero may kutob ako na may mangyayari na hindi ko gugustuhin.
"Paano kung tama yung mga sinabi mo na magkagusto siya kay Lead?" tiningnan ko si Lead at para kong nanliit sa sarili ko. Gwapo siya at nasa kanya na ang gugustuhin sa ibang babae. Tanga lang ang hindi magkakagusto sa kanya.
"Wag ka nga!! Diba sabi ko haharapin natin yang dalawa kapag nangyari yan? Pagsubok niyo lang yan ni Lead!" ngumiti ako ng pilit kahit alam ko sa sarili ko na hindi malabong mangyari na magkagusto nga si Neradel sa kanya. Kailangan kong maging matatag may pinanghahawakan ako kay Lead. Nagsumpaan kami kaya may tiwala ako sa kanya.
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Nanay na may kasamang babae na.tanyta ko ay ka edad ko lang. Siya na ba yan? Napalingon kaming lahat at napasinghap kami ng makita namin ang babae. Ngayon ko lang siya nakita pero parang nakita ko na ang mukha niya. Familiar na sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dito o sa ibang lugar.
Masasabi ko talaga na maganda siya. Matangos ang kanyang ilog at mahaba ang pilik mata. Maganda ang balat. Maputi at ang tangkad niya. Pareho lang kami ng tangkad. Pulang pula ang kanyang labi dahil na rin siguro sa lipstick na inilagay niya. Opposite din kami ng buhok. Curl ang buhok niya sa ibaba samantalang ang sa akin ay straight lang talaga. Walang rebond o treatment ang ginawa. In born na talaga siya. Ngumiti siya at dumako ang tingin niya sa akin at kay Lead. Pilitin ko mang ngumiti pero hindi ko talaga magawa dahil na rin siguro sa tingin niya sakin na nakakapang-asar.
Nagulat na lang ako nang binanggit ni Lithium at Lead ang pangalan na hindi ko gustong marinig sa panahon na ito. Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang tinawag nila si Neradel nang sabay bilang babeng hindi ko gusto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"BRIDGETTE??!!!??!????!!!???"
************************************
-Naomi GeorfoA/n: Hi :) Pasensya na po sa title nito. Wala akong maisip eh. Hihi Medyo sabaw yung pag-iisip ko dahil may iniensayo po kasi ako ehh para sa League samin. Ako kasi ang napili na Muse. Guys, pls. bare with me tsaka Vote and Comment naman po kayo. MATSALAM!
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?