*******SEVERAL DAYS AFTER******
Ilang araw na ng lumipas ng sinabi sa akin ni Lead na nasa Past na nya daw si Bridgette pero di parin ako na satisfied ehh!!
Nandito ako sa Condo ni Lead. Alam nyo ba kung ano ang pinagawa niya sakin. Pinaglaba nya lang naman ako ng sandamakmak na damit at alam nyo ba ang matindi??!? Pinalalagyan nya lang naman ng Chlorine!! Baliw din tong amo ko ehh pano kung magkasugat ang kamay ko.
"Tapos ka na??"
"Langya ka sir!! Magkakasugat ako dito eh!!"
"Ayusin mo yan kung hindi malilintikan talaga kita!!"
Nang matapos na ako sa paglalaba na nakakapagod ay nagtataka ako. Bakit hindi nya ako pinagamit nang Washing Machine nila. Pinapahirapan niya ba talaga ako!
Ilang araw na niyang ginagawa sakin to. Una ay yung pinagwalis niya ako pero palaging nagtatapon kahit saan at ang resulta tinatawanan niya lang ako. Pangalawa ay yung pinaayos niya ako nang Book Shelf pero siya todo hagis ng libro sa kahit saan at ang Pangatlo, pinamop nya ako. Ilang oas na akong naghahanap pero ang ending tinago niya lang pala ang Mop!! Para akong tanga na naghahanap sa wala!! Ito ang panghuli panglalaba ng walang Washing. Kamay lang ang gamit at ang pinakamahapdi ay ang Maglalaba na maraming chlorine!
Tiningnan ko ang mga kamay ko!! Namumula at ang hapdi!!
Inilublob ko ang kamay ko sa tubig at napansin ko na nasa likod ko na pala si Lead."Ano!?? tatawa ka na naman?"
"Eh haha hindi ko haha alam na hahaha magkakasugat pala?!! Hahahaha"
"Wag ka nga!!! Tatawa tawa ka pa diyan haa!! Ang hapdi na kaya!!"
"Halika dito!!"
Hinila niya ako sa couch at hinawan ang kamay ko!! Hayst Lead umalis ka diyan malalapa kita ehh!! Linagyan ng hindi ko alam anong pangalan ang kamay ko at hinipan nya. Iba talaga pag Crush mo ang isang tao. 0_0 Wala akong sinabi!! Sige na nga!! Oo crush ko sya atin-atin lang yun haa!!
Nakatingin ako sa kanya at siya din habang hinipan ang kamay ko nang bumukas ang pinto at iniluwa si Lithium. Halatang gulat-gulat siya. Mababasa mo sa mga mata niya!!
"Pano mo nalaman ang Code ng Condo ko!??" sabi nya sabay bitiw sa kamay ko. Ayyy sayang naman! Panira ng moment si Lithium. Hahaha
"Nabanggit sakin ni Naomi nung nag-usap kami!! Bakit masama bang pumunta dito o baka nakadisturbo ako?"
Tiningnan lang ako ng masama ni Lead! Palpak ka na naman Naomi ehh!
"Sorry" ako sabay peace sign sa kanya.
Binalingan niya ng tingin si Lithium at umayos ng upo.
"What's brought you here?"
Umupo si Lithium sa kabilang couch na kaharap namin. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako!
"I miss you!" sabi ni Lithium.
"Ako!!?" gulat na tanong ko
"Yes!"
Nginitian nya lang ako at umupo ng naka dekwatro ang mga paa! Binalingan nya si Lead at nagsalita.
"Nandito ako dahil may gaganapin na party dahil uuwi si Ate and Naomi will be my partner!" sabi ni Lithium sabay wink!
************************************
-Naomi GeorfoA/n: Sabaw ang update ko dba pero pagbigyan na lang Readers haa dahil gusto ko lang talaga maka update para sa inyo! Thank You sa pagbabasa ang Keep Reading :)
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?