Athena's Condition

3K 55 3
                                    

Nang huminto na ang kotse ni Lead sa harapan ng hospital ay agad akong tumakbo papasok sa Hospital.

Hinanap ko ka agad ang kinaroroonan nya at nanlumo ako ng makita ko si Tiyang na umiiyak gabang pinasiklop niya ang dalawa nyang kamay na para bang nagdadasal.

Linapitan ko siya at tinanong.

"Ti..yang?? Ano pong nangyari??"

"Aneng, nahihirapan siyang huminga kaya sinugod na namin sya dito!!" mangiyak-ngiyak na sabi nya!

"Nakausap nyo na po ba ang Doktor??"

Tumango sya bilang tugon at nagsalita.

"Kailangan ng Heart Transplant ang kapatid mo!!"

Parang niyanig ang kinatatayuan ko. Nanginig ang tuhod ko at natumba ako mabuti na lang at nasalo ako ni Lead. Nakasunod pala sya sakin.

Nag-aalala ang mukha nya. Gusto ko mang mag-assume pero ayoko dahil alam ko na nakikiramay lang sya sakin.

Masungit sya pero baka hindi ko alam may rason pala ang lahat kung bakit nagkaganyan sya.

Naalala ko si Athena kaya umayos ako ng tayo at tumakbo papasok sa Room ni Athena.

Namumutla siya. Halatang nahihirapan na sya. May nakatakip sa ilong nya na nagsisilbing tumutulong para makahinga sya.

Ayokong mawala sya. Siya na lang ang natitira sa akin!!

'Diyos ko tulungon nyo po sana ako!' bulong ko sa sarili ko

Sumasakit ang puso ko sa pag-aalala sa kapatid ko pero sumasakit din ang ulo ko sa kakaisip kung saan ako kukuha ng pang-oopera sa kanya.

Ipinapangako ko! Gagawa ako ng paraan. Umiiyak ako at sinubukang kausapin ang walang may na kapatid ko.

"A..thena..... N---anndito na ssi ate. Wag mong iiwan si ate haa!! H..hindi ko ka---ya!! Ikaw na lang ang pina..haha..wakan ko! Huwag kang bibitiw! Gaga..wan ng paraan ni ate!" napahagulhol ako ng iyak at isinubsob ang mukha ko sa kamay ni Athena.

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng aking mahal sa buhay.

"Ache? Ba..t cha umii.chak??"

Napangiti ako at niyakap ang kapatid ko. Mahal na mahal ko sya. Masakit mawalan at hinding-hindi ako makakapayag na pati sya mawala.

"Athena?? Maha..l mo si Ate dba?? Hindi mo ako iiwan dba??" para akong bata na nagmamakaawa. alam konng nakikinig si Lead sakin pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang kapatid ko!!

"Oo ache. Hinchi kicha chiiwan! Machal na machal kicha!"

Nag-iiyakan na kami ng maramdaman ko na nag-iiba na ang hininga ni Athena.
Anong nangyayari?? Hindi ako makagalaw! Nakatitig lang ako kay Athena. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Narinig ko ang sigaw ni Lead na tumatawag na Doktor pero hindi pa rin ako nakagalaw.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang Doktor.Narinig ko na pinapalabas ako pero hindi ako gumalaw.

May naghila sakin. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas ang naghila sakin.
Natagpuan ko na lang ang sarili sa labas na room ni Athena. Nakita ko kung papaano sya nahihirapan.
Ipinump ma sya ng mga Doktor at tuloy-tuloy lang ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Napaharap ako at nag-angat ng tingin at nakita ko si Lead. Tinitugan nya ako sa mata

"Kakayanin mo yan!! Magpakatatag ka!"

"Hindi ko kaya na mawala sya. Siya na lang ang natitira sakin Lead!"

"Alam ko! Alam ko!"

Yinakap nya ako at gumanti din ako sa yakap niya. Kumalas lang kami sa pagkakayakap ng lumabas ang doktor.

"Sino ang kamag-anak ng doktor??"

"Ako po!"

"Kailangan na pong mapadali ang Operasyon ng bata dahil kung matatagalan ay maaari siyang Mamatay!"

Humahagulhol na namn ako ng iyak!! Hindi pala madali kapag wala kang sandalan. Feeling ko tuloy nag-isa lang ako.

"Excuse me maam. May aasikasuhin lang ako na iba." paalam ng Doktor

"Thank You doc" sabi ni Lead.

"Saan tayo kukuha ng pera na ipangoopera sa kapatid mo aneng?"

"Hindi ko alam Tiyang!"

"Manghihiram ako ng pera sa mga kakilala ko Aneng."

Tumango ako bilang tugon! Maghahanap ako ng trabaho. Disente o hindi papasukan ko oara lang sa kaptid ko!

"Tiyang, Ito na lang ang tanging paraan para masalba ko ang kapatid ko. Tiyang, Ibebenta ko na lang ang pagkatao ko!!!"

Sinakop ng katahimikan ang lugar na kunatatyuan namin at gulat na gulat sila dahil sa sinabi ko.

"HINDI!!!!!!!"

Tiningnan ko si Lead kung bakit sya sumigaw. Hinila nya ako papuntang Rooftop at iniharap sa kanya!!

"ALAM MO BA ANG PINAGSASABI MO!!!???"

"WALA NANG IBANG PARAAN PARA MALIGTAS ANG KAPATID KO!"

"FUCK!!! GANUN NA LANG?? HINDI MO MAN LANG HIHINGIN ANG TULONG NAMIN??!!"

"PARA ANO?? TULONG MO?? TULING NYO?? EHH HINDI MO NGA ALAM ANG BUONG PAGKATAO KO EHH!!"

Sigaw ang nag-aalingaw-ngaw sa buong Rooftop.

"I trust you Naomi!"

Napatulala ako! First time nyang tinawag ang pangalan ko. Nakatitig lang ako sa kanya!!

"I WILL BE THE ONE TO PAY!! PAOOPERAHAN NATIN SI ATHENA!" sabi nya tapos umalis.

************************************
-Naomi Georfo

A/n:Magsisimula na po ang kalbaryo sa ating bida.
Keep Reading :) Vote and Comment po!!

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon