Emergency

3.3K 52 0
                                    

"Anong kakainin nyo magaganda??"

"Fries na lang akin. Nagtitipid pa ako ehh!"

"Akin din!"

"Soda na lang sakin!"

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang Cafeteria. Kakainin malamang maglaro dba?? Naupo na kami sa bakanteng table at si Susi ang nag-order. Nagkwewentuhan kami nang may lumapit samin.

"Can we share a table with you ladies?" sila Lithium pala.

"Why here?? there's many vacant table pa naman dun ohh!!" sabi no Mae sabay turo sa bakanteng upuan.

"Ano ka ba Mae!!" Saway sa kanya ni Jillie. Tumingin si Jillie kay Lithium at nag smile sabay sabing "Sure"

Hindi nalang ako nag react. Pagdating ni Anna Key ay inilapag na nya sa table ang pagkain at umupo na sila. Bale ganito ang posisyon namin!!

Lead-Susi-Francium-Mae
T A B L E
Ako-Lithium-Jillie-Barium

Pansin ko lang ang titig nila Barium at Mae parang nakakapaso! Panay naman ang pa cute ni Jillie sa katabi nyang si Lithium. Asaran naman ang dalawa na si Susi at Francium.

I smell something's Fishy!!

Hindi nakasama si Jan-jan at Sunkist may gagahasain daw! Mga baliw!

"Hoy!! Umayos ka kung makakain ka parang di ka babae! Yucks!!" nandiri na sabi ni Barium kay Mae.

"Patayin kita dyan ehh! Bakit ba ako yung binabantayan mo!??" sagot ni Mae.

"Tingnan mo nga yang kamay mo ohh!! Fries nila Naomi hindi pa nakakalahati. Sayo? Malapit na maubos!!"

"At bakit mo ko pinapakialaman? Close tayo?? Wag ka nga!!?" sabi ni Mae sabay palo sa ulo ni Barium ang hinahawakan na Ballpen.

"Putcha!!"

"Lalaban ka!!!??"

Talaga tong mga to!! Kahit kailan isip bata talaga tong dalawang to. Baka magulat na lang ako na baka sila ang magkatuluyan!!

Napatingin kami sa dalawang naglalambingan.

"Labas tayo?" tanong ni Francium kay Susi. Sumagot naman si Susi.

"Bakit ba?? Gusto mo na ako ano?"

"Nakakaturn-on kasi yang ka Chubbyhan mo!!"

"Alam mo. Natuturn-on din ako sayo!!"

Hay mga Boang!! Pareho palang kalog tong dalawang to! Iniisip ko pa lang na sila ang magkkatuluyan. Ano kaya ang magiging resulta?? Siguro laro lang talaga lahat!

Napatingin kami ng magsalita si Jillie.

"Gusto ko si Lithium period!!"

Natigilan kaming lahat sa sinabi nya!! Sino bang hindi dba?

Napatigil sa pagpalo si Mae kay Barium at napatingim sa gawi ni Jillie.

"JILLIE? SERYUSO KA!!?"

"Oo naman. bakit hindi?? Hindi naman siguro masama na magkagusto sa kanya dba??"

Sabagay Single naman silang dalawa kaya walang problema.

Napatingin ako sa gawi ni Lead. Kanina pato nakatitig sakin e!!
Tinaasan ko sya na kilay at inapakan ang paa!!

Pinalakihan nya ako ng mata pero naka taas lang ang kilay ko kaya tumayo sya.

Nagkwentuhan at nagtawanan kami ng marinig ko ang phone ko na nagriring. I excused myself to them at pinayagan nila ako.

Naghanap ako ng walang tao na lugar kaya naisipan ko na sa Rooftop nalang sagutin ang tawag.

Nakita ko sa screen ang pangalan mi tiyang. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. I pressed the answer button.

"Hello tiyang??"

Nakarinig ako mg iyak at dun nagsimula ang paglakas ng kabog ng puso ko na para bang gustong kumawala sa dibdib ko.

"Nao......miiii!!"

"Tiyang anong nangyari?!" natataranta na din ako.

"Si Ath..e.na!!"

"Anong........"

"Pumunt ko sa Hospital. Isinugod namin sya sa Hospital!!

"SAANG HOSPITAL??!!??"

Pagkasabi ni tiyang kung saang Hospital ay bumaba na ako. Takbo lang ako ng takbo habang ang mga luha ko ay nagsilabasan na din sa mata ko.

Naitulak ko si Lead dahil nakaharang sya sa hagdanan. Narinig ko pa na sumigaw sya pero di ko na sya pinansin pa!!

Isa lang ang nasa isip ko ngayon.
Ang kapatid ko.. Si Athena!!!!

***************************

Lead's POV

Bwesit!!!
Tapakan ba naman ang paa ko. Tinitigan ko lang naman kung ano ang Similarities nila ni Bridgette. Oo hindi mapagkakaila. Magkamukha talaga sila sa taong minahal ko na mahal ko hanggang ngayon.

Pumunta ako sa Rooftop para makapagisip-isip nang may dumating.

Pagtingin ko si Bwesit pala!! Uusisain ko na sana sya pero may kausapa pala sa Cellphone. Ang Pangit ng cellphone. Keypad!! Hindi ba uso sa kanila ang Touch Screen?? Tssss.

Nagulat ako nang humagulhol sa nang iyak at tinatanong nya kung saang Hospital. Sa palagay ko may na Disgrasya o ano. Naalala ko na naman si Bridgette. Wala man lang ako nagawa para tulungan sya. Wala akong kwenta!!!

Bumaba na ako! Malapit na akong masubsob dahil sa pagkakatulak nya sakin!!

"Langya kang babae ka!!"

No response! What the Efffffff!!!!!!

Sinundan ko sya at nakita ko sya na nag-aabang ng Jeep kaya dumiretso ako sa parking.

Huminto ang sasakyan ko sa kanya pero di sya sumakay. Di nya siguro ako kilala. Ibinaba ko ang window tiningnan lang ako ng hayop!!

"Hop in!!!"

"Wala ako sa Mood makipagtalo sayo!! Pwede ba!!! Umalis ka na nga diyan!! Nag-aabang ako ng jeep!!" mahina nyang sabi. Alam ko na nahihirapan sya. Lalo tuloy akong naawa.

"HOP IN!!!!!"

Nagulat yata sya kaya sumakay na sya sa Shotgun Seat. Hindi ko sya tinapunan ng tingin ng magtanong ako sa kanya.

Ramdam ko din ang panginginig nya!!!

"Saang Hospital!!?"

Nagulat sya pero agad naman syang naka recover.

"Salazar Hospital"

***********************************
-Naomi Georfo

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon