Secret

3K 53 1
                                    

Papunta na ako sa bahay nila Lead.
Matapos naming mag-usap. Tumango ka agad ako. Alam ko naman ang mga gawain bahay ehh kaya kayang-kaya ko lang to!!

Ang laki ng bahay nila sobra!! Kaya ko bang linisin to?? Mas mabuti natong trabahong to kaysa palagi na lang akong kumakanta sa Bar. Ang liit ng sahod.

Nasa harapan na ako at Infairness ang bigat ng bagahe ko!! Dito kasi ako magsta-stay. Binilin ko lang si Athena kay tiyang. Mabuti na kasi ang kalagayan nya. Na ooperahan na siya.

Pinindot ko na ang doorbell at maya-maya ay may lumabas na naka umiporme at tinanong ako.

"Ikaw ba yung bagong katulong??"

"Ahh oo"

"Halika pumasok ka!"

Medyo may katandaan na ang babae. Mga nasa mid 60's na siguro sya. Inalalayan nya ako papasok at napamangha ako.

WOW!!!! That word explains everything!!
Ang ganda ng bahay nila.

May chandelier na nagsisilbing pang-ilaw sa bahay nila. Kung sa amin to Flouresent lang to!! Hahaha Iba nga naman kapag mayaman.

Iginaya ako sa nagpapasok sakin sa isang kwarto. Maliit lang sya pero malinis kasya lang ang dalawang tao dito. Tiles yung sahig tapos ang ganda ng wall. May Double Deck na higaan.

"Dito tayo matutulog aneng"

"Tayong dalawa pa ba ang magkasama dito?"

"Oo aneng. Halika at ipapakita ko sayo kung saan ka maglilinis at ano ang di mo pwedeng galawin."

Sumunod ako sa kanya. Ang taray! Meron pala akong di pwedeng hawakan dito!

"Ako ang magluluto aneng pero tutulongan mo din ako para mapadali ang ating gawain!"

Tumango lang ako.
Bali working studeny ako dito. Sa umaga magluluto tapos sa hapon maglilinis na ako.

"Ang hindi pwe-pwede mong galawin ay ang album ni Sir. Lead dahil marami siyang tinatago diyan."

Nacurious tuloy ako. Mas mabuti pa siguro na hindi nya lang ako sinabihan mas gusto ko na tuloy buksan.

"Hindi ka pwede tumuloy sa kwarto ni Sir. Lead at kay Sir. Lithium"

"Nasan po ba ang kwarto nila?"

May itinuro sya na pinto sa left at may ka opposite din na pinto at may pinto din sa dulo. Nasa hallway kasi kami.

"Yang kaliwang kwarto yan ang kwarto ni Sir. Lead. Yang kanan naman yan ay ang kwarto ni Sir. Lithium at yang pinakadulo yan ang kwarto sa Mommy at Daddy nila!"

Ahhh kaya pala pero bakit nandito lahat di kagaya ng iba na iba-iba ang lugar ng kwarto.

"May isa pang kwarto dito. Halika! Dadalhin kita dun!"

Iginaya nya ako at mas lalo akong nacurious. Ang daming pic. na nakalagay sa Side table na may kayakap si Lead pero di ko maaninag ang mukha ng babae kasi naka Side View.

"Manang sino po yan?"

"Ahh yan. Akala ko nga ikaw yan ehh"

Haaa!?? Ano ako parang siya?? Ang dami namang gumugulo sa utak ko!!

"Ano po ba yan ni Sir. Lead??"

"Secret! Hindi yan pinapasabi kahit na sino."

"Baka girlfriend nya!!" sambit ko nang mahina.

Nginitian lang ako ni manang.
Confirm nga girlfriend nya nga!!

"Ano po bang pangalan mo aneng?"

"Naomi Bartolome po!"

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon