Nagising ako sa malakas na halampak sa mukha ko. Pagtingin ko unan pala! Sino nangbato sakin nito!?
"Langya sir! Magigising naman ako ehh wag naman sanang mamabato!"
"Kaya pala! Ginising na kita maam kanina pa!!" sabi niy na may halong sarcasm
Ginising niya na pala ako. Di ko na feel! Feel ko kasi ng paghiga sa mala fairytale na higaan.
"Maligo ka tapos bumaba ka na dahil nandun na sila sa baba!" utos niya
"Sir, wala akong damit na gagamitin!" sabi ko. Alangan naman na ang maladiyosa na si Naomi Bartolome ay maglalakad ng hubo't-hubad!
"May undies yung ate ko. Yung nalang ang gamitin mo!"
"Eeeeeeeee sir naman ehh! Hindi ko pa natry na manggamit ng gamit ng iba sir eeeeee!"
"Tigilan mo nga yang ka eeeeeee eeeee mo. Ang sakit sa tenga para malaman mo!!"
"Ehh uuwi nalang ako sir!!
"Ang bisdak mong babae ka! Sige na maligo ka na! Nasa banyo na ang damit na susuotin mo! Binili ko yun kung ayaw mong maniwala. Hanapin mo ang tag!" siya at lumabas na.
Pumasok ako sa banyo ng nakangiti. Ang swerte ko naman pala ehhh. Pinapasok sa kwarto, nakahiga sa kama ni engot sir Lead, nakaligo sa banyo niya at binilhan pa ako ng bagong damit. Akala ko totoo na yung sinabi niya na papahiramin niya ako ng Undies sa ate nya. Joke lang pala!
Naghubad na ako ng uniform. Naka uniporme pa pala ako. Hindi pa ako nakapagbihis simula nung hinimatay ako. Bra lang at Panty ang natira na suot ko! Wala namang papasok diti diba?? Alam naman ni Lead na naliligo ako so wala nang problema pa.
Matapos maligo ay hinunad ko na ang Bra at Panty ko at inilagay sa lagayan. Sinuot ko na ang damit at undiea na binili mi Lead para sakin at totoo na may tag pa ang mga ito.
Lumabas na ako ay nagsuklay at lumabas na sa kwarto ni Lead. Nakita ko na nakaupo si Jillie,Jan-jan,Anna key sa couch ay kaharap naman nila ay si Sunkist,Mae at Lithium samantalang si Lead ay nakatayo lang sa dulo ng couch na inuupuan nila Lithium. So ito na talaga!! Maghaharap na talaga kami!
"Hi!" bati ko sa kanila at ngumiti. Ngumiti sila sakin except kay Jillie. Ano 'to??? Malaki ba talaga galit niya sakin. Inirapan niya lang ako!
"Sit!" utos ni among engot. Umupo ako sa tabi ni Lithium Pinagitnaan ako ni Lithium at ni Sunkist. Nag-aalab naman na tiningnan ako ni Jillie.
"So, ano ba talagang nangyari?" napatingin ako sa nagsalita. Si Mae pala
"Yan kasing babaeng yan ehh! Kung makapamintang!" turi ni Sunkist kay Jillie. Inirapan lang siya ni Jillie.
"Hinay-hinay sa pagsasalita Sunkist!!" sabi naman ni Jan-jan na may tono ng pamamanta.
"Tahimik!!" nagulat kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Lithium. "Anong nangyari Jillie?" dugtong niya na tanong. Napadako naman ang tingin namin kay Jillie.
"Totoo naman dba na malandi siya!!" para akong sinampal sa mga salita na binitawan niya. Yan pala ang tingin niya sa akin? Sa kabila ng lahat malandi pala ang tingin niya sa akin!!??
"Walang malandi dito Jillie. Kinaklaro ko na ako ang may gusto sa kanya. Sinabi ko sayo yun dahil ayaw kong umasa ka sakin!!" sabi ni Lithium. Tahimik lang kaming lahat para kaming nanonood ng sine!
"Pero sa ginagawa mo sa'kin ngayon Lithium, nasasaktan na din ako!!!" sigaw niya kay Lithium. Tiningnan ko si Lead para siyang wala pakialam! Ehh sa hindi naman talaga siya kasali dito!!
"Ehhh, hindi ka naman pala gusto ng tao Jillie ehh! Wag mo nang pagpilitan pa!!" sabi naman ni Sunkist
"Tumahimik ka nga Sunkist!!!" sigaw naman ni Jan-jan. Nagsisigawan na sila dito pero ako naiiyak lang ako dahil sa nangyayari. Hindi ko maintindihan!! Bakit isang lalaki pa ang pag-aawayan namin?
"Bakit Jan-jan?? Alam mo ba ang buong nagyayari?? Kung makapagsalita ka parang nasa akto ka nang araw na yun!!"
"Tama na!" yan lang ang tanging nasambit ko. Bakit nagkakagulo kami?? Sila na lang ang pamilya ko tapos ganito pa ang mangyayari??
"Wag ka ngang ganyan Sunkist, gusto lang naman ni Jan-jan na magkaayos tayo ehh----- wag ka ngang makialam Francium!!! Seryusong bagay to!!!" sabi ni Anna Key at pinalo si Francium. Nandito pala sila di ko na napansin pa dahil sa dami ng iniisip!
"Kailangan natin gawan ng paraan to! Para maayos ang problemang ito!" sabi naman ni Mae.
"Edi ayusin mong tanga ka!! Stupida!! bulong ni Barium pero rinig pa rin namin.
"Anong sabi mo!!!??" hinila ni Mae si Barium at nagpatayan na sila sa labas. Ako?? Nakatunganga habang tinitingnan silang nagsi-alisan.
Umalis na lang sila pero hindi pa rin namin naayos ang gusot na dahil sakin.
"Are you okay?" napa angat ang ulo ko at nakita ko si Lithium na alang-alala ang mukha pero hinding-hindi ko makakalimutan na siya ang may kasalanan ng hat ng 'to!
"Mukha ba akong okay!?" mahina kong sabi pero cold ang dating.
"Sorry" tanging sabi niya. Inilabel ko yung mukha ko sa mukha niya at sinabing.
"Hindi maibabalik ang lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa sorry mo! Naiintindihan mo!?!" sabi ko at naramdaman kong may humila sakin. Hindi na ako nagprotesta pa dahil wala na akong kaya na mag protesta. Pagkadating namin sa kwarto ni Lead ay inilock noya ang pinto at ikinulong ako sa bisig niya. Dun ko nalaman na umagos na ang mainit na likido sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako! Yinakap ko pabalik si Lead at gumaan ang pakiramdam ko!
"Don't cry! Shhhhhh shhh"
************************************
-Naomi Georfo
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?