Chapter 36

2.1K 22 0
                                    

Anna Key's PoV

"Anna, mag grocery ka nga! Nandito yung pera sa ibabaw ng ref. Ok? Sige alis nako! Ingat ka! Bye" kiniss ako ni mama sa pisngi at naglakad na papalayo. Anong klase----kadadating ko lang sa bahay uutusan agad ako? Haysss! Galing pa nga akong School ehh dapat nga maghahanap na ako ng matratrabahuan. Haysss! Ang lalim naman ng buntong hininga ko. Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkababa ko ay kinuha ko ang pera at ang listahan ng bibilhin ko. Lumabas ako ng bahay at inilock ng maigi ang pinto dahil baka mapasukan pa kami.

Nag-aabang ako sa High Way ng masasakyan ng may maaninag ako ng kotse. Pamilyar sa'kin ang kotse na'to. Lumapit pa ako ng konti at minasid masid maiigi. Hindi ako pwedeng magkamali. Lumapit pa ako ng konti hanggang sa maaninag ko na ang plate number ng kotse. God!!! Nagdate kaya sila Lead at Naomi? Pero bakit sa isang Bar? Anong ginagawa nila. Tatalikod na sana ako ng may bumaba na babae at lalaki sa hagdanan. May dala siyang dalawang bagahe. Bakit sila magkasama? Bakit? Anong ibig sabihin nito?

Dahil sa curiousidad ko linapitan ko sila ng buong tapang.

"Bakit kayo magkasama!!??" nakatingin sila sa'kin at syempre nagulat sila pagkakita nila sa'kin. Walang nagsalita. Nakatingin lang sila sa'kin. Bago pa ako makasalita ay hinila na ako ni Lead papunta sa loob ng bar.

**************

"Anong gagawin n'yo sakin?" halata sa boses ko ang takot. Natatakot ako kasi baka kung ano ang gagawin nila sa'kin.


"Please, huwag mo munang sabihin! Kami na ang bahalang magsabi sa kanya" sabi NIYA. Nag-iigting baga akong tumingin sa kanya. Anong klaaeng tao siya? Bakit niya nagawa sa'min to? Bakit?


"Kailan niyo ba balak sabihin!!? Huh? Akala ko ba aalis ka Lead at IKAW? Bakit ka ganyan!? Paano mo'to nagawa!!??" sigaw ko. Naawa ako sa KANYA. Alam ko anytime iiyak na siya pero iniisip ko rin ang kapakanan ni Naomi.


"Huminahon ka muna Anna! Alam ko naman na nagulat ka pero ipaubaya mo naman sa'min ang oppurtunidad na kami nalang ang magsabi sa kanya" Lead


"Sige! Kayo ang magsasabi sa kanya pero madaliin n'yo dahil kung hindi ako mismo ang magsasabi sa kanya sa lahat ng kalandian at kagaguhan na ginawa n'yo!!!!!" linisan ko na ang lugar at pumunta nalang sa Mall kahit na may luha pang pumapatak galing sa mata ko. Akala ko mabait siya!! Akala ko Arggggghhh!!! Bakit siya pa? Bakit ba sya nagbalik? Bakit?


Pinupunasan ko ang luha ko ng may mabangga akong tao.

"Opppsss. Sorry!"

Naomi's PoV

"Oooppps Sorry!" pagkalingon ko. Sabi ko na nga ba ehh! Pamilyar sa'kin ang boses!


"Ok lang! Ano ka ba parang di ka na nasanay!!" bakit ba nakayuko 'tong babaeng 'to. Pagkalingon niya sa'kin.


"Ikaw pala yan! Hehehe" tumango ako. "Anong ginagawa mo dito at bakit namamaga 'yang mata mo?" may halong pag-aalala sa boses ko.

"Uhmmm.. Wala! Gutom na'ko! Kain na lang tayo!" pag-ayaya niya. Syempre si dakilang gutom! Tumango! Hahaha

*******
"Asan pala si Lead?" maya't-maya'y tanong niya. Tumingin ako sa kanya at umiwas siya ng tingin. Weird! "Umalis. May inaasikaso! Out of Town daw" sagot ko. Gusto ko mang matakot sa mga kinikilos niya pero parang mas Weird naman yata ako kung matatakot pa ako sa kanya!

"Out of Town pala!" sabi niya sabay ng pag tango-tango niya. "Maiba nga tayo. What if Naomi, mahuli mo si Lead na may ibang babae. Anong gagawin mo?" napaurong ako sa pagkain at diretso na tumingin sa mata niya. May tinatago siya sa'kin. Ngumiti ako ng mapakla bago nagsalita. "Bakit? Meron ba!?" nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ako tumingin sa iba. Talagang sa kanya ko lang ibinaling ang atensiyon ko.


"What if nga lang dba? Don't worry walang iba! Hahaha" nagtawanan lang kami hanggang sa umuwi na ako. Sinamahan ko rin siyang mag grocery para naman hindi siya mahirapan kahit ang creepy niyang pakisamahan.


Matawagan nga si Lead.


Ilang Ring na pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag. Grabe ba talaga ka busy ang buhay doon para simpleng tawag hindi niya masagot-sagot? Makapag FB nga lang! Ang boring!!!


Walang kwenta naman ng mga Notifications na nandito pero infairness may nakaagaw ng pansin ko ang picture ni.... What the hell? Bakit sila may picture? Bakit magkasama sila ni Lead? Ahh baka nagkita na sila at nagkausap lang. Tawagan ko muna si Jan-jan. Ilang ring pa lang ay nasagot na niya ang tawag ko.


"Hello!" ako. Bakit ba ang ingay-ingay sa kabilang linya. Anong nangyayari? May problema ba siya? May hindi ba ako nalalaman? Ang dami ko namang tanong.

"Sissy! Later ka nalang call! Emergency lang. May importante akong kausap!" sabi niya sa kabilang linya at end na ang call.


Bakit ba walang kwenta ang mga tao ngayon. Matawagan nga si Mae.


"Mae!"


"Yes? Who's this?" bakit kakaiba ang boses ni Mae. Parang di yata sya ito ehh.


"Excuse me! I'm Naomi Bartolome. Mae's friend! May I know where she is?" tanong ko.


"She's not here! She's with her Family" ahhhh. Kaya pala.


"Ahh okay. Thanks" saan kaya sya nagpunta?


Nakahiga ako sa kama ko nang kusang pumasok si Neradel sa kwarto ko. Anong ginagawang bruhang 'tong dito?


"Hindi ka marunong kumatok?" pagsusungit ko sa kanya. Dapat naman kasi sa kanya yun.


"Marunong pero ayaw ko at tsaka isa pa. May itatanong lang naman ako!" sabi niya ng pangiti-ngiti. Nag-iinit ang ulo ko dito. Siya pa naman ang pinaghihinalaan ko.


"Magtanong ka na para naman makalabas ka na!" irap lang ang ginagawa ko sa kanya.


"As you wish my little sister! Kumusta ang paghinala sa'kin? May napala ka?" diretsahang tanong niya at hinawak-hawakan ang mga kagamitan sa kwarto ko. Gusto ko mang sumigaw pero di ko kaya. Anong pinagsasabi niya. Huwag niya lang sasabihin na alam niya!! Ayokong malaman niya baka mas lalo pang lumala ang lahat.


************************************
-Naomi Georfo

(Palapit na tayo sa Climax)

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon