"Sorry!"
Napalingon ako. Si Lead! Bakit pa niya ako sinundan? Para ano? Para ipamukha sakin na hindi talaga ako pwede para sa kanya? Na hindi niya kayang kalimutinan ang ex-girlfriend niya?
"Ano pang ginawa mo dito?" nakatingin ako sa kanya. Mahinahon lang ang pagkakasabi ko.Nasa hintayan na kami ng Bus. Walang tao dahil malalalim na ang gabi. Nakaupo ako samantalang aiya nakatayo sa harapan ko.
"Sorry!"
"Pwede ba!! Tigilan mo nga yang ka sorry-sorry mo! Walang magagawa yan! at tsaka para saan pang sorry mo kung pati kaluluwa ko sira na?!!!?" napasigaw na ako. Tumutulo na rin ang nga luha ko sa pisngi ko. Hindi ko kaya na iharap oa ang pagmumukha ko sa kanya para na akong kawawa sa mga nangyayari.
"Alam ko di mo ako mapapatawad but please..... Let me explain!" sabi niya. Sincere naman siya sa mga sinasabi niya.
"Lead, alam ko na kung ano ang iniisip mo. Please, wag na natin pang pag-usapan to!" naiiyak na sabi ko. Pinunasan niya ang luha ko sa thumb niya at lumapit ng konti sakin.
"Naguguluhan pa kasi ako! Mahal naman kita ehh pero hindi ko pa talaga alam kung tama ba ito!" sabi niya. Hinawi ko ang kamay niya at napakunot ang noo. Bakit siya naguguluhan?
"Bakit ka naman naguguluhan? At paano hindi magiging tama?" tanong ko. Sinabi niyang mahal niya ako kaya kumalma ako pero bakit nga ba siya naguguluhan.
"Hindi ko pa kasi nakikita si Bridgette!" sabi niya. Napaiwas ako ng tingin! Bakit ba palagi nang may Bridgette. Nasaan ba kasi siya? Kailan ba na makita si Brisfette para magmahal siya ulit? Ano? Hihingi siya ng permiso? Sasabihin niya na 'Bridgette, magmahal akong muli! Maaari ba!!?' kailangan ba talaga may ganun para makamatan mo na ang kasiyahan mo? Kailangan magdaan sa kanya?
"Nasaan na ba kasi siya?" pagkatanong ki sa kanya nun ay may huminto na sasakyan at nakita ko si Nove. Kapatid ni Lead. Napatingin ako kay Lead at tumango lang siya. Kinuha niya ng bag ko at ipinasok sa loob.
"Ipanasundo na kita sa kanya!" sabi niya sakin. Binalingan niya ng tingin si Nove at tumango.
"Yeah big bro! You can trust me!" sabi niya at ipinasok na ako sa shotgun seat ni Lead at pinaharurot na ni Nove ang sasakyan! Bakit ba wrong timing kapag tinatanong ko kung saang lupalop naroroon si Bridgette. Maitanong ko kaya kay Nove.
"Nove?"
"Hmmm?" sagot niya ng di ako tinitingnan. Sasagot ba 'to? I'll try.
"May alam ka ba tungkol kay Bridgette!----Oh my God Nove!"
"Wag ka kasing manggulat!" sabi niya. Paanong hindi ako mapaa Oh MY God ehh hininto niya ang sasakyan. Ang tulin na ng pagpapatakbo niya tapos hihinto-hinto!
"Saan ba banda kita nagulat?" ako.
Pianandar niya ulit ang sasakyan bago sumagot. Kahit saang anggulo no tingnan ang babaeng to halatang maganda kahit nakatalikod pa ito
"About Bridgette!" focus pa rin siya sa pagmamaneho.
"May alam ka ba tungkol sa kanya?" mahinang sambit ko. Nagbabakasakali lang ako na baka siya na ang makakasagot sa mga katanungan ko tungkol kay Bridgette.
"Yes!" napatingin siya sakin may ngiti pa rin sa labi niya. Nabuhayan naman ako ng loob ng marinig ko na may alam siya tungkol kay Bridgette.
"But, I won't tell you anything!" dugtong niya.
"Why??!!!" bakit hindi? Bakit ba hindi nila masabi sakin yun? Ang hiwaga naman bg pagkatao ng babaeng yun!
"Alamin mo!" sabi niya at tinapunan ako ng tingin.
"Kaya nga nagtatanong ako ehh para malaman ko!" may pagkashunga pala ting kapatid ni Lead ehh. Magtatanong ba ako kung alam ko? Bigyan ng Boyfriend dahil sa pagkashunga.
"Alamin mo sa sarili mo! That's my Point." Ehhh lumalaban! Hahaha Paano ko aalamin kung ang mukha lang at girlfriend siya ni Lead ang alam ko. Wala na akong ibang clue. Pangalan niya palang naririnig ko. Wala na! Taob na ako!
Hindi na lang ako umimik sa kaniya. Napatingin na lang ako sa labas ng kotse. Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Iniisip ko kung totoo ba na mahal ako ni Lead o Infatuation lang ang lahat ng iyon! Baka naawa lang siya sakin. O baka naman tama nga ako na mahal niya ko dahil napagkakamalan niya ko ng ex-girlfriend niya. Dahil kung hindi bakit soya naguguluhan. Sabi nga ng tatay ko nung nabubuhay soua kung maha mo daw ang tao hindi ka daw maguguluhan at wala kang dapat ipagsisisi sa mga ginawa mo dahil iyon naman ang kasiyahan na inaasam mo.
"Mahal na mahal ni Lead ang babaeng tinatanong mo sakin. Kung maghiwalay man sila hindi ko mabilang kung ilang luha ang umagos sa mata ni Lead. Hindi ko din alam kung paano napunta sa kanya si Bridgette." aniya. Mas lalo na akong naguguluhan sa pangyayari. Saan ba yan galing si Bridgette at napunta siya kay Lead di kaya galing siya sa ibang tao at sa kadahilanan na mahal siya ni Lead ay inagaw siya kaya inowan siya ngayon?? Ano ba talaga? Hindi na ko nakapagsalita pa dahil huminto na ang kotae niya. Pagkatingin ko sa paligid ay nasa harapan na pala kai ng bahay. Tinanaw ko ang loob ng bahay? Bakit nagsasalita si Tiyang? Sino kausap niya? Tiningnan ko si Nove at nagpasalamat. Nagmamadali akong pumasok sa bahay ng walang katok-katok at dun ko naaabutan ang napakatagal ko nang hinahanap sa tanang buhay ko. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya?
************************************
-Naomi Georfo
(Sino kayang nakita ni Naomi? Gusto niyo Dedication? Comment kayo kung ano ang say nyo sa story ko at ang una ay siya ang first na dedicationan ko. Thanks :) Keep Reading and God Bless
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?