Chapter 38

2.8K 28 0
                                    

"Luthium!" tawag ko sa lalaking naka lean sa sasakyan niya. Ilang araw din kaming hindi nagkita ni Lithium. Naisip ko kasi na ang awkward naman ng atmosphere pag magkasama kami kaya umiwas na din ako. "Yeah! Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Pumunta ako dito para sa importanteng bagay." seryusong saad niya. Hindi ko maintindihan pero bakit kinakabahan ako. Ang weird ng nangyayari sa akin lately. Ngumiti ako sa kanya sabay sabing "Ahh sige pasok muna tayo!" aya ko sa kanya. Nauna na akong naglakad sa kanya pero parang walang nakasunod sa'kin. Paglingon ko nasa pwesto parin siya sa kanyang kotse. Hindi siya gumagalaw kaya sinubukan kong lapitan siya pero nagsalita na agad siya.

"Don't trust anybody included me!" sumakay na siya sa kotse niya. Ni hindi ko man lang siya mapigilan sa mga ginagawa niya. Nakatayo lang ako at nakatanaw sa kotse niyang papalayo. Bakit pinapakumplikado nila ang lahat? Hindi ba nila alam na naguguluhan ako!

Pumasok ako ng bahay at kinuha ang mga kailangan kong gamitin sa pagpunta sa naturing lugar. Kailangan ko ng kasagutan ng lahat ng ito at ang tanging solusyon ay ang puntahan si Lead. Para malaman ko naman na nagkita na ba sila ni Bridgette o hindi niya ba ako mahal. Ang daming katanungan na gusto kong sagutan pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Kinuha ko na ang kagamitan ko at pumunta na sa baba. Pagkadaan ko sa sala ay ay naabutan ko si Manang na nagwawalis.

"Oh ija, aalis ka na agad. Kadadating mo lang ahh!" ngumiti ako sa kanya. "Oo manang, may aasikasuhin lang ako. Nasaan po si Neradel?" tanong ko.

"Wala dito ineng. Umalis din kanina pa!"

"Ahh ganun po ba sige una na po ako!"

"Mag-ingat ka!" ginamit ko ang kotse ko at nagpaharurot ng mabilis papunta sa lugar na binigay sa'kin ng matanda. Kung ano man ang mga sinasabi nila. Sana hindi totoo.

**********

Pagkadating ko ay agad akong nagtanong. Sinabi ng babae kung saan ang room ni Lead kaya agad akong pumunta doon dahil sa sabik na akong makita siya. Nasa tapat na ako ng Room nila. Naisipan ko na kumatok pero bakit nakabukas ang pinto niya. Tinulak ko ng mahina ang pinto at agad na tumambad sa'kin ang napakalaking kwarto at mamahaling mga gamit. May narinig akong boses na papalapit kaya agad akong nagtago dahil boses ng babae at lalaki ang nadinig ko.

"Sasabihin na ba natin?" tanong nung girl. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin pero kita ko na hinawakan ni Lead ang babae at niyakap. Agad na nag-init ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko may nililihim siya sa'kin.

"Pag nakabalik na tayo sasabihin na natin sa kanya ang lahat." sabi ni Lead. Tanaw na tanaw kk ang mga pinag-gagawa nila. Mahal niya ba talaga ang babaeng 'yan! Di na ako makagalaw sa posisyon ko ng palapit ang babae sa direksiyon ko. Naaninag ko ang muka nya kaya sa sobrang kaba ko ay natulak ko ang base na nasa harapan ko at nabadag iyon sa sahih at nakatingin na sila sa'kin.

Kitang-kita ko ang mga reaksiyon nilang dalawa. Tuluyan nang nagbabagsakan ang mga luhang galing sa mata ko. Bakit sya pa!? Bakit?




"Mae?" napatutup ang mga kamay ko sa bibig ko. Pinaglatiwalaan kk sila!! Hanggang kailan ba ako maloloko ng mga tao?? Hanggang kailan ako masasaktan?


"Let me Explain Nao----- *PAK*"


"Isa ka pa!!! Mangloloko ka!! Pinagkatiwalaan kita! Ano pa 'bang kulang???" sigaw ko kay Lead. Akmang yayakapin niya ako ng umusod ako.

"Hindi ko sinasadya! Patawarin mo kami!" sabi niya. Nagkunwari akong tumawa at tsaka hinampas siya sa dibdib.

"Hindi niyo sinadyang lokohin ako!?? Edi gagu pala kayo ehh! Alam niyo naman na masasaktan ako pero bakit nyo ginawa!!?? At ikaw!" tinuro ko si Mae at pumunta patungo sa kinatatayuan niya. "Kung sinung-sinong babaeng pinagsususpetsaan ko na babae ni Lead tapos ikaw lang pala!! Hayop ka!!! Wala kang kwentang kaibigan!!" tinulak ko siya at nabunggo ang tiyan niya sa matigas na bagay at napahiga siya habang umiiyak. Gusto ko siyang tulungan pero nagagalit ako sa ginawa nila. Hindi pa yan sapat!!



"Mae!!!" sigaw ni Lead. May mga pumasok na tao sa kwarto at nagulat sa nasaksihan! Dapat lang!! Sino ba namang taong hindi magugulat sa ganitong eksena! Pumasok sila Lithium at Neradel kasama sila Anna,Jan-jan at Jillie.


"Nagustuhan niya? Ha-ha nakakatawang pakinggan na niloko ako sa taong mahal ko at ang tanga tanga ko dahil hindi ko man lang naramdaman na ang walang kwenta ko palang kaibigan ang babae ng mahal ko!!!" Wala silang ginawa kaya linapitan ko si Mae at sinampal ng ilang beses. Nakaharang na dil sila Lead at Lithium pati na tin si ate. Pilit na nilalayo ako kay Mae. Hindi ko sila maintindihan!


"TAMA NA!!! TAMA NA!!! PAKIUSAP! BUNTIS AKO! BUNTIS AKO! NAGMAMAKAAWA AKO!" halos mabingi ako dahil sa nadinig ko! Totoo ba yun? Napalayo ako sa kanilang lahat at napaiyak ako ng husto ng makitamg duguan na ang damit na suot ni Mae. Oh my God!!! Talagang kasalanan ko 'to!


Napaupo ako at umiiyak habang inaalalayan nila si Mae hanggang sa makalabas. Naiwan kami ni Anna. Hinahagod niya ang likod ko. Tumingin ako sa kanya. "Masama na ba ako? Kasalanan ko 'to eh! Kasalanan ko 'to!! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Mae!" yinakap niya ako at nasubsob na lang ako sa dibdib niya hanggang sa makatulog ako.

-Naomi Georfo

Hi :) Ngayon lang ako nakapag-update. Naging busy kasi ako nakaraang araw tsaka hindi na rin ako magsasabi na mag Vote kayu at Comments. Useless naman po kasi ehh! Wala namang gagawa nun! Hihihi

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon