"Tiyang mano po." sabi ko at linagpasan ang taong nakatalikod sa'kin. Nagmano ako sa kanya at itinanong.
"Anong ginagawa nya dito?" tanong ko kay tiyang. Tiningnan niya ang taong nakaupo bago sumagot sa tanong ko.
"Gusto ka niyang makausap aneng. Kanina pa siya naghihintay sayo. Sinabi ko na nga sa kanya eh na hindi mo siya gugustuhin na makita siya pero nagmatigas siya. Wala naman akong magagawa kapatid ko naman siya. Naawa ako sa kanya kaya pinatuloy ko na lang." tumango lang ako sa tugon ni Tiyang.
"Tiyang, maaari nyo po bang iwan mo muna kami. Mag-uusap lang kami saglit." panghihinging pabor ko sa kanya. Sumang-ayon naman sya at lumabas na ng bahay. Binalingan ko ng tingin ang taong nakaupo. Pagkatingin niya sakin. Naiyak na siya. Ang galing magdrama ng nanay ko. Oo, nanay ko siya! Ang kapal ng mukha! Ang dami ko pang priblema tapos dadagdag siya? Medyo bastos ba? Hindi niyo ako masisisi. Hindi naman kasi madali ang iwan ng ina.
"Naligaw ka yata? Tamang address ba ang tinahak mo?" Inilapag ko ang mga dala ko at kumuha ng tubig. Umiiyak na naman siya. Tsss akala niya madadala niya ako sa kakaiyak niya!!?
"Anak, nandito ako para humingi ng tawad." sabi niya ng maiyak-iyak na boses.
"Tawad?? Bakit? Nakinig ka ba nung nagmakaawa ako sayo na wag mo kaming iwan ni Athena?? Tanda mo pa ba ang sinagot mo samin haaa!!!!?" matigas kong sabi pero hindi pa malakas ang boses ko baka marinig ako ni Tiyang. Ayaw pa naman nung may sinisigawan ako na matanda pa sakin.
"Anak, hindi mo alam ang nangyari noon!" napatingin ako sa suot at mga kagamitan niya. Mayaman na mayaman na siya. Malaki ang pinagbago ng magaling kong ina.
"Ano ang hindi ko naintindihan? Tandang-tanda ko nun Fierce kung ano ang ginawa mo! Kitang-kita sa dalawang mata ko kung paano ka lumandi! Malandi kang babae ka!!" napasigaw at napaiyak na rinko sa mga sinabi ko. Wala na kong modo alam ko pero masakit! Masakit!!! Ang sakit!!! Ni hindi ko nga siya tinawag na nanay. Tinawag ko pa siya sa pangalan niya. Napaupo ako dahil sa iyak. Lumapit siya sakin at hinagod ang likod ko pero pumiksi ako.
"Anak, pakinggan mo naman si Nanay! May dahilan kung bakit iniwan ko kayo. Hindi totoo na may iba ako. Linason lang ng tatay nyo ang utak niyo para mapalayo sakin." nakikinig ako pero hindi ako tumingin sa kanya. Nakatingin ako sa salamin kung saan nakita ko ang repleksiyon ng aking mukha. Ganito na ba talaga ako kasama panginoon ko at pati sarili kong ina ay hindi ko magalang?
"Pinagbibintangan mo pa ngayon si Papa? Anong hindi totoo? Nilasin ang utak namin? Tama naman si tatay ehh, mabuti nga yung sinabi niya samin ang kagagahan mo ehh para hindi naman kami magmukhang tanga!!!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko man gustuhin na isukmat sa kanya yun pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Anak maniwala ka. Iniwan ko kayo ni Athena dahil hinanap ko ang kapatid mo! Umalis siya sa bahay nung tangkaan siya ng tatay niyo na gahasain siya kaya iniwan ko kayo at ipinagbilin sa tiyahin niyo. Hiniwalayan ko ang tatay mo dahil hindi ko kaya na makasama ang isang kriminal na gagahasa sa sarili niyang anak!!! Yung kayakap ko. Kapatid ko yun sa ina. Nagpunta siya dito sa Pilipinas para tulungan ako laya nakaahon ako. Binabantayan kita Naomi kayo ni Athena. Tinatanaw ko kayo sa malayo!" napatingin ako sa kanya. May kapatid ako?? Napaupo siya sa pag-iiyak. Nakatunganga lang ako hindi ko alam kung totoo ba pero pada akong binuhusam mg malamig na tubig. Paano ako magkakapatid? Ako lang at si Athena. Wala nang iba pa.
"Hin----di to...too yan. Nagsi...sinungaling ka la...ng!" nagbabavsakan ang mga luha na galing sa mata ko.
"Totoo ang mga sinabi ng nanay mo Naomi!" napatingin ako sa gawi sa pinto. Alam ni tiyang ang lahat ng to? Bakit niya itinago? Bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Alam mo?"
"Oo, noon pa. Pero hindi ko sinabi. Alam ko na malalim ang galit mo sa nanay mo dahil ang alam mo ay iniwan niya kayo pero nagkaamali ka sa inaakala mo dahil ang ama mo ang demonyo sa lahat ng 'to!!!" Ngayon ko lang narinig magsalita ng ganito ang tiyang ko. Ngayon naiinitindihan ko nang lahat pero naguguluhan pa rin ako ng konti.
"Hindi naghanap ng lalaki ang nanay mo katulad ng inaakala mo! Hindi ka namin masisisi. Hindi ko rin naman sinabi sa iyo ang kagagawan ng tatay mo. Tanda ko pa ang mga araw na iyon kung paano umiyak ang kapatid mo dahil sa katarantaduhan.na ginawa ng iyong ama sa kanya. Buti na lang at dumating ako at napigilan ko ang iyong ama sa pagtangka niyang gawin sa kapatid mo. Pinatakbo ko ang kapatid mo kaya hindi na namin alam kung nasaan siya kaya nagpasya kami na iwan ng nanay mo ang tatay mo at hanapin ang kapatid mo laya ka pinabilin sakin. Namatay ang asawa ko dahil sa ama mo. Pinatay noya dahil malaman ko ang pagtatangka niya sa kapatid mo kaya ang kabayaran ay pinatay niya ang asawa ko at nagpakamatay din siya dahil natatakot siya na malaman mo 'yun! Mahal ka ng tatay mo alam ko yun kaya nagpakamatay siya para hindi mo siya kamuhian." naiiyak na rin si Tiyang. Ganun ako kamahal ng tatay ko pero ngayon naguguluhan din ako. Nasaan na ang kapatid ko? Bakit ngayon ko nalaman ang totoo?
"Sino ang kapatid ko? Naaaan na siya? Anong pangalan niya......Nay?" sunod na sunod kong sabi. Nahihiya na ako sa nanay ko dahil sa bintang ko sa kanya.
"Wag kang mahiya anak. Malalaman mo rin at makikita mo rin siya. Ang pangalan niya ay si Neradel!"
************************************
-Naomi Georfo
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?