"Anong feeling?"
"Hindi ko maipaliwanag basta masaya at the same time malungkot!"
"Bakit skerda skerda ka na naman sa ka O.a han na taglay mo?"
"Hindi! It's because of Lithium. Sinabi kasi niya sakin kagabi na 'Feelings that come back are feelings that never left'"
"So, akala mo mahal ka pa niya?"
"Ganun na nga!"
Nag-uusap kami ni Mae dito sa kwarto ko matapos kasi sa nangyari kahapon ay nagdesisyon siya na dito na lang matulog. Close na nga kami ehh pero wala pa rin siyang sinasabi sa akin about Barium. Ayaw ko namang mag open. Ayaw ko magawaran ng Chismosa of the year! Nag-uusap kami kung okay ba ang sumagot ng isang lalaki na mahal mo!
"So, naguguluhan ka?" she asked me. Hindi naman sa naguguluhan ako pero ayaw ko kasi na magpapakasaya kami ni Lead tapos yung kapatid niya nasasaktan makita kaming masaya.
"Hindi! Naawa lang ako!"
"Kaya ka pinaubaya ni Lithium sa kapatid niya dahil mahal kayo ni Lithium. Ang mahal kasi Naomi ay hindi lang sa magkasintahan at pamilya. Maaari din yang sa kaibigan katulad natin. Mahal ni Lithium ang kapatid niya kaya gagawin niya ang makakapagpasaya kay Lead at ikaw yun. Kahit na mahal ka niya ay kailangan niyang bumitaw para sa kaligayahan niyong dalawa" mahabang litanya niya. Napaisip ako. Paano niya na kayanan ang sakit na nararamdaman niya.
"Naiintindihan ko na!"
"Makakahanap din si Lithium ng babaeng para sa kanya. Hindi ngayon hindi bukas pero sa tamang panahon. Yung panahon na maghilom na ang sugat na dala-dala niya dahil sa kagagawan niyo ni Lead!" sinapak ko siya ng unan dahil sa sinabi niya.
"Kinokonsensiya mo ako eh" natawa lang siya. Napasiyahan naming maligo dahil susunduin kami ni Lead dito maglalakwatsa ika daw. Hahaha
Pagkatapos naming maligo at magbihis ay naglagay na ng eyeliner si Mae at ako naman ay nag bloblower ng buhok ko. Iba na talaga ang buhay ko ngayon! Ibang-iba na!
"Maam, nasa ibaba na po si Sir Lead naghihintay!" sabi ng katulong namin ng bumukas ang pinto. Nagmadali kami at bumaba na. Pagkababa ko ay ikiniss ako sa cheeks ni Lead. Ang swerte ko naman sa lalaking 'to!
"Get a room guys!" sigaw ni Mae. Hinila ko lang ang buhok niya at pumunta na sa labas. Nandun na rin sila Susi at Francium. Wala ang mga bakla may lakad daw sila.
"Nasaan si Barium?"
"Oyy hinahanap!"
"Ewan ko sa inyo! Hindi lang ako sanay na walang papaluin noh!"
"So, yun lang pala ang silbi ko sa iyo?" napaawang naman ang bibig ni Mae nang nakita niya si Bariun na nakasandal sa likuran ng kotse. Nag smirk si Barium at umikot na sa ibang bahagi ng pintuan sa kotse.
"Hala! Nagtampo?" sabi ni Mae at agad pumasok at tumabi kay Barium.
"Tara na!" binuksan ni Lead ang pintuan para sakin at pumasok ma ko sa Shotgun Seat. Saan ba kami pupunta. Nakatingin ako sa likod ko. Magakatabi si Francium at Ana key habang si Mae naman isod ng isod palapit kay Barium.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong sakin ni Lead
"Hindi ko alam ehh!" sagot ko. Nginitian niya lang ako. Sus!! Pulpugin ko yan lahat ngipin mo ehh!
Nagdrive na sya papunta sa hindi ko alam kung saan at hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit! Nagmamaneho siya ng nakahawaj sa kamay ko. Sinuway ko nga siya ejh dahil bawal pero pumiksi lang siya kaya hindi ko na lang ininda as if naman hindi ako kinilig.
"We're here!" Nalingon ako sa paligid. So, dito niya naisipan pumunta? Okay na rin maganda. Nandito kami sa isa sa pinakamagandang plaza sa mundo. (Ohh dba? Haha) Bumaba na kami sa kotse at iisang kinuha ang mga pagkain na binili nila Barium kanina. Pumasok na kami sa naturing Plaza. Naghanap kami ng magandang view at tsaka inilapag namin ang mga dala namin. Hindi naman madumi ang grass kaya okay lang.
"Ang ganda ng puno ohh!" sabi ni Mae. Napatungin kaming lahat sa Puno at ang ganda nga niya. May ilaw pa na nakapatong sa mga sanga sa puno. Maganda siya pero may napansin ako bakit may pangalan?
"Hey! Tingan niyo!" lumipat sila sakin at tiningnan ang nakita ko. Napasinghap din sila. Binasa ng malakas ni Lead ang nakalagay sa puno. Actually, nakaukit siya sa puno.
"Margaux and Diether"
Nagkatinginan kami at agad na inalyze ang mga nakalagay.
"Magkasintahan sila at dito sila nagsumpaan?"
"Weird!"
"Hindi kaya! Mas lovely nga ehh na saksi ang puno sa pagmamahalan niyo." sabi ni Mae. Nakatingin sa kanya si Barium habang siya ay nakatingin sa itaas.
"Magsumpaan din kaya tayo?" suhestiyon ko.
"Oy! Ang weird niyo ahh!" sabi ni Francium. Ito talagang isang to di marunong makisabay.
"Ang magkasintahan ang magsusumpaan. Kung wala ka pang gf o bf ay hindi ka pwedeng sumupa pero kubg magkakaroon ka na dadaljin mo siya dito. Maliwanag?" sabi ni Anna Key. Napatango kaming lahat.
"Tatawagin natin ang punong itong bilang Tree of Love! Kung may kasintahan ka na at magsusumpaan kayo ay kailangan niyong iukit ang mga pangalan niyo!" sabi ko at tumingin kay Lead. Nakatingin lang siya sa puno. Maraming iniisip! Iniisip niya pa kaya si Bridgette?
Nagulat ako ng tumango siya at ngumiti sakin. Lumapit kami sa puno habang ang iba naman ay nakatingin lang samin. Kami lang ang magasusumpaan kami lang naman ang magjowa dito.
"Isinusumpa ko na hindi kita sasaktan at gagawin ko ang.mapgpapakasaya sa ating dalawa at Isinusumpa ko rin na ipaglalaban kita hanggang sa kamatayan!"sabi ko at tuluyan na akong umiyak. Pagkatahan ko ay siya naman ang nagsalita.
"Isinusumpa ko na hindi kita iiwan hanggang sa huling hininga ko. Aalagaan kita at ang magiging anak natin. Gagawin ko ang lahat para tayo ang maglatuluyan. Hindi ako papayag na malayo ka pa sakin." huminto si Lead sa pagsasalita at pininasan niya ang mukha ko na may luhang tumutilo galing sa mata ko. "Dito ko na rin ililibing ang alaala namin ni Bridgette at magsisimula ako na kasama ka!" sabi niya at niyakap niya ako. "I love you, Forever!" pagkasabi niya nun ay niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong "I love you too Forever"
Inukit na namin ang pangalan namin sa ilalim nang inukitan sa pangalan nila Margaux. Matapos naming inukitan ay napatingin kami sa nagsalita sa likuran namin ni Lead.
"Sila Forever? Ako? Forever Alone!" natawa kami sa kakulitan ni Mae.
************************************
-Naomi Georfo
BINABASA MO ANG
Stabbed by the Badboy
RomanceWhat is your Ideal guy? A Mysterious guy or a Badboy one?