Kabanata 1

385 7 0
                                    


Tulala akong nakaupo sa dining area at hindi mapakali dahil sa nangyari kagabi. I am not sure if it's true or just part of my dreams.



"Saan kana naman nanggaling, Maria?." Napapitlag ako dahil sa gulat, si mama ang nagtanong habang palapit ng dining.


" Sa bahay po ng kaibigan ko, Ma." I lied.



Kumuha si Mama ng dalawang tasa, magtitimpla ata ng kape para sakanilang dalawa ni Papa.




"Sana trinabaho mo na lang 'yang paglalakwatsa mo, may makuha ka pa." Sermon nito.



I am so tired of this, lagi na lang ganito ang eksena sa bahay.

"Naghahanap naman ako mama, hindi lang talaga pinalad." Sagot ko dahil iyon ang totoo.

I am a fresh graduate without concrete experiences, that's keeping me away from any company that I had applied. They always turn me down by saying "we'll call you for the final interview" and months passed the call never came. Hindi iyon maintindihan nila mama, lagi na lang pinag-uusapan ang pagiging jobless ko sa loob ng isang taon. Gayunpaman, I am not totally a jobless dahil may raket akong ginagawa, isa na roon ang pagiging freelance model. That's how I gained money for my night outs.





"Hindi ba't magka-batch kayo ni Leslie, kita mo kung na saan siya ngayon? Nasa tuktok samantalang ikaw nagliwaliw lang sa buhay." Also, I forgot to notice that this is also an issue for them. Knowing that my cousin was hired in a top-rising company even she's a fresh graduate.



Didn't they know that she has Latin honors. Meanwhile me, I only got a graduate ribbon.



"Ma, I have a job right now. Kahit naman papaano nakatulong naman iyon." Pangatwiran ko dahil sawang-sawa na sa paulit-ulit na sermon.


"Trabaho ba iyong nagpapakita ng balat, Maria?." I shut my mouth when Papa enters the dining.



Kahit anong pangatwiran ko wala talagang silbi, kasi ang gusto nilang gawin ko ay tumulad sa iba. Tumulad sa ate kong arkitekto ng isang leading company, ng kuya kong enhinyero sa ibang bansa at ng kamag-anak kong magaganda ang reputasyon sa buhay, most especially Leslie. Hindi na bago sa akin ang maikumpara sakanya, dahil sa loob ng apat na taong nagsama kami sa isang eskwelahan wala na akong ibang naririnig kung hindi Leslie. Hindi ako nasasaktan dahil sa mas magaling siya sa akin, nasasaktan ako kasi hindi nila makita ang halaga ko.


"Have you prepared for your flight?."si Papa ang nagsali bago siya umupo sa harap ko. Nailapag ni mama ang tasa sakanya harap.





"Opo.." matipid kong sagot at takot nang magkamali pa. 



"At ano ba iyang suot mo, Maria. Ke-aga aga ganyang damit ang ipagkalandakan mo." My mom noticed my dress, I bit my lower lip. This is the dress I wore last night, dress that's stinky.



Pinagdasal ko na sana hindi nila ako maamoy, na sana tama ang pagpaligo ko sa sarili ng pabango bago umuwi rito. Hindi na ako nangatwiran tungkol sa suot kong dress, kahit anong paliwanag ko hindi nila nakikitaan ng halaga ang alinmang sasabihin ko.



"We're leaving this afternoon, make sure you packed everything." Paalala ni Papa nang nagpaalam ako sakanila.


Nagtaas lamang ako ng kamay at sumenyas bago maingat na naglakad. Sinigurado kong perpekto ang lakad ko dahil ilang beses akong nag-ensayo para hindi iika-ika maglakad.



A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon