Tahimik si Mr. De Vera, hindi siya natinag sa maya't maya kong pagpapansin para sa kape o kahit anong gusto niyang gawin ko. Mabilis akong tumayo nang nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtinding niya. Malakas ang buntong hininga niya na tila pa pinaparinig niya sa akin iyon.
" Eat your lunch, I will not be here for lunch." May kung ano sa boses niya ang nakakapanindig balahibo. Mabuti at nagsalita na siya, hindi man kami masyadong malapit sa isa't isa ay ramdam ko naman ang mabangis niyang titig.
Sumunod ako sa kanya, nasa likod niya lang ako nang huminto siya. Itinaas niya ang kanang kamay niya na para bang sinasabi niyang huwag na ako sumunod. Naglakad siya ulit, sinikap kong bitbitin ang bag at cellphone ko sa isang kamay para pagbuksan siya pero pinigilan niya ang pagbukas ng pinto gamit ang kanang paa. Naghintay ako ng sasabihin niya, nakatingala ako kasi para siyang higante sa tangkad. Nagdasal ako na sana huwag niya akong kainin nang buhay habang unti-unti niyang binagsak sa akin ang mga mata niya.
" Can't you understand what I said?" I could almost taste his frustration when his mouth opened.
Nabitawan ko ang bakal na seradura, napakamot ako sa sintido ko bago yumuko at humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po," sambit ko, nag-angat ako ng tingin at nakita ko naman na nasa akin pa rin ang mga mata niya. Nag-aabang siya sa sumunod kong gawin at halos atakihin ako sa puso nang umungol siya dahil sa labis na pagtitimpi.
" Eto na po, bubuksan ko na po. I am not used to rushing things, sorry na!" ngumisi siya sa akin, umangat ang gilid ng labi niya na para bang may nasabi akong iginaganda ng pakiramdam niya.
" forgiven, stay there. Eat. your. LUNCH." Hindi ko naintindihan ang una niyang sinabi pero ang huli niyang salita ay sinabi niya nang maririin kaya wala na akong nagawa kung hindi pakawalan siya.Para akong nakahinga nang maluwag pagkalabas niya. Pakiramdam ko ay hindi ako huminga sa buong oras namin sa opisina. Bumalik ako sa upuan ko at ilang segundo pa akong natulala sa upuan ko bago may nagsalita sa intercom.
" Get your food outside, woman." Nagulantang ako roon, pakiramdam ko iniinsulto ako ng isang ito.
" No phone while working unless I'm the one you're texting to." Nabitawan ko ang cellphone ko at matalim na tumingin sa intercom. Hindi ko alam kung paano niya iyon nakita dahil wala naman akong nakikitang CCTV sa opisina niya. Muli siyang nagsalita para sa pagkain kaya tumayo na ako para kunin iyon at nang matigil siya.
Marami akong naisip habang kumakain, bored na bored ako matapos kumain at wala akong tinatrabaho kung hindi basahin at intindihin ang schedule niya sa taong ito. Marami siyang out of town at may iilang ding abroad. Sinilip ko ang oras at nakakalimang oras na akong tulala sa opisina niya. Hindi pa rin siya bumabalik at nate-tempt na akong gumamit ng cellphone ko.
Sinilip ko ang schedule niya, hindi ko alam kung updated ba iyon at base sa nakita ko ay mayroon lang siyang meeting ngayong umaga at mamayang alas sais para sa isa pang meeting. Kaya ba hindi niya ako sinama kasi wala naman siyang meeting na pupuntahan? Saan naman kaya iyon nagpupunta?
Palakad-lakad ako sa loob ng opisina, hinahaplos ko ang makabilang braso ko dahil sa lamig. Lamig na lamig ako kahit na may suot naman akong blazer at isa pa, para ng sasabog ang pantog ko. Hindi ko alam kung may banyo pa rito sa building o maging sa opisina niya mismo. Meron naman akong nakita isang silid pero takot akong pumasok doon, ayaw kong mangialam at baka kung ano pang laman ng silid. Bumalik ako sa lamesa ko at dinampot ang cellphone ko sa lamesa, nagtipa ako ng mensahe para kay Mr. De Vera.
Mag-aalas sais na at hindi pa rin siya bumabalik, hindi ko alam kung isasama niya ba ako. Kung oo, kailangan kong magpaalam na magbanyo para hindi niya isipin na umuwi o saan ako pumunta.
Me:
Good afternoon, Mr. De Vera. Your next meeting is at 6 o'clock in the evening with Mr. Chui. Itatanong ko lang po kung isasama niyo ako
Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa reply niya.
Mr. De Vera:
Yes, I'll be back in a minute.
Hindi na ako nag-reply at naghintay na lang. Hindi rin ako umalis para magbanyo, kaya ko pa sa lagay kong ito. Maghahanap ako ng banyo pagkarating namin sa restaurant. Para akong tinakasan ng lamig sa mukha pagbukas ng pinto. I hate to notice his aura, para akong bumalik sa gabing iyon.
Napalunok ako lalo na't nagsimula na siyang maglakad, napakabagal na parang gusto ko na lang siyang hilahin para makalapit siya sa lamesa niya. Nilakbay ko ang mata ko mula sa kanyang itim na katad na sapatos, pataas sa kanyang tuwid at mahabang biyas. Ang itim pang-ibaba ay nasa maayos na pagkakaplantsa, parang masusi ang pagplantsa n'on na hindi ko man lang nakitaan ng gusot. Nagtagal ako sa parteng baywang niya kung saan nagsusumigaw ang suot niyang sinturon, parang lumalaki habang papalapit. Kinunutan ko iyon ng noo at patuloy sa paglandas ng tingin pataas, sa kanyang puting damit sa ilalim ng itim na coat. Ang necktie niya ay nasa perpektong gulay kagaya ng kanyang suit. Narating ko ang gumagalaw na bagay sa kanyang leeg, ang kanyang adams apple, na maya't maya ang paggalaw. Umabot ako sa kanyang panga, ang maigting niyang panga na perpekto. Wala siyang balas, iyan ang napagtanto ko. Ibang-iba sa kiliting naramdaman ko noong gabing iyon, kung saan ang patubo niyang balbas ay lumalapat sa akin. Itinaas ko pa tingin ko, mula sa labi niyang tikom at nasa perpektong hugis. Namumula mula sa kanyang pagdila.
Ngumuso ako dahil muli niyang dinilaan ang sariling labi. Pinilig ko ang ulo ko at tuluyan nang iniwan ng tingin ang kanyang labi. Nagtagal ako sa kanyang matangos na ilong, para akong nagdedeliryo sa tangos n'on, tumatama iyon sa akin, naalala ko. Pinalandas ko nang tuluyan ang tingin ko hanggang sa kanyang noo. Alam kong nakaka-stress ang trabaho ng CEO, kadalas ng nakikita kong CEO ay matanda o di kaya'y tumanda ang hitsura dahil sa trabaho pero ang isang ito ay wala man lang bahid ng hirap. Kumunot ang noo niya, kaya kinunot ko na rin ang noo ko. Nakita ko ang pag-angat ng kaliwang kilay niya kaya binagsak ko ang tingin ko sa mga mata niyang kulay abo.
Abo... Kakaiba.. Noong gabing iyon, hindi ko masyadong nasilayan ang mata niya, masyadong maliwanag, madilim, hindi ko maintindihan. Siya nga ba iyon o nagkamali lang ako? Hinanap ko ang labi niya matapos makipagtitigan sa kanyang mga mata. Nahuli ko ang multong ngiti niya roon na naghatid sa akin sa kasalukuyang mundo. Kaagad akong napatayo at halos lumuhod na ako sa harapan niya dahil sa kahihiyan.
" Don't worry, I don't mind. I know I'm hot, and you can't resist it, just like that night." Nalaglag ang cellphone na hawak ko kaya hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.
" S-Sorry," sambit ko bago dinampot ang cellphone ko. Hindi na ako tumingin pang muli at tumabi sa gilid para makadaan siya.
" Let's go," pagkatapos ng ilang sandali na paghihintay sa wakas ay binasag niya rin ang katahimikan. Binuntutan ko siya haggang sa elevator. Kaagad siyang binati ng nasa loob ng elevator. Hindi siya pumasok kahit na mas nauna na ako sakanya, tumitig lang siya roon na para bang naghihintay sa kung anong gusto niyang mangyari.
" Sorry, Mr. De Vera." Sabay-sabay na sinabi ng nakasakay sa elevator. Tatlo lang naman ang naroon, mukhang utility dahil may malaking cleaning cart na dala. Ang dalawa ay babaeng may edad na at ang isa lalaki.
Mabilis na lumabas ang tatlo, para namang hindi mapakali ang elevator girl. Sinulyapan niya ako na para bang humihingi siya ng tulong sa akin. Pinindot niya ang button ng elevator para pigilan ang pagsara n'on. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng elevator at tumabi sa kanya.
" Mr. De Vera, pasok na po." Sabi ko, ilang sandali pa siyang natigilan bago ako sinundo. Napahinga ako nang maluwag dahil doon. Akala ko tuluyan na siyang sinaniban ng kung anong espirito.
Para kaming nasa isang tahimik na lugar, walang nagsasalita. Hindi ko alam na sa sobrang tahimik ay nakakabingi na. Kung hindi lang tumunog ang cellphone ni Mr. De Vera. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at tiningnan, akala ko sinagot niya pero bumaling siya sa akin at inilahad iyon. Tumingin ako sa elevator girl, pareho kaming naguguluhan sa inaasal ni Mr. De Vera nang siya na mismo ang nagpaintindi.
" Answer it," he demanded. Kinuha ko ang cellphone niya, nanginginig pa ang kamay ko habang sinusubukang hawakan nang mabuti ang cellphone niya.
Ibinulsa ko muna ang cellphone ko bago ko sinagot ang tawag.
" H-Hello--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ang nasa kabilang linya.
" When are you going back? I've waited for months! wait, this is not Yuki! Who are you??? is this his bitch?" malutong na mura ang huli niyang binanggit. Ramdam ko ang galit sa boses ng babaeng nagsasalita sa kabilang linya.
" Hello, this is Maria, Mr. De Vera's secretary. How may I help you, ma'am?" mabuti at napakilala ko ang sarili ko sa kanya kaya kumalma siya pero mataas pa rin ang tono ng pananalita.
" Where is he? Why are you answering his phone calls? He isn't using his personal number for work. This is unbelievable." Nilayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa malakas niyang sigaw, pakiramdam ko rinig din ng dalawa kong kasama ang boses niya kaya wala na akong ginawa at ibinalik na kay Mr. De Vera ang kanyang cellphone.
Tumunog ang elevator, lumabas si Mr. De Vera nang nakarating kami sa lobby. Binuntutan ko naman siya. Sa likod niya lang ako tumingin, takot akong mawala siya sa paningin ko dahil baka maging rason pa para masisante ako.
" No, it has been months. Enough, Zoey." Iyon lang ang narinig ko bago niya binaba at ibinulsa ang cellphone niya.
Huminto siya at lumingon kung na saan ako, binalik niya rin sa harapan ang tingin nang natanto na nakasunod pa rin ako sa kanya. Diretso ang lakad niya kahit pa'y halos luhuran siya ng mga empleyado niya. Wala akong kilala sa mga nakatingin sa kanya. Nagkatitigan kami ni Leslie, kinunutan ko siya ng noo dahil nakita ko ang lalaking kasama niya. Pinilig ko ang ulo ko at tahimik na lamang sumunod kay Mr. De Vera.
Hindi ko pa natutuklasan ang relasyon nila ni Mr. Baron, hindi ko rin alam kung magkakaroon pa ako ng pagkakataon. Mabuti na lamang ay tinigilan ko ang pag-iisip dahil kung hindi ay bumangga na ako sa likod ni Mr. De Vera nang huminto siya. Sinilip ko iyon, at nakita ko namang nasa tapat na kami ng isang mamahaling sasakyan. May nagbuksan ng pintuan para sa kanya. Pumasok siya at ako naman ay naghintay ng mando.
" What are you waiting for?" galit niyang hasik.
Sinarado ko ang pintuan para pigilan ang sarili kong magmura. Nakakarami na siya ngayong araw, ano akala niya sa akin, alipin niya.
Ano pa nga ba?!
Teka, parte ba ng trabaho ko ang sigaw-sigawan niya?!
Remember, may atraso ka sakanya!
Oh God, mababaliw na yata ako dahil sa lalaking ito. Nakatayo pa rin ang lalaking nagbukas ng pintuan para kay Mr. De Vera. Nang nakita niya akong umambang bubuksan ang front seat ay kaagad niya naman iyon binuksan. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, sana oo.
" What the hell are you doing, Monteverde?" malutong ang tanong niya nang umupo ako sa passenger seat. Kaagad akong kinabahan, napatingin ako sa driver na parang bato sa tigas at parang walang narinig. Nakikita ko ang mata niya, alam kong nakikita niya ako pero hindi niya alam kung paano ako tulungan.
Gulong-gulo ako, bahagya pa akong tumayo para lang makita siya sa likod. At ano pa ba ang inaasahan ko, matalim niya na naman akong tiningnan na para bang may katangahan akong ginawa.
" Magko-commute po ba ako? may dala naman po akong sasakyan, sundan ko na lang po kayo. " Tanong ko. He is ridiculous. Ewan ko ba at bakit natatagalan ko ang ugali niyang ito, bukod sa hindi ko maintindihan ang galit niya ay talagang tama si Gio sa sinabi niya tungkol kay Mr. De Vera.
Suminghap siya at parang naging kasalanan ko pa nang lumabas siya sa sasakyan at umikot sa passenger seat. Pinagpapawisan na ang driver niya at ako ay para namang bumabaliktad ang sikmura ko sa ugali ng boss ko.
Hindi ko na siya hinintay pang makalapit sa passenger seat, lumabas ako ng sasakyan at hinarap siya. Kung hindi ko siya boss, baka kanina ko pa siya binugahan ng apoy. Timping-timpi ako sa inaasal niya, gusto ko siyang sikmuraan.
Nakipagtitigan ako sa kanya, kung kaya ko lang pantayan ang mga mata niyang nanlilisik ay ginawa ko na. Sa huli, nauna akong bumitaw sa titig at naghanap na lang ng ibang matitingnan.
" Ano po ba ang gagawin ko, Mr. De Vera? You can't expect me to know everything. I didn't apply for this position. I haven't seen and studied some of my work yet, you can't just assume that I know e-everything." My voice cracked on my last word.
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko napakatanga ko sa trabahong ito, pakiramdam ko ang simple lang ng gusto niya pero hindi ko alam paano gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...