Kabanata 15

159 6 0
                                    


Nagkaroon kami ng komprontasyon ni Leslie noong nakaraang linggo dahilan kung bakit kahit nagkikita kami sa opisina ay para kaming hindi magpinsan. May selebrasyon sa bahay dahil dumating ang anak ni tito na si Azalea, kasama ang nobyo nitong si Leo. Pasimple kong hinila sa braso si Leslie. Pinandilatan niya naman ako ng mga mata at naghihintay ng sasabihin ko. 



Sinenyasan ko siyang lumabas muna, tinaasan niya lang ako ng kilay bago sumunod sa akin. Ang hapag kainan ay malapit lang sa tanggapan kaya mas pinili kong malayo nang kaunti, nasa likod kami ng isang fountain na kaharap ng front door. 




" What is it? hahanapin tayo sa loob" anito sa medyo galit na boses. Huminga ako nang malalim bago sumilip sa gawi ng front door. 




" Hindi, wala pa si Luis kaya 'di rin magsisimula," paliwanag ko nang nakitang wala roon ang sasakyan ni Luis. 



" Ano ba kasi iyon, Maria?" seryoso nitong tanong. 





Kinuyom ko ang palad ko, hindi kami close ni Leslie kagaya ng pagiging close ko sa nakakatandang pinsan namin. Pero sa aming magpipinsan si Leslie ang ka-level ko, hindi sa katalinuhan kundi sa edad. Ilang beses kaming naging magkaklase, lagi kaming naipagkukumpara pero walang kaso iyon sa akin. Hindi ako kailanman nagkaroon ng inggit sa kahit sino sa mga pinsan ko, hindi iyon ang iniisip ko at wala akong itinatanim na galit. Nasasaktan ako sa tuwing iniisip niyang nagiging dahilan siya sa pamamaliit sa akin ng pamilya, nasasaktan ako dahil kahit hindi kami close ay tinulungan niya pa rin ako sa trabaho ko, sa pagtatanggol kapag may pahiwatig ng kumparahan sa hapag. 





Kaya gusto ko ring maging katulad niya, gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanya. Ibang-iba si Lslie sa opisina at sa bahay, ibang-iba siya kapag kaharap kami at kapag nasa opisina. Gusto kong malaman kung bakit? bakit niya ito ginagawa.



Does she need to deal with Mr. Baron for me to have a job? hindi ko yata kaya iyon, haharapin ko ang problema ko sa mga magulang ko at hindi ko siya hahayaang magkaganito dahil sa akin, para sa akin. Hindi ko iyon makakaya. 





" What is this all about? you are very very different when at work and here, look at you" parang may napigtas sa ugat niya nang makaraan ang ilang segundo matapos intindihin ang sinabi ko ay bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. 



From being sweet... to someone with a foreign emotion. 





" Just don't mind me, do you work and I'll do mine too!" mariin ngunit mababa ang kanyang boses. Pinipigilan niyang huwag akong pagtaasan ng boses kaya mas nanunuot ang bawat salita na binanggit niya. 




" No, no! I can't tolerate this work if it's causes you. I will look for other job!" galit niya akong tiningnan. Hindi ko na kontrol ang sariling emosyon. Mas inuuna ko siya kaya nakalimutan kong hindi kami dapat marinig ng iba naming pinsan. 





" Bakit kung aalis ka may magbabago ba? If you quit this job, I will still continue working there, nothing will change, so just mind your business, and I'll do the same." She said, she lifted a hand in the air to dismiss my sentiments.





Iniwan niya ako sa likod ng fountain. Nothing will change, walang magbabago kahit aalis ako, kahit tatalikuran ko ang trabaho dahil hindi naman siya aalis. 





" Sumunod kana, huwag mo na akong isipin! Kaya ko ang sarili ko."
Sigaw niya. Kinalma ko ang sarili bago sumunod sa kanya. Hindi na ulit kami nag-usap lalo pa't nagsimula na ang selebrasyon para sa nararating na kasal ng isa pa naming pinsan. 




Si Azalea ay anak sa ibang babae ni tito, ikakasal siya sa pebrero. Narito ang buong pamilya, ang mga kapatid ni Papa, ang tumayong magulang ni Azalea at ang pamilya ng mapapangasawa niya. 





" She's too young to get married," bulong ni Stephie. 




Ang alam ko si Stephie at si Luis ang humanap sa kanya, silang dalawa at napakaliit ng mundo dahil nasa iisang school lang din kami nag-aral. Sinong mag-aakala na isa rin pala siyang Monteverde? No one, kahit si tito ay wala ring alam.




" There's no right age for marriage. If you both love each other and are responsible enough to take your relationship to the next level, well, I can't see any problem with it." Si Luis naman na nasa likod lang namin. 





Nasa isang mahabang lamesa sina Tito kasama ang magulang ng dalawa, pinag-uusapan na ang kasal ng dalawa habang kaming magpipinsan ay nasa sala at sinisikap na sumagap ng balita gamit ang mga tainga namin. 




" Si kuya Luis talaga oh, kung makapagsalita parang may balak din ahahah." Si Katrina. Sabay-sabay kaming lumingon sa likod kung na saan si Luis na nagtaas pa ng dalawang kamay. 



" Paano iyan ikakasal, eh wala naman s'yang girlfriend." Si Leslie naman na sinang-ayunan ko. 




" Oo nga, hanap ka muna ng girlfriend bago ka bumoses riyan." Singhal ko bago binalik ang tingin sa gawi ng mga nag-uusapan. 





Kelan nga ba ang tamang panahon para sa pag-aasawa? Ang alam ko walang tamang panahon para magka-boyfriend. Para sa isang relasyon dahil kahit kailan mo gusto, maaari kang magka-boyfriend. Ang pag-aasawa kaya? gan'on din? 






" Shhhh, hindi ko marinig"
si Stephie na naging seryoso muli sa pakikinig. 



Isa pa ito eh, ilang taon na lang ay wala na ito sa kalendaryo. 




" Aren't you afraid of ending up alone?" natahimik ang bawat isa sa tanong kong iyon. 



Lahat yata kami takot mag-isa... 





" Kung kapalaran kong mag-isa, malugod kong tatanggapin" simple pero mahiwaga ang sagot ni Stephie.



" Naah, pass ako riyan. For sure aasawahin naman ako ng boyfriend ko."
Si Katrina. 


" That's right. If this is our fate, we have to accept it." Sagot naman ni Luis. 




" I agree, kaya, let's enjoy it" si Leslie naman na may malagkit na tingin sa akin. 



Hindi pa rin ako sang-ayon d'on, hindi pa rin ako papayag kaya naisipan kong manmanan siya sa trabaho, kung hindi man siya ay si Mr. Baron. Basta! 





Kaya lang ay hindi ko nagawa ang misyon ko dahil marami akong trabaho at hindi rin ako nakakaalis sa opisina hanggat hindi oras ng pag-uwi. Gusto kasi ni Mr. De Vera na aralin ko ang presentation na sine-send niya araw-araw. Walang palya kaya araw-araw rin ako sa opisina. Mabuti't napakiusapan ko siya noong nakaraang linggo. Tensyunado tuloy ako kada araw, dahil kahit wala siya ay maingat pa rin ako, hindi ako makaalis nang walang dahilan dahil may nakabantay sa labas. Biruin mo iyon? ako may bodyguard? para saan? takot ba siyang nakawan ko siya?! Ano naman nanakawin ko rito? wala naman yatang safe box dito. 








Nag-abang ako ng email na galing kay Mr. De Vera para sa araw na ito, isang buwang mahigit nang walang demonyo sa loob ng opisina ni Mr. De Vera dahil nasa singapore siya para sa isang business proposal. Nagtipa ako ng email dahil alas kwatro y media na ay wala pa rin siyang nase-send na files. Pormal ko siyang tinanong tungkol sa presentation ng meeting, wala naman siyang reply hanggang sa oras na ng pag-uwi ko. Paglabas ko ng opisina ay kaagad namang sumunod ang lalaking bodyguard na ewan. Sinubukan ko siyang kausapin noong unang linggo dahil hindi ako sanay pero mahigit isang buwan na rin siyang hindi sumasagot kaya hinayaan ko na lang. Sa trabaho lang naman siya nakabantay at hindi naman sumusunod sa banyo. 






" Ano Sir, uuwi na ako, tapos na ang trabaho ko at tapos na rin ang trabaho mo. See you tomorrow." At kagaya ng dati ay hindi rin siya sumagot. Nakasunod pa rin siya hanggang sa basement. Tumigil lang siya nang nakasakay na ako sa sasakyan. 






Hindi ako kaagad umalis, hinanap ko siya gamit ang mga mata ko habang nasa loob pa rin ako ng sasakyan. Binaba ko ang salamin nang nakita ko siyang nagbukas ng sasakyan pero nasa labas pa rin at may hawak na cellphone at nakalapat sa tainga. 




" Sir, yes, sir. Pauwi na po siya," kinilabutan ako dahil ito ang unang beses kong marinig ang boses niya. 




Nagsimula akong magmaneho, bumusina ako nang nakatapat ko siya. 



" Nagsasalita po pala kayo, Sir. Ingat sa pag-uwi,"
sigaw ko para marinig niya. Tumuwid siya sa pagkakatayo. Hindi na siya sumagot kaya umalis na lang din ako. Ayaw yata akong kausap. 





Alas sais nang nakarating ako sa bahay, kaagad akong nag-shower dahil may usapan kami ni Gio sa gabing ito. Ilang beses ko na kasi siyang tinatanggihan.




" Ma'am, may bisita po kayo," palabas na ako ng kwarto nang nakasalubong ko ang househelp nila Tita. 



Dinungaw ko si Gio mula sa itaas, kaagad naman siyang tumayo nang makita akong pababa. Sa mga tingin niyang ito ay paniguradong tama ako ng piniling susuotin sa gabing ito. 




" You're so wonderful tonight," he sweetly said this when I reached the last steps.




Kaagad siyang naglahad ng kamay, tinanggap ko naman iyon bago siya nginitian. Gio is tall, at kahit three inches na ang suot kong heels are mas matangkad pa rin siya. 




" Ang pogi mo rin,"
pinantayan ko ang tamis ng boses niya. Ngumisi ako nang makita siyang namula.



" Let's go," tumango siya matapos ang ilang segundo. Marahan niya akong inalalayang lumabas ng bahay. 




Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan bago siya umikot at pumasok sa driver's seat. 



" Just relax, tell me whenever you feel uneasy, okay?" nagsimula siyang magmaneho, bumusina siya pagkalabas ng gate at nagtuloy-tuloy naman palabas ng subdivision. 



Hindi naman ako kinakabahan kahit na ito ang unang beses kong lumabas kasama siya at hindi lang basta dinner. 



" Sorry kung hindi ko nasabi kaagad, baka kasi tanggihan mo na naman." Tumango-tango ako, wala namang kaso iyon at sa totoo lang gusto ko rin siyang makilala nang lubusan.






" Okay lang, ikaw yata ang kabado sa ating dalawa." Puna ko, halata naman kasi iyon. 





" To tell you honestly, this is giving me a mini-heart attack." Amin niya, tumigil siya sa pagmamaneho dahil sa trapik. Nilingon niya naman ako nang may ngiti sa labi. 





Humarap ako sa kanya, humawak ako sa dashboard at siniko ko naman ang braso ko sa upuan. 
" Are you kidding me?"  gulat kong tanong, tinanguan niya ako bilang sagot bago niya kinuha ang kamay kong nagpapahinga sa dashboard at dinala sa kanang bahagi ng dibdib niya kung saan naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. 




Baliw ba siya? ang bilis ng tibok, parang nasa karera. 



" I wish I am, damn." Bulong niya pero narinig ko pa rin. 




Nagsimula siyang magmaneho matapos ay natahimik kaming dalawa, hanggang sa narating namin ang condominium na kinalalagyan niya. Malapit lang iyon sa building ng De Vera, nasa likod nga lang eh. Pumarada siya sa harap ng entrance, bumaba siya at bago ko pa matanggal ang seatbelt ko ay nasa harap ko na siya, nakabukas na ang sasakyan para sa pagbaba ko. Hinagis niya ang susi ng kanyang sasakyan sa nakatayong lalaki, naka-uniporme iyon nang kagaya ng mga nasa loob. Bumukas ang malaking babasaging pintuan, pumasok kami sa lobby at kaagad naman siyang binata. 




" Good evening, Mr. De Vera." Hinanap ko sa paligid ang binati ng mga tao, huli ko nang napagtanto na De Vera nga pala si Gio. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ugnayan nila ng boss ko. 




Hindi sila magkamukha, masyadong malayo ang facial features nilang dalawa. 





" Relax, Gio. Baka hindi mo ako maipakilala sa kanila nang maayos kapag ganiyan ka,"
puna ko. Masyado siyang tensyunado. 




" How can I? You are too much for me. I can't think of what my parents are going to say. I am thinking about what you are going to say." Hinaplos ko ang braso niya para mahimasmasan siya.




" First time mo bang magka-girlfriend?" tanong ko, umiling naman siya bilang sagot. Narating namin ang tamang palapag. Masyado iyon malawak, mas malawak kaysa sa building ng De Vera. 





" First time kong gawin ito,"
he answered. Marahan ang lakad niya at dahil nakahawak ako sa braso niya ay humawak na rin siya sa kamay ko roon. Marahan niya ring hinaplos.



" Bakit sa akin mo lang ginawa? Am I worthy of your effort? hindi mo pa ako kilala nang lubusan, Gio."
He has been transparent to me, ni hindi ko pa kayang ikuwento ang buhay na meron ako. Pahapyaw lang ang alam niya.




Ang alam niya ay kailangan ko ng trabaho at natiyempuhan kay Mr. De Vera pa, ang alam niya ay kaka-break ko lang sa ex-boyfriend ko. Hanggang d'on lang ang alam niya. 



" Why not? ikaw ang gusto kong maging girlfriend at hindi lang hanggang girlfriend ang gusto ko" nagulat ako r'on kaya napahinto ako sa paglalakad. 




 
" I know, your cousins had told me that you were dating to marry. Ang tanga lang ng ex mo at pinakawalan ka pa," mas lalo akong nagulat d'on. 





" Besides, I'm of age, kung gusto mo ng kasal, maibibigay ko naman sayo iyon." Marahan niyang hinaplos ang braso ko at hinigit pa lalo palapit sa kanya. 

Seryoso ba siya?!

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon