WARNING: SPG ALERT
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumabas kami ng meeting room, tahimik ang palapag na ito nang lumabas kami. Nasa kanyang cellphone si Mr. De Vera habang nakabuntot ako sa kanya. Huminto siya kaya huminto rin ako, unti-unti siyang humarap sa akin kaya tumingin na lang ako sa black leather shoes na suot niya.
" Do you have other clothes?" he asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wala namang mali sa suot ko kaya takang-taka ako sa naging tanong niya.
Alam kong trabaho ang pupuntahan ko rito kaya nagdala ako ng office clothes. I am wearing my maroon pencil skirt and black long-sleeve blouse with a deep v-cut. I pair them with my black scarpin heels. Bahagya kong hinila ang suot kong skirt, hanggang hita ko lang iyon kaya hinila ko pa lalo.
" May mali ba sa suot ko, Sir?" tanong ko, nakipagtitigan ako sa kulay abo niyang mga mata. Hindi naman siya galit, may kung ano lang akong nakikita sa mga mata niya.
His eyes are very familiar, this is how he stared at me that night.
" It's too sexy, we're going to visit the sites today," hindi na siya nahiya at sinuri pa ako gamit ang tingin niyang parang.. nang-aakit.
Nahiya ako kaya tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang braso ko.
" You should go and change, I will wait." He said with hesitation.
Ngumuso ako bago siya sinagot. " I only bring office clothes, party clothes, beach clothes and bikinis." I honestly answered. Kumunot ang noo niya at lalo pang lumalim ang tingin sa akin.
" Just stay in our room, I'll just go by myself." May awtoridad sa kanyang pananalita nang sinabi niya iyon, muli niya akong tiningnan bago siya tumalikod sa akin.
Humakbang ang kanang paa niya pero hindi siya tuluyang nakaalis dahil sa pagpigil ko. Hinawakan ko ang kaliwang braso niya para pigilan siya. Kaagad niya namang tiningnan ang kamay kong nasa braso niya bago niya ako tiningnan muli.
" I want to come," I said in my most sweet voice. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang boses ko. Masyado iyong mababaw at kahit ang sarili ko ay hindi ko halos marinig ang boses ko sa hina at lambing n'on.
Hindi ako nakapagsalita nang matapos kong sabihin iyon, parang nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko ay mas lalo ko lang binigyan ng problema ang sarili ko. Mas lalo kong hinayaan ang sarili kong magkaproblema. Kahit anong pagpigil ang gawin ko ay kusa pa ring lumalabas ang tunay na gusto ko. Nagkatitigan kami at pakiramdam ko naiintindihan namin ang isa't isa dahil sa mga titig namin. Nangungusap ang mga mata namin at tanging kaming dalawa lang ang nakakaintindi n'on.
Bumagsak ang balikat ko nang tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hindi niya ako isasama, iyon ang inaakala ko. Pumihit siya para maharap ako nang maayos, tumungo siya nang kaunti at halos maduling ako nang tinitigan niya ako nang malapitan.
" Do you really want to come?" he asked seriously. I nodded like a child.
" Let's change your top," he answered. Pinoproseso ko pa ang sinabi niya.
" Pero.. pareho lang naman lahat. They're bit revealing," protesta ko, umiling siya para sabihing pinal na ang desisyon niya.
Hindi na siya nagsalita pa, tumayo siya nang matuwid at humawak sa maliit kong braso. Nagpatianod ako sa hila niya sa akin, hindi naman mabilis ang lakad niya pero dahil mahaba ang mga biyas niya ay naiiwan pa rin ako. Huminto siya para tingnan ako.
" S-Sorry," sambit ko nang nakangiwi. Narinig ko ang paggalaw ng panga niya para sa anong salita na pwede niyang sabihin pero hindi niya tinuloy. Nagulat na lang ako nang binitawan niya ang braso ko. Hindi pa ako nakakabawi sa pagbitaw niya ng braso ko nang pumasaere ako.
Hindi ko maiwasang humiyaw sa gulat pero kaagad ko ring pinigilan. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya nang puno ng pagtataka.
"W-Why?" nauutal kong tanong.
" Ang bagal mo," naiinis niyang sabi. Tinikom ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita. Nagpapasalamat ako na wala kaming kasabay sa elevator at maging sa hallway ay wala rin.
Niyakap ko pa lalo ang braso ko sa kanya, pakiramdam ko kasi mabigat ako at nauubos ang lakas niya sa akin kaya bago pa ako mahulog ay niyakap ko na siya leeg. Humigpit naman ang hawak niya sa hita ko, nilapit niya rin ako lalo sa katawan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...