Kabanata 39

227 6 0
                                    

Nahirapan ako sa bawat araw na mag-isa kong gumigising at bumabangon. Mag-isa akong nakatira sa napakalaking bahay na binili ni Yuki. Mag-isa akong kumakain, mag-isa akong naglilinis. Isang linggo ang lumipas simula noong ihatid ako ni ate Raine rito dahil hindi siya napanatag hanggat hindi niya nakikita ang kalalagyan ko.




Bago ako ihatid ni ate ay dumaan muna kami sa isang pharmacy, binilhan niya ako ng mga gamot na nireseta ng doktor at dumaan din kami sa isang mall para bumili ng mga gamit. Hindi ko nadala ang luggage ko kaya kailangan ko ng mga bagong damit, hindi na kasi ako pinabalik ni ate sa bahay para kunin ang mga naiwan kong gamit. 



Alas singko nang gumising ako, nagdasal at nagmuni-muni muna ako bago lumabas ng kwarto. Kaagad kong tinungo ang kusina, nagtimpla ako ng mainit na gatas at nagpapasalamat ako dahil hindi na ako gan'on kaselan pagdating sa gatas. Kumuha ako ng tinapay bago nilagay sa tray ang pagkain ko sa umagang ito. Naglakad ako palapit sa countertop at kumuha ng prutas. Kumagat ako sa mansanas matapos kong hugasan. Binuhat ko ang tray ng pagkain habang nasa bibig ko ang mansanas. Naglakad ako galing sa dining room papuntang living area, pinindot ko ang lock ng sliding door bago ko iyon binuksan. Lumabas ako galing sa living area patungong pool area. Kaagad kong pinatong sa pabilog na lamesa ang pagkain. Iniluwa ko ang mansanas bago ko hinila ang upuan.  




Nasisinagan ng araw ang pool area kaya dito ako namamalagi. Ang sabi ni ate kailangan kong maging healthy kaya ginawa kong routine ang paglalakad sa pool area. Iikot lang ako r'on hanggang sa matapos ang tatlumpung minuto. Nagsimula akong lumakad habang kumakain ng mansanas, ang tiyan ko ay hindi pa ganoon kalaki. Higit isang buwan pa lang naman kaya hindi pa halata. 




Sobrang lungkot manirahan nang mag-isa at wala akong makausap kung hindi ang baby ko. Kaya para maibsan kahit papaano ang kalungkutan ko ay nagsimula akong magbasa-basa ng mommy's diary, iyong mga first time mom para maihanda ko ang sarili ko. Bukod d'on ay inaaral ko rin ang isang  online shop. Gusto ko sanang may mapagkakakitaan dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay gamit ang savings ko. Hiyang-hiya na nga ako kay ate dahil siya ang nagbayad ng mga binili ko n'on, ang sabi niya ay advance gift na lang daw para sa baby ko kaya tinanggap ko na. 




Ang dami kong naisip, gusto kong magtrabaho na lang muna pero iniisip ko rin na baka mapagod ako. Baka hindi ko makakayanan dahil sa buntis ako! Takot akong mapahamak ang baby ko dahil hindi ko yata makakaya iyon. Wala na akong kasama sa buhay, ang baby ko na lang at pahahalagahan ko siya. Kaya sa huli ay naisip kong pastries na lang, kagaya ng cookies, muffins at cupcakes! Sana nga lang ay umayon sa plano ko dahil gustong-gusto ko ang matatamis sa ngayon! 




Sa hapon ay tumawag si Katrina, noong nakaraan kasi ay tinawagan ko siya para maghanap ng segunda mano na sasakyan, kailangan ko ng service para sa araw-araw na gawain, kailangan ko ng sasakyan dahil ang layo-layo ng entrance! Simula noong ihatid ako rito ay hindi na ako kailanman nakakalabas dahil hindi ako nakakabook ng grab!



"Wow! Balitaan mo ako, ako una mong customer!"masaya si Katrina nang ibinalita ko ang pinagkakaabalahan ko. Alam na ng mga pinsan kong buntis ako at kahit papaano ay dumadalaw rin naman sila iyon nga lang ay hindi madalas dahil may mga trabaho sila at isa pa hindi rin naman ako pwede sumama kapag magna-night out sila!


Umalis din kaagad si Katrina matapos samahan ang isang kakilala para ihatid ang sasakyan. Binayaran ko iyon ng installment dahil hindi ko kaya nang biglaan, nagtiwala naman dahil kakilala ni Katrina kaya naging smooth ang transaction namin. 




Kinabahan ako nang mula sa sala ay naririnig ko ang doorbell! Sinilip ko sa monitor ang nag-doorbell at medyo nakaramdam ako ng inis nang makita kung sino iyon. Akala ko may espesyal na akong bisita! Lumabas ako ng bahay, naglakad palapit sa gate at binuksan ang maliit na gate, hindi na ako nag-atubiling buksan ang pinakamalaki! 



"Hindi ka ba titigil? Tatawag na talaga ako ng police!" banta ko. Inilahad ng lalaki ang isang bungkos ng bulaklak!


"Ibibigay lang naman, ang sungit mo!" hindi ko tinanggap kaya mas lalo niya pang inilapit sa akin. Tinanggap ko na para matigil siya. 


"Huwag ka ng bumalik," saka ko siya pinagsarhan ng gate. 



Hindi ko siya kilala! Nakita niya lang ako isang araw na lumabas ng gate para maglakad-lakad, kinausap niya ako at nakipagkwentuhan. Sinabi niya sa akin ang pangalan niya pero hindi ko iyon matandaan pa. Hindi naman siya masamang tao dahil mukhang dito rin siya nakatira, iyon nga lang ay inaraw-araw niya ang pagdo-doorbell at pagbibigay ng bulaklak. Noong nakaraan ay hindi siya nag-doorbell kaya akala ko ay tumigil na siya pero hindi pa pala. 




Hindi naman ako masamang tao para itapon ang bulaklak niya kaya nilagay ko ang mga iyon sa flower vase sa sala. Umakyat ako sa kwarto at nag-shower. Aalis ako para bumili ng mga gamit, mag-go-grocery na rin ako at bibili na rin ako pang bake ko. Wala akong knowledge sa baking, inaral ko lang iyon sa isang website at sana magtagumpay ako!



Tumawag si ate nang nasa biyahe ako. Natigil ako dahil sa trapik kaya sinagot ko na iyon at nilagay sa loudspeaker.


"Ate, nagmamaneho po ako" bungad ko. 


"Mag-isa ka lang ba?"nag-aalala niyang tanong. 

Sumagot naman ako at nagsimula na ulit sa pagmamaneho. 


"Kamusta po ate? Tumawag po ba si Mama?" tanong ko dahil hindi na ako sinasagot ni Mama kahit sa text man lang. 


Bumalik na si Papa noong araw rin na umalis ako at hindi ko alam kung anong balita dahil hindi naman ako kinakausap. Hindi alam ng papa at ng mama na buntis ako, ayaw ko muna sabihin sa kanila dahil pakiramdam ko ay mas gugulo lalo. 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon