Another week had passed since the first day and definitely last days of my clubbing. Ilang araw rin akong wala sa sariling katinuan at sa pag-iisip ng nagawa ko sa gabing iyon at sa pagbalik dito sa probinsya. Hindi naman sa hindi ko gusto ang maparito, it's just that... Masakit ang dahilan kung bakit ako nandito. In fact, our province is one of the biggest and largest place in the country, maraming turista at maraming mapapasyalan. At kagaya nga ng sinabi ko, rito ako nagtapos sa pag-aaral kaya hindi masama ang loob kong pumunta rito, ang point ko lang naman ay bakit pinipilit ako sa bagay na hindi pa para sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga habang tinalunton ng tingin ang kahabaan ng pila sa isang top rising company. Hindi ko alam kung late na ba ako o sadyang maaga ang punta ng mga aplikante. Naghanap ako ng bakanteng upuan, isa na lang talaga ang bakante kaya halos malaglag ang dala kong folder sa biglaang kilos. Hingal akong sumalampak sa upuan, tumikhim naman ang nasa kanan ko at may karahasang hinila ang naipit na plastic folder na dala nito. Kaagad naman akong tumungo at humingi ng pasensya dahil hindi ko nakita.
Luminga-linga rin ako at nagbabaka sakaling makita si Leslie. Parehas naman kami ng natapos ni Leslie ang kaibahan nga lang ay mas disente ang record niya kumpara sa akin.
"Grabe ano, kahit maaga na ang punta na rin ay nahuhuli pa rin tayo. Mas may maaga pa pala sa atin!." Rinig kong bulungan sa harap, pasimple akong nakinig sa usapan.
"Sinabi mo pa, alas sais kaya ako dumating at medyo may kahabaan na rin ang pila." Sumagot naman ang isang lalaking aplikante.
Ngayong araw ang nakatakdang job fair ng kumpanyang pinapasukan ni Leslie.
"Sinabi mo pa, lahat ana ng sektor sa kompanya ang kinakailangan." Ani naman ng babae. Gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili at mahirap nang sumabat sa may usapan.
Lumipas ang ilang oras, kalahati na ng mga naunang pumila ang nalagas. Kaliwa't kanan ang tilian dahil na rin sa pagkatanggap sa trabaho at iilan naman ang may lungkot na pinapakita. Hinanda ko na ang sarili ko kahit alam ko namang malabo akong matanggap dahil na rin sa credentials ko.
"This is it." Bulong ng katabi ko sa sarili.
Tumayo ako at lumipat sa inuupuan niya kanina, awtomatiko ko namang naramdaman ang kaba nang nakapasok na ang babae. Hindi ako mapakali, pinagpapawisan ang palad ko.
Ano ba, hindi naman ito ang unang pagkakataon kung sakali man ma-reject ka.
Oo nga naman. Marami nang tumanggi sa akin dahil lang sa iisang rason. Sana lang hindi tanungin ng HR mamaya. Bumuntong hininga Ako at tinigilan na lamang Ang pag-iisip. Hinalughog ko ang aking sling bag upang hanapin ang cellphone ko, nang makita naman ay kaagad kong kinuha at nagbasa ng mga mensahe galing sa mga pinsan ko.
Stephie:
Minsan kailangan mo ring magsinungaling nang umayon sa gusto mo ang mangyayari.Ako:
Alam mo naman, sa lahat ng ugaling meron ako, eto iyong mahirap na gawin.Hindi ko alam pero madaling mahabag ang loob ko pagdating sa pagsisinungaling, siguro kahit white lies hirap kong tanggapin. Mas gusto ko pang masaktan at makasakit, maging makatotohanan kaysa nagtatago sa kasinungalingan.
Leslie:
Good luck, andito mismo iyong anak ng may-ari baka mat'yempuhan at matanggap ka. Pinakamabait sa angkan nila, ang dami kong nakausap dito at natanggap ang mga ni-refer nila.

BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...