Kabanata 13

160 5 0
                                    

Tahimik kami ng driver sa harap habang siya ay maya't maya ang katawagan sa cellphone. Iniwas ko ang tingin ko sa driver nang nagsimula na siyang magmaneho matapos maantala sa trapik. We're nearing the building for his dinner meeting. I don't know much about it, at para hindi niya ako mahanapan ng butas ay siguraduhin kong makikinig sa usapan nila mamaya. Pinarada ng driver niya ang sasakyan, sabay kaming lumabas ng driver pero naunahan niya pa rin akong pagbuksan ng pinto si Mr. De Vera. Nasa likod niya kasi itong umupo kaya kailangan ko pang umikot para mapagbuksan siya. 






Inayos naman ni Mr. De Vera ang kanyang suit bago naglakad papasok sa isang revolving door. Hindi ako nakasunod sa kanya kasi ang bilis niyang lumakad. Huminto siya at alam ko na kung bakit kaya nagmadali na akong pumasok at pumantay sa kanya. Nilapitan kaagad siya ng crew, oo siya, kasi kilala siya at iginiya na kaagad siya sa isang private room. Binuntunan ko pa rin siya kahit na parang sasabog ang pantog ko sa pagpipigil. Kailangan ko munang siguraduhin na okay siya, o makarating man lang sa tamang silid kaya hindi ko na ininda pa. 






" Good evening, Mr. De Vera."
Babae ang bumati, kasunod ng isang lalaking may katandaan na. 




Masyado siyang sopistikada para bang sekretarya, at ganoon din naman ang lalaking kasama. Sila yata ang ka-meeting ni Mr. De Vera, bukod sa magkamukha sila ay nagsusumigaw rin ang kayamanan sa aura nila. Matipid ang kilos ng babae, pinong-pino at walang kapintasan. 

 


Gusto ko sanang magpaalam na muna kay Mr. De Vera dahil mukhang hindi pa naman ako kailangan, hindi trabaho ang pinag-usapan nila kung hindi isang trip sa maldives. 





" I am glad, Mr. Chiu, apologies for being late" his serious voice thundered. Natawa ang matandang lalaki habang nakangiti naman ang babae. 





" Ano ka ba naman, it's okay. Papa doesn't have anything to do, so...." the woman answered Mr. De Vera. Umismid ako, hindi dahil sa sinabi ng babae kung hindi dahil sa nararamdaman ko sa pantog. 





Dumiretso ang titig ng babae sa akin, mula sa pagiging pino at sopistikada ay tiningnan niya ako nang puno ng pagtataka. Napansin yata ng matandang Chiu at maging si Mr. De Vera dahil humarap ito sa akin at nakipagtitigan. Para akong na-hot seat nang hindi inaasahan. 


" Hi, good evening. My name's Maria and I am Mr. De Vera's new secretary." Pinakilala ko ang sarili ko, napaubo ang babae pero kaagad ding nakabawi. Para siyang nabunutan ng tinik, ganoon din ang Papa nitong nasa tabi niyang umaalalay. 




" Oh, Rossdale, I didn't know you changed secretaries. Anyway, let's sit and talk about our proposal over dinner." The old man's remark. 



Nasa isang mahabang lamesa sila na may anim na upuan, hindi ko alam kung anong gagawin kaya tumayo lang ako kung saan ako iniwan ni Mr. De Vera. Nagsidagsaan ang mga crew, naglapag ng appetizer habang nagsimula nang magkwentuhan ang tatlo patungkol sa kung ano-ano. Hinintay kong matapos ang crew na maglapag ng huling appetizer, inayos ko ang lakad ko at lumapit sa upuan. Nag-angat ng tingin sa akin ang babae, nagkatitigan kami at para akong nainsulto sa titig na pinupukaw niya.





Nagtiim-bagang ako. Hindi naman ako uupo ah!




Hindi ko sinasadyang mahawakan ang balikat ni Mr. De Vera kaya para akong kinidlatan sa gulat, nakaramdam ako ng kung anong dumalayo sa kalamnan ko. Hindi pa nakakatulong sa mini panic ko nang binalingan niya ako ng tingin. Lumunok ako, nilunok ko ang natitirang hiya at init sa katawan. Yumuko ako nang bahagya, tama lang na magpantay ang lebel namin. Nilapit ko pa ang sarili ko, hanggang sa nakuntento ako sa lapit namin. Humugot ako ng buntong hininga, nakikita ko ang mga titig niya sa gilid ng mata ko, bahagya rin siyang kumilos kaya halos magtama ang pisngi namin. Napaahon ako sa gulat, gusto ko lang naman bumulong! 





" What is it?" naiinip niyang tanong. I cleared my throat, hindi ko yata kayang sabihin lalo pa't hindi lang kami ang naririto at hindi ko rin alam kung tama ba iyon. 




Kaya nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng sasabihin.




Pee break po   




Tatlong salita lamang iyon pero mukhang nahirapan siyang basahin. Umatras ako nang may waiter na pumasok, hindi ko na nakuha ang approval niya, hindi ko na rin kaya pang lumapit kaya lumabas na lang ako ng silid. Nabasa niya naman na ang message ko, sapat na iyon. Bibilisan ko na lang para maabutan ko ang usapan nila patungkol sa negosyo. 





A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon