Kabanata 7

203 6 0
                                    


I was so clueless. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sumagot dahil binabaan na ako ng tawau!




Teka?! I was asked to report?! Saan?!





Tila nilipad ng hangin ang sakit ng ulo ko, napatayo ako at chineck ang email ko. Mayroon nga akong natanggap na email at nagsasabing 'hired' ako! Saan ako na-hire? Paanong nangyari iyon?! Nag-check na rin ako ng mga messages at calls, nakita kong ilang beses tumawag ang numero at may iilang messages akong natanggap. Isang message lang doon ang nireplyan ko.




Leslie:
Maria! Hinahanap ka rito, naghahanap ang supervisor sayo!




Leslie:
Lagot ka na naman kay Ms. Rachel!





Me:
Teka nga, hindi ko alam! Anong ibig sabihin ng mga text messages at tawag nila? Hired daw ako, totoo ba?!






Hindi siya nagreply bagkus ay tumawag siya.





"Oo, hindi ko rin alam. Bilisan mo na lang nang makapagpaliwanag ka!." Bungad nito sa akin.






Napakamot ako ng ulo at nataranta na rin.






"Pero..." hindi ako makahanap ng tamang salita para sa nararamdaman ko.





"Bilisan mo na lang, sge na. I have to work. See you!."Tsaka niya ako binabaan ng tawag.









Kahit hindi alam kung anong nangyayari ay kumilos pa rin ako. Paano kaya ako na-hire nang ganoon na lamang? Ang sagwa pa ng inasal ko! I did my shower routine, inabot pa ako ng siyam-siyam sa pag-aayos dahil hindi ko alam anong susuotin. Anong trabaho ko?! Sa huli, pinili ko ang black pencil cut skirt, pink sleeveless silk top, at nagsuot din ako ng itim na blazer. Hinanap ko at sinuot ko na rin ang two inches nude stilettos ko. Ang mahaba kong buhok ay nakalugay pa dahil medyo basa pa, hindi na ako nag-abalang magplantsa at blow dry dahil mukhang kanina pa akong late!




I am good to go!





Saka lamang ako natauhan nang bumiyahe na. Anong oras na, ito ba ang oras ng pagpasok?! Hindi ko alam! Baka?! Abot-abot ang tahip ng puso ko, lumapit ako sa front desk at nagtanong kung saan ba dapat ako magrereport. She even asked for my name na kaagad ko naman ibinigay. She told me to visit the HR office.







Tinanong ako ng elevator girl kung anong floor ko. Sinabi ko kung saan ang floor ng HR office, mukhang kahaharapin ko si Ms. Rachel. Nag-ipon na rin ako ng lakas at bumuo ng posibleng senaryo sa aking isipan. Lumabas ako ng elevator nang nasa tamang palapag na, sumalubong kaagad sa akin ang isang bukana ng isang silid. May nakaukit sa concrete na pader.





D.V C Inc. Finance Department.






Tinulak ko ang malaking glass door, tiningala ko pa iyon dahil masyadong mataas. Sinalubong ako nang malamig na hangin pagkabukas at kaagad kong natanaw ang maraming cubicles. Iilang nagtatrabaho ang nag-angat ng tingin sa akin at ang ilan naman ay nagpatuloy sa kani-kanilang gawain.





Is this the place where I'll work?!







Napakagat ako sa labi! Hindi ako pupwedeng magpahalata na masyado akong excited! May nakaka-excite ba sa ginawa ko kahapon?!








"Are you Miss Monteverde?." A guy neared me. I read his name tag.






He is the supervisor! Kaagad naman akong tumungo.





A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon