Para siyang walang narinig mula sa akin. Nakatayo lang siya at hindi na nagsalita pa. Nakikiramdam siya sa akin, pakiramdam ko ayaw niyang magsalita dahil natatakot siya. Natatakot siya sa kung anong gagawin ko pagkatapos. Masakit na ang paa ko kakatayo sa harap niya, hindi ko alam kung paano siya iiwasan ulit, hindi ko rin alam kung ano pa bang salita ang kailangan kong sabihin para lang umalis siya at iwan ako rito.
Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya. Hindi niya iyon sinagot matapos ang dalawang tawag pero sa pangatlong tawag ay hindi na siya natinag pa at sinagot niya na iyon. Hindi niya pa rin pinuputol ang titig niya sa akin kahit na ang kaliwang kamay niya ay may hawak ng cellphone at nasa tainga niya ito. Ako ang umiwas sa aming dalawa, nagpasya akong maglakad palayo sa kanya, hindi ko nga lang magawa nang tuluyan dahil nakasunod siya sa akin. Huminto ako at gan'on din ang ginawa niya.
" Yes, I'll be there," His voice was cold when he answered the call. The call wasn't long, he remained silent after the short call.
Naririnig ko ang mabibigat niyang hininga at ang bawat paghakbang niya kapag nagtangka akong humakbang. Sa huli ang mga iyon ay nawala rin at wala rin siyang sinabi nang lumisan siya. Tama naman iyon, tama ang ginawa niya. Ang hindi tama ay ang makaramdam ako nang ganito.
Wala na siya nang lumingon ako sa gawi niya, tanging pagmarka ng kanyang sapatos sa buhangin ang nakita ko. Bumalik ako sa pinanggalingan ko, bumalik ako sa kung saan ko nakita ang mga bata at umupo sa bato. Hindi niya iniwan ang sapatos ko, hindi ko iyon nakita sa kahit saan kaya napagtanto kong bitbit niya pa rin iyon.
Binaba ko ang handbag ko sa buhangin, ang iPad ko naman ay pinahiga ko sa buhangin. Nanatili ako r'on at inabala na lamang ang sarili sa pagbabagong kulay ng kalangitan. Ayaw ko sanang isipin ang nararamdaman ko pero hindi ko kayang iwasan ang sakit na nararamdaman sa puso ko.
Maraming beses na akong nasaktan at kapag nasasaktan ako ay hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa puso ko. Ang sakit na ito ay kakaiba, para akong tinutusok ng kung anong matalim na bagay sa puso ko at bukod sa panunusok ay nararamdaman ko rin ang pag-iiba ng hininga ko. Mababaw, mahina at masakit.
Naging ganito ba ako n'ong gabing hiniwalayan ako ni Geoven? Did I feel this pain?
I never felt this pain.
Kumunot ang noo ko nang unti-unting dumilim ang paningin ko. Mula sa makulay na kalangitan ay napalitan iyon ng kulay itim. Ipinikit ko ang mga mata ko nang mariin bago ako dumilat. Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi. Akala ko ang madilim na nakikita ko ay dahil sa paningin ko pero hindi. Rumihistro ang mukha ni Mr. De Vera sa harapan ko, nakaluhod siya sa buhangin at sobrang lapit sa akin. Sa gilid niya ay isang pares ng tsinelas. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Nginitian niya ako bago niya ibinaling sa ibang bagay ang kulay abo niyang mga mata. Kinuha niya tsinelas at hindi iyon akin.
Kinuha niya ang kanang paa ko, napapitlag naman ako r'on at hindi nakaiwas. Nang igalaw ko ang paa ko para mabitawan niya ay mas lalo niya lang iyon hinawakan at pinuwesto sa hita niya. Nanigas ako sa batong inupuan ko, kinagat ko rin ang labi ko para pigilan ang sariling suminghap.
" I am sorry," panimula niya. Hinaplos niya ang paa mula sa binti na may kaunting buhangin hanggang sa talampakan ko. Matapos niyang alisin ang mga buhangin ay iginiya niya ang paa ko para sa kaliwang pares ng tsinelas.
Ginawa niya rin iyon sa kanang paa ko, ibinalik niya iyon sa pwesto nang natapos siya at akala ko ay tatayo na siya pero hindi. Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko at diretso ang titig sa akin.
" Hontōni mōshiwakenai, Maria." Umawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko man naiintindihan pero alam ko kung anong lenggwahe iyon.
He sounds so perfect, he sounds like he's a master of the language he spoke. Nihongo...
" Please allow me to express my feelings. I am not normally romantic. I don't know how love works." Mas lalong pa akong napanganga dahil sa sinabi niya.
" W-What do you mean?" tanong ko. What's the meaning of this?
" It may sound crazy, but I am smitten and fucking in love with you," napatayo ako dahil sa narinig. Hinawakan ko ang puso ko dahil bigla na lamang itong kumabog. Nagwawala ang puso ko dahil sa nakakahilong salita ni Mr. De Vera.
" What? Are you kidding me?" bulyaw ko. Nakatayo na ako at tiningnan siya nang galit na galit.
He looked at me, and his eyes were still the same. It didn't change, and his emotions remained the same.
Pinaglalaruan niya ba ako? Is he after something? ano naman iyon?! Maria, he is kneeling in front of you! He is acting so strange too! And those kisses—what are they for?
" This is stupid!" He looked at me calmly. He didn't get hurt by my statement. He felt calm like he understood my sentiment.
Nanatili siyang nakaluhod habang ako ay hindi mapakali. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko , kaagad kong iniwas iyon dahil hindi ko alam kung para saan pa.
" Maria, did you forget our first meeting?" he asked. Mas lalo ko siyang tiningnan nang maririin dahil hindi ko iyon nakalimutan pero hinding-hindi ko aaminin!
" No, hindi kita kilala! Nakilala kita dahil empleyado mo ako at boss kita. Other than that, wala na. Wala na akong alam sayo!" Singhal ko. Nagtiim bagang siya dahil sa sunod-sunod kong sinabi.
"I thought you and Gio were related! But when I visited his unit I didn't see your face in his family photo!" I recalled what I saw that night.
Nasundan pa ng sunod kong punta n'ong hinatid niya si Gio sa condo nito. Paano siya makakapasok d'on kung hindi niya kilala si Gio! Anong relasyon nila? I want to remind myself na hindi ko siya kilala. Kailanman ay hindi. Sa mga De Vera si Giovanni lang ang kilala ko at maging si Gio ay hindi ko gan'on kakilala.
"How can you tell that you are in love with me kung lagi kang nagsusungit sa akin? You are always mad!" Kumunot ang noo niya at makaraan ang ilang segundo ay dahil sa napapaangat ang gilid ng labi niya sa tinatagong ngiti.
" Anong nginingiti mo riyan, Mr. De Vera?" mas lalo lang lumapad ang ngiti niya kaya mas lalo kong pinatalas ang tingin ko sa kanya.
" Let me talk, okay?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
" Please?" there, ginamitan na ako ng letseng please na iyan!
Pumikit ako bago tumango. Dumilat lang ako nang hinuli niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Sinalo niya ako at kung kanina ay nakaluhod siya ngayon naman ay nakaupo na kaming dalawa. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, ang bilis niyang kumilos.
" Bakit kailangan ganito?" puna ko dahil pwede naman akong umupo sa buhangin at hindi sa lap niya!
Nakatalikod ako sa kanya dahil sa pagkakaupo ko sa kandungan niya. He is very large and I am so small like an egg!
Niyakap niya ako, hawak niya ang dalawang kong kamay at niyakap niya iyon sa akin. Nasa harapan ko ang mga kamay namin. Pinagmasdan ko ang kalakihan ng kamay niya, sobrang liit ng kamao ko sa palad niya.
" Hinanap kita, iniwan mo ako." He started again.
Nakinig ako sa mababa niyang boses. He is very close to me. Sa sobrang lapit niya ay ramdam na ramdam ko ang init na bumubuga sa bibig niya. I didn't notice that he change his clothes, ganoon ba ako katagal na mag-isa kanina at hindi ko na pansin ang oras. Pinagdikit ko ang mga binti ko, dinikit niya naman ang mahaba niyang binti sa akin. He is in his comfortable clothing again. I noticed that he likes wearing baggy clothes. His wearing a short sleeves black T-shirt, he paired it with his baggy trousers. Bagay sa kanya, he looked like those Japanese, Korean and Chinese men.
Tiningnan ko ang kutis niya, maputi na ako pero mas maputi talaga siya kaysa sa akin. Ngumuso ako. Lahat na lang ng sinabi ko ay magaganda! Pinupuri ko yata siya?!
" Honey, are you listening?" napapikit ako. Halata na bang hindi ako nakikinig? halata na bang lumilipad ang isip ko sa papuri sa kanya?
" I'm listening, go on." Dumilat ako at tumingin sa malayo. Maalon ang dagat pero hindi naman gaano kalakas. Maliliit lamang ang mga iyon.
" You left me in our room." Ngumuso ako at inalala ang nangyari kanina. Hindi ko naman siya iniwan, nauna lang akong kumilos.
" You were still sleeping at nasa labas lang naman ako ng kwarto." Paliwanag ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay nang matapos akong magpaliwanag.
" No, not this morning." He replied.
" Hmmm?" why does it feel so right? Why his small touches make my heart flutter?
Nagsimula siyang magkwento ng nangyari sa amin nang gabing iyon. Tahimik ako habang nagkukwento siya kung paano nangyari ang lahat.
" You are so sexy that I can't resist you. I tried stopping myself, but I just can't. You are so lonely and yet so hot." Pinaghiwalay niya ang kamay naming dalawa, kinuha niya ang kanang palad ko at hinaplos iyon. Gumuhit siya ng bilog sa palad ko.
He is physically attracted to me at hindi na iyon bago para sa mga lalaki kapag nakakakita ng babaeng katulad kong manamit." What happened to you that night?" he asked. Umubo ako dahil hindi ko yata kayang sabihin ang dahilan.
" May problema lang," sagot ko. Naramdaman ko ang paglapit niya. May bakanteng espasyo pa ba?
" Like what? tell me, I want to know." Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Mabuti at nakatali ang buhok ko kaya hindi iyon naging sagabal sa kanya.
Humugot ako nang malalim na hininga...
" love problem.. I got dumped.." Amin ko, sinulyapan ko siya. Hindi ko siya makita pero ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa ibabaw ng damit niya na suot ko.
" Sorry, but I want thank that guy for dumping you." Hinampas ko ang braso niya dahil sa naging sagot niya.
" You are only mine," he added. This time, he became more serious.
Umiling ako dahil hindi iyon totoo. Kung ano man itong nararamdaman niya ay mawawala rin iyon kalaunan.
" I belong to myself, no one owns me." Humigpit ang yakap niya sa akin. Wala na, para na akong naiipit sa sobrang higpit n'on.
Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nagkaroon ako ng maraming kaisipan, marami at gusto ko ng sagot. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya inayos ko muna ang lahat at pinili ko ang importanteng malaman.
" Tinanggap mo ba ako sa trabaho dahil nakilala at naka-sex mo ako?" bumigat ang hininga niya nang narinig ang una kong tanong.
kasi hindi naman sekretarya ang sadya ko. Kung siya ang boss ko at natanggap ako sa isang trabaho kahit hindi naman ako fit, ay talagang pag-iisipan ko siya nang masama. Kaya gusto ko ring malaman ang dahilan.
" I told you, I am in love with you. Hinanap kita sa buong syudad pero I can't find you. Ang huli kong nalaman ay ang pag-alis mo." Sagot niya, he is telling me this to believe him. Pero imposible iyon!
In love kaagad? gan'on?! Love at first fuck ba?!
"I can't forget that night, your name kept on my mind like an untold secret. The more I think of you, the more I become crazy." Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa paninikip nito.
Masakit ang tibok, mabagal at para akong sinaksak. Sa kanya ko lang ito naramdaman! Sigurado ako.
"Kung love mo nga ako, bakit lagi kang galit? You won't let me out and you even planted one bodyguard." Ngumuso ako at ibinalik sa braso niya ang kamay ko. Hinaplos ko ang maputi niyang braso.
Kinain ko lahat ng sinabi ko. Naalala ko na sinabi kong hindi ko siya magugustuhan pero kung ganito kabaliw ang puso ko ay mukhang dehado ako.
" Yes, I am mad. I am mad because I was so busy looking for you, and there you are, having your precious time with Gio." Napapaos ang boses niya nang sagutin ang tanong ko.
Tumingala ako, dumidilim na ang kalangitan at naglaho na rin ang kulay kahel sa langin.
" Maria, I want to know you more. I want to be part of your life. I want to spend my days with you in my office." His hoarse voice sounded like sweet music to me.
Ayaw ko pa sanang umalis sa kandungan niya, ayaw ko pang putulin ang magandang pag-uusap na ito pero kasi umaabon na at kung mananatili kami rito ay talagang mababasa kami.
" I can't... I have a complicated life." Sagot ko, walang mga bituin sa kalangitan at ang ambon ay sunod-sunod ang patak.
"I want your complicated life. I want it, Maria Yngrid Monteverde." After saying them, he planted small kisses on my shoulder, he went slowly until his kisses reached my neck... until it reached my nape.
Tumindig ang balahibo ko, malamig ang paligid pero para akong sinilaban ng apoy sa tindi ng nararamdaman ko.
" I want you in my life.." He whispered on my nape.
As much as I want him.. I just can't...
Can he deal with my... life?
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...