Kabanata 23

138 4 0
                                    

The formality of these men makes me uneasy. They talk professionally and it has been hours since they started their extensive meeting. Hearing their exchanged proposals makes me think that they are not only rich for nothing. The goal of this meeting is to discuss their new resort project. It is an extension of Dela Victoria and Lazzaro's beach resort.





Habang nakikinig sa isang Vietnamese engineer ay hindi ko naman napigilan ang sarili na maglakbay. Pagkatapos kasi ng batian ay dinala na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Wala silang trabaho na pinag-usapan, nagkwentuhan sila ng kung ano-anong bagay habang nasa loob kami ng elevator. Ang apat na lalaking kasama ay nagkakaintindihan habang kami ni Miss Klariyah ay tahimik sa likod. 





" Is Stacey here?" mahina ang boses ko nang tinanong ko si Klariyah. Kumunot ang noo niya at makalipas ang ilang sandali ay ngumuso ito bago sumagot. 




" No, you're friends?" she asked back. I nodded, we're friends but not best friends. 



" Oh, that's nice." Naputol din kaagad ang usapan dahil tumunog na ang elevator. Naunang lumabas ang apat, pianuna ko naman si Klariyah at hindi pa man siya nakakalabas ay naglahad na ng kamay si Dexter.  



" Come here, baby." Kinuha naman iyon ni Klariyah. 


baby?


Namula ang pisngi ko, kinahihiya ko na ako pa ang kinilig sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko para akong nasa isang pelikula. I've never seen this kind of sweetness. My ex-flings are too sweets too but this one is genuinely sweet. 






Natulala ako sa kanilang dalawa at kung hindi pa napigilan ni Mr. De Vera ang pagsara ng elevator ay talagang magkakaroon ako ng elevator trip. Natauhan ako at kaagad nang lumabas, hindi ko pinahalata ang gulat at katangahan ko. 





Hindi ko napansin na wala na sina Dalton at Eric, natanging magkasintahang Dexter at Klariyah ang kasama namin ni Mr. Lazzaro habang binabaybay ang kahabaan ng hotel floor. Sobrang lawak ng hallway, ang bawat pintuan ng hotel room ay nagsusumigaw nang karangyaan. Ancient and contemporary ang tema, very elegant. 




Huminto ang tatlo, gan'on din ako na nakasunod lang sa kanila. Tiningnan ko ang pintuan ng kwarto na hinintuan nila. 




Room 508.




" Mr. Miyazaki, this will be your room, I will assigned personal room attendants to keep your stay cool and relax." Mr. Lazzaro said. 



Who's Mr. Miyazaki?




I heard Mr. De Vera answered, after awhile may dumating na mga kalalakihan dala ang mga luggages namin ni Mr . De Vera. Parehong naka-uniporme at sa palagay ko mga bellhop ng hotel. Ang isa ay nakatayo sa room 508 at ang isa ay nasa pinaka-unaha, tatlong metro ang layo. Natanto kong luggage ko ang hawak ng lalaki. 




" Here's your key card, Mr. Miyazaki and here are your personal room attendants. Call their line when you need anything," Mr. Lazzaro spoke again. Tinuro niya ang nakahilerang apat na room attendant sa likuran.  




Gumilid ako dahil tinawag ang mga kababaihan para ipakita kay Mr. De Vera. 



" Konbanwa, Mr. Miyazaki," the four ladies said in chorus. It was a familiar greetings. 



They bowed their heads. " Good evening, thank you ladies." Mr. De Vera answered.



Are these ladies Japanese? They have Japanese clients, and they used to greet them this way? Mr. De Vera might look like a Japanese, but he's Filipino, I think?



Napalunok ako nang naisip ang matagal ng bumabagabag sa akin. What will happen to him in his room with this four ladies?



" You can get into your room while we're settling your secretary into hers. Enjoy your stay, Mr. Miyazaki." Sabay na tumungo ang lahat sa harap ni Mr. De Vera kahit pa ang magkasintahang Dexter at Klariyah. Pagkatapos n'on ay tinawag nila ako kaya sumunod naman ako sa kanila, naiwan si Mr. De Vera kasama ang apat na babae. 




Papasok lahat ng iyon sa kwarto niya? anong gagawin? apat talaga? gaano ba kalaki ang kwarta at kailangan apat ang paglilinis n'on? kailangan ba linisin sa ngayon?  

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon