Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganitong pakiramdam, pakiramdam na panatag kahit samut'sari ang nasa isipan. Ayaw kong malaman ang dahilan ng ito, ayaw kong maramdaman ang bagay na ito. This feeling is very foreign... I've never felt this before and even without analyzing what it is, I knew what will happen. It'll only hurt my heart, it'll break me into tiny pieces. I just know...
Sumunod ako sa lahat ng inutos sa akin, sinubo ko ang pagkain na binili niya, kinain ko lahat dahil ayaw kong magtira at masayang ang effort niyang pakainin ako kahit hindi naman dapat. Hindi na ako kumibo matapos niyang kumalas sa yakap ko at hindi na rin siya nagtangka pa, siguro natauhan na rin siya sa ginawa niya, siguro naisip niyang mali iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero mali kasi iyon. Mali dahil boss ko siya at isa pa walang matinong tao ang manghahalik nang basta-basta at wala rin namang tangang tao ang magpahalik nang ganon-ganon na lang.
Pareho kaming mali!
He didn't book us ticket for our flight, he just asked me to prepare at tinanong niya rin ako kung may masakit ba sa akin o may fear ako sa eroplano and some sort of things. I answered no without saying any words, I just nod my head for a yes and shake my head for no's.
He has his luggage, one medium size luggage, kasalungat ng akin na kulay rosas at animo'y pupunta ng abroad sa laki ng maleta. Minandohan niya ako, maya't maya ang turo ng mga daliri niya para sa kung ano-ano, bukod sa akin ay may tatlo pa siyang kasama na hindi man lang lumalapit sa amin. Laging dalawang metro ang layo nila kay Mr. De Vera. Pagsapit ng alas sais ay tumulak na kami, akala ko baba kami sa lobby o 'di kaya sa basement. Sumunod ako sa kanya, nauna na ang dalawang lalaki at ang isa ay nasa likod ko, dalawang metro ang layo. Papalapit na kami sa pintuan ng rooftop nang naririnig ko ang ingay sa labas, masakit iyon sa tainga at malakas ang hangin na nanggaling r'yon. Umawang ang labi ko nang makita ang isang chopper, binati kaagad si Mr. De Vera, tinanguan niya lamang ito dahil may kausap siya sa cellphone. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya inabala ko ang sarili ko sa cellphone, alam kong hindi pa kami aalis dahil may kausap pa siya kaya tinext ko na lang si Luis para ibalita na mawawala ako ng isang buwan para sa trabaho. Hindi ako nagtext kina mama dahil may tampo pa ako sa huli kong nalaman, pinili ko ring hindi muna sila kausapin dahil baka maapektuhan ang trabaho ko dahil sa emosyon ko. Pagkatapos ng trabahong ito ay binabalak kong umuwi sa amin para klaruhin ang bagay na ito sa kanila.
Tumawag si Luis, narinig iyon ni Mr. De Vera at kahit may kausap siya ay binalingan niya pa rin ako. Ipinakita ko ang cellphone ko, tinanguan niya ako, hindi ko alam kung okay ba dahil may pagkunot ang noo niya nang humarap sa akin. Para siyang may malaking problema dahil kanina pa abala.
" Nagtalo raw kayo ni Leslie?" bungad ni Luis. Bumuntong hininga ako bilang sagot, alam niya na kaagad at hindi ko alam kung paano niya nalaman.
Hindi iyon sasabihin ni Leslie, ayaw niya nga akong mangialam tapos sasabihin niya. Kung nalaman man ni Luis ay baka malakas lang talaga ang radar niya sa away naming magpipinsan.
" Petty things, dahil lang sa car.." Sagot ko, wala na akong ibang rason, ayaw ko nang lumaki pa ang away namin ni Leslie.
" Bakit? she has her car, what's the matter?" hindi talaga siya basta-bastang naniniwala.
" Ah, baka kasi hanapin ni Tita, eh mawawala ako nang isang buwan." Natahimik siya nang ilang segundo." I asked her to drive Tita's car home, na-istorbo ko sa trabaho kaya nagkasagutan kami." Dugtong ko.
" Ako na magsasabi, leave the car there para pagbalik mo hindi mo ako gambalain." Tumango ako na para bang nasa harap ko lang siya.
" Wala kana bang tanong? aalis na ako, mawawalan ako ng signal ah. Kapag tatawag sina mama sabihin mo nasa isang business trip ako. Ikaw na bahala." Hindi ko alam kung maniniwala siyang walang signal pero n'ong nagsalita siya ay napagtanto kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
Malakas ang pakiramdam ni Luis, masyado niya akong kilala, masyado niya kaming kilala dahil kaagad niyang nalalaman kapag may mali sa amin. Kahit wala pa man akong sinasabi ay basang-basa niya na ang nasa isipan ko.
" Mag-enjoy ka, huwag kang masyadong magpapagod sa trabaho. Life is too short, Maria" Nagpaalam siya matapos niyang sabihin iyon.
Huminga ako nang malalim at pumihit na para makabalik sa rooftop pero pagpihit ko ay may halimaw nang naghihintay sa akin. Nakahalukipkip siya at bahagya nakasandal sa pintuan ng rooftop. Kunot ang noo niya, hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na kanina pa siyang nakatayo.
" S-Sorry," agap ko. Tumango siya pero pareho pa rin ang emosyon na binibigay sa akin.
" Let's go," he said, nagtiim bagang siya matapos sabihin iyon. Akala ko aalis na siya at mauuna na sa paglalakad. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa, naglakad siya palapit sa akin bago niya pinadausdos ang kanang kamay niya sa braso ko hanggang sa umabot sa maliit kong palad. Hinawakan niya iyon at wala nang sinabi pa, naglakad siya at dahil hawak niya ang kamay ko ay wala na rin akong nagawa kung hindi lumakad at magpatianod sa kanya.
Hindi ko siya kilala, ang alam ko ay boss ko siya at ang alam ko ay mayaman siya bukod d'on ay wala na akong alam. Ako pa kilala niya? pareho kaming estranghero sa isa't isa, hindi ko nga alam kung naalala niya pa ba ang huli naming pagkikita, kung naalala niya ba ang ginawa namin, kung naalala niya ba kung paano niya ako binaliw.
Hinarap niya ako matapos bitawan ang kamay ko, naramdaman ko kaagad ang lamig ng gabi kaya pinagdikit ko ang palad ko bago kiniskis sa isa't isa. Bumuga rin ako ng hangin sa pagitan ng palad ko. Hindi ko alam kung alin ang nagpalamig sa akin, kung ang panggabing hangin o ang nararamdaman ko.
Hinintay ko ang sumunod niyang gagawin, hinintay ko siyang makasakay ng chopper bago ako sumakay pero hindi iyon ang nangyari. Napatulala ako sa harap niya nang hinubad niya ang suot niyang windbreaker, kumilos ako para pigilan siya pero mas malakas siya sa akin kaya kahit anong protesto ko ay walang-wala iyon. Sinuot niya sa akin ang kulay itim niyang windbreaker, ang itim niyang pang itaas ay nagsusumigaw nang karangyaan. May pamilyar na brand na nakaukit d'on at kahit na sa tingin kong malaking size iyon ay parang sasabog na sa laki ng braso niya. He is manly, he became manlier in his basic black top and his black jeans.
" Nilalamig ka, you should wear this." Hinuli niya ang malikot kong mga mata. Iniwas ko ang titig ko sa kanya at tiningnan na lang ang kalangitan. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa suot kong windbreaker bago niya iyon binitawan at inalalayan akong sumakay ng chopper.
Nawalan ako ng balanse at dahil d'on ay muntik pa akong mahulog. Kung hindi lang ako inalalayan ni Mr. De Vera ay paniguradong gasgas ang aabutin ko.
" Careful, please." I heard him. Hindi ko na maayos pa ang isipan ko dahil nagkabuhol-buhol na iyon. Mas pinag-isipan ko ang mahigpit na hawak niya sa baywang ko.
What the fuck is my problem?! Nawawalan ako ng sense of direction...
Sumalampak ako sa upuan, kaagad naman siyang umupo sa tabi ko at kahit para akong wala sa sarili ay nakakailag pa rin ako sa tuwing dumidikit ang balat namin sa isa't isa. Busy siyang makipag-usap sa piloto, may kung ano siyang pinag-uusapan at bago pa man magsimula ang piluto ay may sinuot na siya sa aking headphones. Akala ko yayakapin niya ulit ako pero noong nakita ko ang paghila niya sa seatbelt ay para akong nanlumo. Tumungo ako at pumikit, shit na iyan! Ano bang nangyayari sa akin at iniisip kong yayakapin ako?!
Nagsalita muli ang piloto at sumasagot ang nasa tabi ko dahil nakikita ko ang kibot ng labi niya pero, rinig ko naman ang piloto dahil sa headphone ko pero para akong walang naiintindihan. Ang tanging nakikita ko ay ang pino niyang kilos, ang bawat galaw ng katawan niya at ang maya't maya niyang paglingon sa gawi ko. Pinagsalikop ko ang mga palad ko at nagdasal na sana makalimutan ko nang panandalian ang nangyari. Ayaw kong maging okupado ang isipan ko dahil sa sariling nararamdaman. Pagkatapos kong magdasal para sa kaligtasan namin at para sa malinaw na kaisipan ay sinubukan ko nang tanawin ang mailaw na tanawin.
Akala ko maging mapayapa ang biyahe namin dahil sa pagdarasal. Hindi nangyari ang gust kong mangyari dahil ang kamay kong nagpapahinga sa hita ko ay kinuha ng taong nasa tabi ko. Tinalunton ko iyon at tiningnan ang ginawa niya. Ngumiti siya sa akin at kahit malapad na ang ngiti niya ay hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pinagsalikop niya ang mga palad namin, tiningnan ko iyon at kahit ayaw ko ng nararamdaman ko ay unti-unti na rin akong nadadala. Hinayaan ko siyang humawak sa akin, iniisip ko na baka siya ang may tinatagong fear sa aming dalawa dahil tensyunado siya. Pinisil ko ang palad niya bago ko siya nginitian.
" It's okay," I mouthed. Binalik ko ang tingin ko sa tanawin at in-enjoy na lang ang buong biyahe habang magkahawak kamay kami at tinutulungan ang isa't isa para hindi mangamba.
Mahaba ang naging biyahe namin, alas sais kaming umalis at alas siyete naman kami dumating. Sinulyapan ko siya nang binitawan niya ang kamay ko, kinagat ko ang labi ko nang nakita nasa isang rooftop kami ng isang building. Hindi ko napansin iyon dahil nakaidlip ako sa biyahe.
May nakita akong tatlong lalaking at isang babaeng nakatingin sa amin, bumaba si Mr. De Vera at kahit malakas ang pagkakabigkas ng bati sa kanya ay hindi niya pa rin iyon pinansin. Bago siya bumaba ay tinanggal niya ang seatbelt at headphones ko at ngayon naman ay naglalahad na siya ng palad sa akin. Mabilis ko iyong hinawakan, ang akala ko ay aalalayan niya lang ako pero nagkakamali ako. Hinawakan niya ako sa baywang at bago pa man ako magpumigla ay pumasaere na ako. Kinagat ko ang labi ko para iwasan ang sariling makapagsalita ng kung ano-ano, pinagmasdan ko siya at nakita ko namang seryoso siya sa ginagawa niya.
Nilagay ko sa bulsa ng jacket na suot ko ang mga kamay ko para hindi niya na ulit hawakan, tiningnan niya naman ako bago siya naglakad palapit sa apat na taong naghihintay sa kanya.
" Good evening, Mr. De Vera." Bati ng isang lalaki. Nagkamayan sila at nagkamustahan. Ayun sa narinig ko ang mga lalaki ay sina Dexter, Dalton at Eric. Ang babae naman ay pinakilala bilang Klariyah. Akala ko r'on nagtatapos ang pagpapakilala nila sa isa't isa.
Hinawakan ni Mr. De Vera ang braso ko at hinarap sa mga kausap. Naglipat-lipat ang tingin ng apat sa akin at kay Mr. De Vera.
" Hello, good evening po. I am Maria, I'm Mr. De Vera's secretary." Pagpapakilala ko, hindi ako naglahad ng palad para sa pakikipagkamay. Pinagsalikop ko ang mga palad ko bago tumungo at nagbigay galang sa kanila. Pag-angat ko ng tingin ay naglahad ng kamay ang isa sa lalaki.
" I'm Dalton Lazzaro, and it's my pleasure to see you again here, Miss Ria." Pinilig ko ang ulo ko at inalala ang pamilyar niyang mukha.
Napabilog ang labi ko nang maalala ko kung sino siya, siya ang kasama ni Stacey n'on.
" Hi, it's my pleasure too!" sagot ko, nakangiti na ngayon dahil kahit papaano ay may nakakakilala sa akin.
I want to ask more, gusto kong malaman kung narito ba si Stacey. Nagkatitigan pa kaming dalawa, naglahad siya ng palad sa akin at nahihiya man akong tanggapin iyon ay tinanggapa ko pa rin. Bahagya ko pang pinunasan ang palad ko bago akmang aabutin iyon, hindi man lang nagdikit ang dulo ng daliri namin dahil tinabig ni Mr. De Vera ang nakalahad na palad ni Mr. Lazzaro. Hinigit niya ako sa braso at nilagay sa likod niya, tumingkayad ako para makita pa rin si Dalton pero mas matangkad siya kaya sumuko na rin ako.
" Stop being possessive, Mr. Miyazaki." I heard their hard laugh when someone mentioned it.
Nakatalikod si Mr. De Vera at hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagharap. Namumula ang mukha niya sa kahihiyan o galit, hindi ako sigurado basta ang alam ko ay isa itong panibagong emosyon mula sa kanya. Halata ang mapula niyang pisngi dahil sa kaputian niya, maputi na ako pero mas maputi siya sa akin.
I am not attracted to someone who has this complexion, but I guess my tastes change. People change, feelings change, and so do I.
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...