Hot tears roll down my cheeks as I closely look at the clouds near my seat. This is a wonderful scenery however it makes my heart hurt. The clouds look peaceful, it can actually give me satisfaction upon seeing, however, I cannot feel it. The situation I'm bound to is breaking my heart into pieces.
I cannot return back the time, I can't just tell Papa about what's bugging me. Gusto kong bumalik, ayoko silang sundin pero wala akong magagawa. Nilalabanan ko ang sariling paninindigan sa tunay na gusto.
" I hope you'll grow by then, mag-iingat ka palagi, Maria. Lagi ka ring tumawag, ano?." Paalam ni Mama, tumango ako bago siya niyakap.
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto nila akong makipagsapalaran sa buhay, hindi naman kami naghihirap. Wala na silang pinapaaral, walang sinusustentuhan at wala pang mga apo na inaalagaan sa bahay para pagtulakan akong umalis.
Ma, ayoko pong umalis.
Hindi ko iyon naisatinig, ang pagdadalamhati ko ang mas nangibabaw. Malapad ang ngiti ni mama nang tumulak ang sasakyan, batid kong hindi niya kami kita ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagkaway. My papa is on the passenger seat, I'm on the back with my luggages, at sa tuwing nakikita ko ang mga bagahe para akong sinasampal ng katotohanan na ayaw nga akong manatili ng mga magulang ko. Wala na yatang laman ang kwarto ko dahil sa kagustuhan nilang dalhin ko ang lahat ng importante.
Ihahatid ako ni Papa, patungo kaming south kung na saan ang hometown ng papa ko. Halos lahat ng pamilya niya'y naroroon. Titira rin ako sakanila at magpapalamon. Hindi ko alam kung bakit ganitong solusyon ang nakikita nila para sa akin at hindi naman masamang mawalan ng trabaho dahil wala naman akong ginawang masama at hindi ako naging pabigat.
Siguro nga mas importante sakanila ang reputasyon ng pamilya, sa aming magkakapatid ako lang ang walang trabaho, sa aming magpipinsan ako ang pangalawa sa pinakabata at bukod doon ako rin ang nag-iisang walang trabaho sa dugo namin. Ganon ba talaga? Gaano nga ba kasama tingnan ang isang taong walang narating sa buhay kumpara sakanila? Nakakasira ba iyon? Nadudungisan ko ba ang magandang reputasyon nila dahil sa wala akong trabaho? O dahil sa trababong meron ako?
My papa is on the other side of the airplane, I;m on the window side kaya malakas din ang loob kong tumangis sa kabila ng pagiging matapang ko sa harapan nila. The woman besides me probably think that I am mad for crying, naririnig ko lang ang tikhim niya sa bawat singhot ko.
After minutes of crying we arrived at the airport. Papa didn't notice what's bugging me, nagsuot din ako ng salamin para takpan ang matang namumula gawa ng iyak. Mahirap nang masabing parang bata, parang inagawan ng kendi kung umiyak. We didn't wait much longer, pagkalabas lang namin ay marami na ang kumaway. Namukhaan ko si tito Cristoff.
Buong angkan ata ng Monteverde ang sumundo sa amin at nakakahiya iyoon. They're welcoming at hindi ako magsisisi na uuwi rito, hindi ko lang gusto ang dahilan ng pagbalik ko rito kaya ako nagdadalamhati.
"Welcome home, jobless cousin." Malapad ang ngiti ni Luis, Katrina, Leslie, and Stephie. Pinandilatan ko ng mata ang pinsan kong sumigaw noon kahit hindi nila iyon nakikita dahil sa salamin ko.
"Is that how you welcome a precious jobless jewel?." Ngisi ko, pilit na nilalabanan ang kahihiyaan. Alam ko namang wala silang ibang ibig sabihin kung hindi mang-asar.
Naghagalpakan sila ng tawa bago ako hinagkan, niyakap ko sila isa-isa, tumagal naman ang yakap ko kay Stephie. Binati ko rin ang mga kapatid ni Papa na kasama. Tumulak din kami matapos ang batian.
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...