Kabanata 21

139 4 0
                                    

It was hard for me to go home, kinailangan ko pang hilahin at ayaing umuwi si Luis at mabuti pumayag kahit na nasa kalagitnaan siya ng kwentuhan.



"Please, I just need to get home asap. Kailangan kong magising nang maaga." Luis is clueless. Sa huli ay hinatid niya rin ako halos paliparin niya na ang sasakyan niya. 




Umalis din siya kaagad pagbaba ko, hindi na nga nagpaalam. Parang gigil siyang makabalik kaagad. Bukas na ang gate dahil malayo pa lang ay nakikita naman na ang sasakyan ni Luis. Ang bahay ni Tita Ellaine ay ilang metro lang ang layo sa kanila, may tig-iisang guawrdiya sila bukod sa pinaka-gate ng subdivision. Pakiramdam ko kapag nagplano ang mga pinsan kong magpakasal dito rin sila magpapatayo ng bahay, private property kasi ito ng pamilya, nabubukod tangi si Papa at kahit hindi sabihin ng mga kapatid nito ay ramdam ko pa rin ang hinanakit sa kanya. Dahil sa totoo lang, si Papa ang inaasahan ng pamilya n'on, inaasahang magmana ng negosyo ng lolo at lola pero dahil kay Mama ay hindi niya pinanindigan ang negosyo kaya unti-unting nawala ang pinaghirapan ng mga magulang nila. 







Tito Cristofer had to go abroad, sa Japan siya nagtapos ng kurso niyang architecture, pagkatapos mag-aral ay nagpakasal sa pilipinas at bumalik din sa Japan para sa nakabinbin na trabaho pero may iba pa pala siyang babae sa Japan, isang pinay rin at ang resulta ng relasyon nila ay nagbunga, iyon ay ang pinsan kong si Azalea. Si Tito Ben, engineering ang natapos, sa middle east naman siya nagtapos at d'on din nagtrabaho, si Tita Elaine at si Papa ng naiwan at  n'ong buhay pa sina lola. 





Kapag ba hindi ipinaglaban ni Papa ang mama ko, maganda kaya ang buhay ng pamilya ni Papa? paniguradong wala ako kung nagkataon, paniguradong walang Maria na sakit sa ulo kapag nangyari ang gusto nila n'on. Papa still chooses Mama even it's against his family's will. 





Madilim at tahimik ang buong bahay nang, ang bahay ni Tita ang pinakamatayog, may tatlong palapag at ang ikatlo ay rooftop. Kung ipagkumpara, si Stephie ang pinagpala sa aming magpipinsan, only child siya at kahit may sariling negosyo naman ang mga magulang niya ay sinisikap niya pa ring magkaroon ng sariling pangalan, tandem na sila ni Luis mula n'on pa man dahil hindi nagkakalayo ang agwat nila sa isa't isa. 





I do not have self-pity when it comes to stability and finances. I can surely find ways to earn by my means, even without my cousins' and my siblings' help.





Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang humakbang nang isa pang baitang.. Hindi ko kayang harapin ang magiging resulta kung sakaling sinuway ko ang gusto ng mga magulang ko. Iyon lang naman ang problema ko, iyon ang nagpapahirap sa akin, ang tiwala ng parents ko sa akin, ang pagmamahal nila nang hindi ko hinihingi.





Natulala ako buong magdamag, wala na akong ibang naiisip kung hindi ang sariling problema at ang problema ko sa mga De Vera. Hindi ko nga lang alam kung alin sa mga De Vera ang pinoproblema ko. Hindi ko namalayan ang oras kaya hindi na lang ako natulog at nag-impake na lang ng dadalhin. Ang sabi sa akin ni Mr. De Vera ay dalawang linggo lang kami sa Samar, at isang linggo raw para makapag-relax siya bago bumalik sa trabaho rito. 






Kung magre-relax siya, ibig sabihin, wala ako masyadong trabaho for a week? kaya nagdala ako ng bikinis at mga importanteng gamit. Natapos akong mag-impake nang alas dos, bumaba na ako kaagad at pagbaba ko naabutan ko si Stephie. Mukhang kakauwi lang galing sa party. 




" Aalis ka? saan? uuwi kana? magtanan? saan ka pupunta?!" nagpanic siya nang makita akong may dalang luggage.




Hindi ko nasabi sa kanila kaya akala niya maglalayas na ako o worst magtanan! 




" Relax, pupunta akong Samar!" sagot ko, kumalma naman siya pero kaagad ding nagtanog, tumaas ang kilay niya at maya't maya ay naningkit pa lalo ang mga mata niya. 



" Anong gagawin mo r'on? magtatanan siguro kayong n'ong manliligaw mo!" I find it ridiculous! Anong magtatanan at kanino? 



" Bakit ako makikipagtanan? hindi ko boyfriend iyon" sagot ko, binitawan ko ang luggage ko bago ko inayos ang medyo nagulo kong suot dahil sa pagyugyog niya sa mga braso ko.



" It'll never cross my mind, okay?!" binitawan niya ako at umiwas na siya sa akin. 




" Teka nga? bakit ka paranoid?" tumalikod na siya at naglakad paakyat ng hagdanan. 



Ramdam kong may kung ano sa kanya. 



" Hoy, Stephie! Baka gina-gaslight mo ako! Ikaw yata itong may balak makipagtanan?"
I narrowed my eyes when she suddenly run. Nawala na siya sa paningin ko. 





I have to know! Pero hindi ko muna siya tatanungin sa ngayon, I need to leave dahil kung hindi baka wala na akong trabaho. 






Ang call time namin ay alas singko dahil alas singko kaming bibiyahe pa-airport. Sa basement ulit ako, pero hindi kagaya ng mga normal kong araw ang umagang ito dahil hindi ako pinapasok ng guwardiya mabuti na lang at nadala ko pa rin ang ID ko. 





Iba't iba kasi ang nagdu-duty, malamang hindi nila alam na nagtatrabaho rin ako rito at kaya ako nandito nang ganitong oras dahil dito kami magkikita ng boss ko. Wala pang katao-tao sa opisina, inasikaso ko ang mga dadalhin kong paper works, nilagay ko na sa luggage ang iilan sa mga kailangan ko at nang naubos ang gawain ay luminga ako sa paligid. Sinilip ko ang lamesa ni Mr. De Vera, malinis iyon at organize. Kung maganda na ang pagkakaayos ko nang sa akin ay mas malinis at maayos ang kanya. Dinampot ko ang pamilyar na sticky note, nabasa ko r'on ang sinulat ko para sa kanya.




" nandito pa pala ito," bulong ko sa sarili, ibinalik ko na lang sa pagkakadikit nito sa isang pen holder.



A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon