Maingay ang paligid, maraming nagtatawanan, maraming nagsisigawan at sinasabayan ng mga sayaw. Hindi ko alam kung paano ako nakarating at nakaupo rito kung gayong nawawala ako sa sarili. Lumilipad ang isipan ko sa maraming bagay, sa nangyari kanina sa pantry, ang pagbabalik ni Geoven matapos ang ilang buwan at sa kasal na sinang-ayunan ng mga magulang ko.
" Ang tahimik mo," siniko ako ni Stephie, nasa kanan ko siya at nasa kaliwa ko naman si Leslie. Si Katrina ay nasa kabilang sofa kasama ang grupo ng boyfriend niya.
" Naisip ko lang ang trabaho, hindi ko namalayan ang panahon." Sagot ko. Itinaas ni Leslie ang isang vodka, kinuha ko naman iyon at ininom.
Gusto ko ng isang bagay na makaalis ng iniisip ko. Kaya sunod-sunod ang pag-inom ko ng ibinigay nilang drinks. I am still okay, I feel nothing. Mainit lang ang naramdaman ko.
" Sabi naman sayo eh, ikaw kasi atat kang umuwi." Si Leslie, tumungga din siya ng kanya, hindi nga lang vodka.
Exclusive ang party na ito para sa mga kakilala ng debutant, hindi ko alam kung saan pero nasa itaas ito ng building kung saan ang condo ni Gio. Bago kami pumunta rito ay kumain kami sa condo niya, inaasahan namin ang mga magulang niya pero katulad ng nangyari noong unang beses niya akong dinala ay hindi rin sumipot ang pamilya niya. Hindi man sinasabi ni Gio pero nararamdaman kong nasasaktan siya. Ramdam ko iyon, alam ko kung gaano kasakit, dahil maging ako ay nakaranas n'on sa sarili kong mga magulang.
Isa sa hiling ni Gio ang makasama ako sa birthday niya, ang makapag-dinner kasama ang mga magulang niya, espesyal iyon para sa kanya kaya naiintindihan ko. Kaya sumama ako, kaya kahit ngayong gulong-gulo ako ay nandito pa rin ako. Nasa tabi ko siya kanina pero dahil party niya ito ay kinailangan niyang batiin ang mga bisita niya.
Hinawakan ko ang labi ko nang may nakita akong naghahalikan sa harap ko. Did he really kissed me? bakit niya ako hinalikan? parang nararamdaman ko pa rin ang malamyos niyang paghalik sa akin.
" Oh, tinamaan kana?" siko ulit ako ni Stephie. Humarap ako sa kanya nang nakahawak pa rin sa labi.
Nginuso niya ang nasa harapan, nakita niya rin pala ang naghahalikan. Hawak ko pa rin ang labi ko at patuloy na binabalikan ang nangyaring halikan kanina, baliw na siguro ako dahil pakiramdam ko namamanhid ang labi ko sa halik niya, hindi ko man lang maramdaman iyon kahit paulit-ulit kong haplusin.
Lasing na ba ako? hindi, hindi pa, nasa wisyo pa ako pero nalalasing ako sa halik na iyon kahit ilang oras na ang lumipas.
" Love, come here." Hindi ko naramdaman ang paglapit ni Gio, huli kong nakita habang nakaupo ako ay ang pagluhod niya para mahuli ang mga mata ko.
Rinig ko ang hiyawan nang umalis ako kasama si Gio sa grupo ng mga pinsan ko. Madilim ang dinaanan namin, kaunting ilaw lang na nanggagaling sa stage at sa mga ilaw na gilid, na sa palagay ko ay mga kwarto o di kaya'y restrooms.
" Mr. De Vera, happy birthday!" ang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na nasa gitna na kami at pinalibutan na kami ng mga kakilala niya.
I remember seeing one of the men in one of the meetings that Mr. De Vera had.
" Thank you, Mr. Valderama." Gio greeted the man. Mr. Valderama is looking young, so I bet he is the same age as Gio.
Lumandas ang tingin niya sa akin, pababa sa kamay namin ni Gio na magkahawak.
" Is Rossdale here?" he asked, I am not sure who's he asking.
Nasa akin ang mga mata niya, ako ba ang tinatanong niya? I want to answer him but Gio already did.
" If Dad force him, he'll be here." Kumunot ang noo ko sa naging sagot ni Gio.
D-Dad? Rossdale and Gio?
Nag-usap nang ilang saglit si Mr. Valderama bago nakasingit ang ibang nakapaligid sa amin. Binati siya at muli pang tinanong tungkol kay Rossdale at pareho lang din ang naging sagot niya.
" Fuck, this is even not his event, and his name is all over these damn people." He cursed after he got rid of some people who wanted to know Rossdale's whereabouts.
Nakawala kami sa gitna ng bulwagan, napadpad kami sa pinakadulo ng silid at nakita ko naman na puro mga bartender ang naroon. Tinulungan niya akong umupo bago siya naupo sa katabi kong upuan. He asked for some familiar drinks, he gave me some, but I didn't drink them. I waited for awhile, and afterward, his drink was served.
Bumaling siya sa akin at isang segundo kaming nagkatitigan bago siya lumapit at bumulong sa tainga ko.
" What kind of birthday is this? my parents didn't show up! My sisters are busy. Thank God for some friends." He f.ucking cursed in my ears. Mahina ang boses niya pero maririin ang pagbitaw niya ng mga salita.
" Thank God, you came in my life." Bahagya siyang lumayo at bago siya tuluyang lumayo ay humalik siya sa pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko, hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako nakailag. Inulit niya nang tatlong beses at pareho lang ang naging reaksyon ko.
" I'm sorry, I am just happy that you are here." Wala sa sarili akong tumango at uminom ng alak.
I'm doomed.
Sunod-sunod kong ininum ang nakalatag na shots, naglatag pa ulit ang bartender at kahit ang bago niyang nilagay ay tinungga ko rin. Ramdam ko sa lalamunan ko ang pait, ang init n'on ay dumaloy hanggang sa kalamnan ko. Kinikilabutan ako sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko lahat ng kilos ko ay limitado, hindi ako pwedeng magkamali dahil... hindi ko alam.
Ininom ko ang huling tatlong baso, pinigilan ko na rin ang bartender sa pagdagdag pa bago bumaling kay Gio na namumula na. Bumaling din siya sa akin at bahagya pang humilig.
" Lasing kana, tigilan mo na iyan." Sabi ko, iniwas ko ang alak na hawak niya. Bumaba ako sa upuan at tumayo na lamang, mas lalo niyang ibinigay ang bigat niya sa akin kaya kinailangan kong humawak sa counter para sa suporta.
Hindi ko alam kung iuuwi ko ba siya, kung ngayon na ba o mamaya pa. Hindi ko alam anong gagawin ko kaya dinala ko siya pabalik sa sofa. Hindi naging mabilis ang pag-alis namin dahil maraming concern sa kanya, aka'y ko ang malaki at mabigat niyang katawan habang maya't maya kaming kinakausap. Nakakasagot naman siya at pare-pareho ang sagot niya.
" You don't have to worry, my girlfriend's here." He answered curtly.
I want to protest, gusto kong pabulaanan pero hindi ko kaya sa ngayon. He is vulnerable on his birthday. He is fragile for some reasons and I can't just let him fail.
Kaagad akong tinulungan ng mga pinsan ko, si Luis na ang umakay kay Gio at pinaupo sa pinakadulo ng sofa. Ang mga kapatiran nila ay lumapit na rin at nakiusosyo.
" He is really not into drinking, he avoided it. Kahit noong nag-aaral pa kami, walang bisyo at masunurin." Someone said.
Tiningnan ko sila isa-isa, concern sila kay Gio, iyon ang nababasa ko sa mga mata nila.
" He has tried his best to gain his father's trust, ang balita ko wala rito dahil may ibang mas importanteng gawin." Mas dumami na sila ngayon.
Gio murmurs. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Dinaluhan ko siya at hinaplos sa pisngi. Maamo ang mukha niya kapag lasing, malayo sa medyo bad look niya. He looks more foreign than he usually does.
" Are you okay, do you want to go home?" kinailangan kong lumapit at bumulong sa kanya. Nakikilita yata siya kaya napapabalikwas ng upo.
I can't believe that this huge man besides me is a failure when it comes to alcohol.
" Ang lakas ng tama niyan, mukhang hindi na makatayo mag-isa" Leslie sat besides me. Nag-alok siya ng alak na tinanggihan ko naman.
" What will happen to his party when we leave?" I asked, it was intended for everyone to hear.
Halo-halo ang naging sagot, maraming napabuntong hininga at marami namang nag-uusap na parang walang narinig. Kinapa ko ang cellphone ni Gio, I was so lucky that his open is not locked. Nahirapan akong mamili ng tatawagan sa phonebook niya dahil hindi nakalabel ang pamilya niya roon. Puro may De Vera lahat. Akin lang ang naiiba at may puso pa.Hindi ko na maibalik sa bulsa niya ang cellphone niya kaya nilagay ko na iyon sa sling bag na dala ko at dinaluhan pa siya lalo.
" Let him drink this," someone handed me a familiar drink to make someone sober.
It was open already kaya nilapit ko na lang sa labi ni Gio. His head is so heavy, I need some force to make him sit.
" Oh, love. I'm sorry," malikot siya kaya natapon ang kalahati ng inumin.
Kinalma ko ang sarili at pinainom siya, nagtagumpay ako kaya lang pagkatapos niyang uminom ay niyakap niya ako.
" Can someone help her, Gio's big and look at the tiny woman." Someone's frankly stated the facts.
Nagkagulo sila, gusto na yata akong tulungan dahil mukhang tuluyan na akong tinulugan ni Gio. May umambang lumapit sa amin pero hindi natuloy dahil may nauna nang lumapit. They chanted the same name, they sounded surprised, and so do I!
" Ross!"
" Good thing he's here!"
" Finally he helped!"
" I thought he's going to ignore my messages!"
Nawala nang parang bula ang lahat ng nasa paligid. Tumahimik bigla at ang tanging naririnig ko ang kalabog ng puso ko, hindi ako makakilos, ang bilis ng pangyayari at hindi ko alam ang gagawin nang iniwalay ni Mr. De Vera ang katawan ni Gio sa akin. He turned to me after he successfully unclung Gio's arm on me.He just eyed me, he left my eyes for my face down to my body. I felt something in me awakening. I had to close the spaces between my legs just to get a hold of something.
I remember this moment, I remember his gazes. I remember everything in this familiar place.
Natulala ako, ilang segundo akong natulala nang umalis siya kasama si Gio. May sumunod sa kanya habang ako na tuluyan nang napako sa kinauupuan ko. My cousins neared me. I heard Leslie, but her voice was unclear to me.
" That's your boss, I heard they're related" I heard she said.
Tumayo ako at nagpaalam sa mga pinsan ko nang natanto na nasa akin ang cellphone ni Gio.
" Babalik ako," sigaw ko.
Nahirapan akong lumabas, halos maipit ako dahil nagsimula ang sayawan sa dancefloor. Wala na akong naabutan paglabas ko ng silid. Naghanap ako ng elevator at sumakay naman ako kaagad. Pinindot ko ang tamang floor ng kanyang condo unit, naglakad ako sa hallway at nakipagtitigan sa pintuan ng kanyang condo. Hindi ko alam kung papasok ba ako, kanina kasi sinabi niya sa akin ang code ng unit niya pero takot ako dahil baka mapagkamalan akong may ibang agenda.
I decided to text Mr. De Vera after a long debate with myself.
Me:
I am outside Gio's unit, nasa akin ang cellphone niya.
Naghintay ako ng limang minuto, hindi ko alam kung dito niya dinala si Gio. Nawalan ako ng pag-asa, baka mali ako ng inakala kaya lang noong nagpasya akong umalis ay siya namang pagbukas ng pintuan ng condo unit ni Gio. Niluwa n'on ang galit na galit na si Mr. De Vera.
Nahiya ako sa itsura ko, he looks comfortable on his casual clothes. His eyes are judgmental, his gazes are hot, and his gazes give me a tingling sensation too.
Kinuha ko ang cellphone ni Gio, nanginginig ang kamay kong itinaas iyon sa ere para makita niya. Matagal niyang tinitigan bago niya kinuha mula sa akin.
" You knew his unit.."it wasn't a question, it's a statement.
Pakiramdam ko may kailangan akong sabihin, hindi ko nga lang alam kung saan magsisimula.
" U-Uh, he invited me for his family dinner sana, but both cancelled." Amin ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi ako nag-angat ng tingin at diretso lang iyon sa dibdib niyang matikas.
" Get home, we have an early flight tomorrow. You'll lose your job once your late, kahit isang segundo." Nabingi ako sa narinig, hindi ko mawari kung dahil sa rason ng kanyang sinabi o dahil sa kung anong nararamdaman ko sa maririin niyang bigkas sa mga salita.
Tunog pagbabanta.. Tunog mapanganib.
Pakiramdam ko may gumuho sa kalamnan ko, pakiramdam ko may kung anong namatay sa akin. Umalis ako matapos niya akong pagsarhan ng pinto.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...