Halos hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil sa kahihiyan. Kinabit niya ang suot kong bra matapos niya akong halikan sa dalawang dibdib ko. Ang huli niyang hinalikan ay ang tungki ng ilong ko bago siya umalis sa pagkakadagan sa akin. Tinulungan niya naman akong makaupo
Umalis siya sa harapan ko, pinanood ko naman kung saan siya pumunta at nakita kong tinungo niya ang bathroom. Paglabas niya ay may dala na siyang isang itim na damit. Bumalik siya sa harap ko, inilahad niya sa akin ang itim niyang basic tee. Kinuha ko iyon dahil kung hindi mamatay yata ako sa lamig dahil naka-bra lang ako!
Tumayo ako at sinukat ang kanyang damit sa maliit kong katawan. Sinulyapan ko siya dahil hindi iyon magkasya sa akin. Magmukha akong matutulog sa haba n'on.
" That's the smallest one," agap niya nang nakitang nagdadadalawang isip ako para r'on.
Pinatong ko sa kama ang damit niya, hinanap ko ang blusa ko at nakita ko naman iyon sa sahig. Dadamputin ko na sana iyon nang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.
" No," pigil niya, binalik niya ako sa kama at pinaupo r'on. Kinuha niya ang T-shirt niya siya na ang nagsuot n'on sa akin.
Tumayo kaagad ako at humarap sa tukador. Nasa likod ko siya habang tinitigan ko ang sarili sa salamin. Malaki ang damit niya, ang round neck T-shirt niya ay maluwag, ang mga manggas ay lagpas siko ko. Hinawakan ko sa magkabilang parte ang damit niya saka ko hinila at tinago sa likod. Kapag hindi ko ginawa ay wala akong shape, pabagsak lang iyon at kahit ang suot kong skirt ay natatabunan na rin. Huminga ako nang malalim at nag-isip ng paraan.
" It looks good on you, you must try baggy clothing sometimes." Puna niya na hindi ko pinansin.
" Can you turn around? I need to fix my skirt." Nagkatitigan kami sa pamamagitan ng salamin.
Heto na naman ang mga mata naming may sariling mundo, may kung anong naiintindihan.
Why do I need to turn around?
I have seen it already,
tsss,
Hindi ko alam na pwede pa lang malasing kahit hindi naman uminom ng alak. Pakiramdam ko nasa langit ako, pakiramdam ko nangingisay sa kilig ang bawat parte ng katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko naintindihan.
Please, just do it.
And he did it. He slowly turned around, hindi ko alam kung sinunod niya ba ako dahil nakatagilid lang naman siya, hindi tuluyang tumalikod. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at nagsimulang ayusin ang suot kong damit. Naging bulky ang skirt ko dahil sa damit niya kaya kinailangan ko pang ayusin nang mabuti. Hinila ko ang skirt ko, hinila ko ang zipper sa gilid at nang naisuot ko nang maayos ay bahagya ko namang hinila ang suot na damit. Inaayos ko ang suot na damit, okay naman siya tingnan kahit malaki ang manggas at mahaba.
" I'm done," hindi ko pa man nasabi ay humarap na siya sa akin. Napatitig siya, matagal at malalim ang titig niya kaya napatingin ulit ako sa salamin.
Wala naman akong nakitang kakaiba kaya ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at naghintay pa.
" I was thinking of purchasing some clothes for you, but I guess mine fits you well." He sounded expensive and every word feels strange to me.
" h-huh?" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sinakop niya ang distansya naming dalawa. Kaagad dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Napakurap-kurap ako dahil diretso ang tingin niya sa akin.
" W-Why? Is there something wrong?" My voice shakes. My body shivers the moment his hand lies on my face.
" You are beautiful, honey" he murmurs on my left ear. Napapikit ako dahil sa lamig ng boses niya
" Let's go before I change my mind and cuddle with you all the time." He held my hand, naramdaman niyang nanginginig iyon kaya tiningnan niya ako. Pinisil niya ang kamay ko habang nakatingin sa akin.
"We'll cuddle later, let's work first." Para akong tanga at napatango na lang sa kanya.
I feel like I was hypnotized.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...