Alas otso nang may nagsalita sa intercom makalipas ang mahabang oras ng katahimikan. Napapitlag ako roon at halos magsilaglagan ang papeles na binabasa ko.
"Stop working, go out and get the food that I ordered. " My boss interrupted again.
" Okay po sir," Sabi ko. Niligpit ko ang gamit sa lamesa.
Ano nga iyon? Lalabas ako para kunin ang pagkain?! Pagkain niya?!
Lumabas ako ng opisina, naghanap ako ng anino ng tao dahil nakakagulat na may pagkain nga sa labas pero walang katao-tao. Kinuha ko iyon at bumalik sa loob. Nilapag ko sa mesa na malapit sa sofa bago nilapitan ang intercom, pinindot ko iyon bago nagsalita.
"Sir, where should I bring your food?." Tanong ko. Narinig ko ang buntong hininga niya at ilang sandali pa bago sumagot.
"That's yours, eat that food before leaving." He demanded.
Ano?!
"Huh? May libreng pagkain pala, hindi ko alam. Salamat sir, kanina pa ako gutom." Tanging nasabi ko.
Ano ba namang kumpanya ito, halos lahat ng nakasalamuha ko ay may tinatagong motibo. Wala pa akong naririnig na kwentong ganito, na ang boss ay may binibiling pagkain sa empleyado? Nagtiim bagang ako. Wala ba siyang girlfriend? Thirty na siya, he must have one or maybe plenty of girls!
Labag man sa kalooban kong kumain ng binili niya lalo na kapag naiisip kong may kapalit. Kinain ko pa rin lahat dahil gutom ako at nakalimutan ko ring hindi ako nag tanghalian kaya gutom na gutom ako! Ito ang unang pagkain ko sa buong araw.
Busog na busog ako nang matapos kumain, humihilab pa ang tiyan ko dahil sa pagkain. Ito na nga ba ang masama, kapag nabibigla ang tiyan ko ay hindi ko mapigilang ilabas lahat ng kinain. Napatayo ako at naglakad-lakad para mawala sa isipan ang paghihilab ng tiyan!
Bakit ngayon pa?!
Lumakad ako palapit sa intercom, pero kaagad ding bumalik sa sofa dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin. Sa huli, pinindot ko ang intercom at nagsalita.
"Sir, please.. I want to go home." Sabi ko.
Walanghiya naman kasi, ano ito overtime?!
"Sir, kailangan kong gumamit ng banyo! Uuwi na po ako, pwede po ba?." Siraulo ata itong boss kong ito! Kaya siguro walang tumatagal na secretary sa kanya dahil ganito ang ugali.
"Sir! Fuck!." Sigaw ko dahil wala na yatang taong nakikinig sa putanginang intercom!
"What are you cursing for, Miss Monteverde?." Kailangan pa bang magalit.
Ang malas ko ngayon araw! Late na pumasok at late pang uuwi! May Mr. Baron pa na bwisit at ito, dumagdag lalo sa iniisip ko! Ano bang trip ng isang ito? Wala na akong pakealam kung tatanggalin, ang kailangan ko ay umuwi, ngayon din!
"Eh putangina naman kasi, it's not working hours anymore, mukhang ako na lang ang natitirang tao rito sa building niyo! Wala ka bang balak pauwiin ako?!" Napapikit ako sa sakit ng tiyan.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
Любовные романыMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...