Wakas

400 7 0
                                    

WARNING: SPG
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Kinailangan ni Yuki na dumistansya sa akin dahil mas lumala ang paglilihi ko. Minsan naiisip ko na mapapagod siya kasi pabago-bago ako ng ugali. Sa umaga ay gusto ko siyang makita pero sa gabi ay ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit mas tumindi ang paglilihi ko, hindi  na rin ako masyado nakakakilos dahil sa katamaran. Sobra ko ng tamad, tipong pagtayo ay hindi ko gusto! Gusto kong nakahilata buong oras. Naging mahirap ang adjustment period naming dalawa dahil ayaw kong mawalay sa kanya at gan'on din naman siya kaya noong bumalik siya sa trabaho ay kasama ako. He's not the CEO anymore, he's the head of their engineering department now, and Gio has been managing the company ever since he's gone.





Walang trabaho si Yuki pagdating ng sabado at linggo dahil iyon ang araw ng mga pasok ko sa isang center, lagi niya akong sinasamahan. Pang isang buwan ko ng nag-aaral, sa loob ng isang buwan ay isang beses lang kami nakapag-practicum. Ngayong araw ay isang normal na klase lang, dinemo sa amin kung paano ang tamang paglapat ng icing sa base. Alam ng instructor ko na buntis ako dahil ilang beses akong nakakatulog sa klase at bukod d'on ay halata na ang baby bump ko sa loob ng apat na buwan. 



Tinakpan ko ang bibig ko nang hindi ko maiwasan ang humikab. Shempre bumaling ang lahat sa akin kaya humingi na naman ulit ako ng pasensya. Yuki told me to stop going to the center and just stay at home or stay by his sides, he doesn't allow me to overwork even though I am just doing a light work. Paglabas ko ng silid ay naagaw ko kaagad ang pansin ni Yuki. Kaagad siyang tumayo at nilapitan ko pero hindi iyon ang conern ko. Agaw pansin ang kagwapuhan ni Yuki habang nakaupo at naghihintay sa labas. Ang Yuki naman kasi ay effortless pagdating sa babae, nakaupo lang siya at naka-de kwatro at wala pang ginagawa ay marami na siyang naa-attract! Paano pa kaya kung natikman nila si Yuki?! Oh God! It can't be! Yuki can't get out of my sight! 




Tinabig ko ang braso ni Yuki nang umamba siyang yumakap sa akin. Hindi ko alam pero naiinis ako kapag may nakakapansin sa kanya. Naiiyak ako kaya bago pa man ako umiyak ay nagmartsa na ako palayo sa kanya at sa mga babaeng nakatingin sa kanya. Kahit sa bahay ay hindi ako nakakaligtas sa sarili kong pagseselos dahil naalala ko ang pagpatong ni Samantha sa kanya! Isa pa ang pagpulupot ng braso ni Zoey sa kanya at bukod d'on ay n'ong unang meeting niya kasama ako at iyong mayaman na Mr. Chen ang kausap! Kaya pala siya nag-walk-out dahil marriage proposal ang pakay ng mag-ama! Kung naging gahaman sa pera si Yuki ay marahil matagal na siyang tali kay Veronika! Iniisip ko pa lang iyon ay halos mamatay na ako, paano kung nangyari? hindi ako matatahimik at mumultuhin sila habang buhay!


"Honey, my love, honeybunch!"ngumuso ako nang marinig ang iba't ibang tawag niya sa akin. Hinarap ko siya nang galit na galit. 

"Ano? my love? honeybunch? ang corny mo, Yuki!"hiyaw ko at tumalikod muli sa kanya hindi nga lang ako nakagalaw dahil niyakap niya na ako at bumulong siya sa tainga ko gamit ang magic words niya!

"I think, I need to do something with your jealousy." Seryoso niyang bulong na nagpapikit sa akin. Niyakap ko siya pabalik at kahit gusto ko pang magalit ay kusa na ring nawala dahil... alam niya kung paano mawala ang galit ko. 

"Let's go!"sambit ko. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya humiwalay sa akin. 

"Ang selosa ng asawa ko,"ngumuso ulit ako at pagalit siyang binalingan. 

"Selosa lang pero hindi mo asawa," sagot ko at nauna ng maglakad. Nagpatianod siya sa hila ko dahil hawak niya ang kamay ko. 

Hindi naman talaga dahil hindi kami kasal. Ang tagal ng "let's get married after this" niya. Mahigit dalawang buwan!


Nalagpasan na namin ang iilang kainan sa loob ng mall pero napahinto ako sa isang baby store. Ramdam ko pa naman si Yuki dahil hawak niya ang kamay ko. Pumasok ako sa loob at inisa-isa ang mga cute na gamit pang baby. Hindi pa namin alam ang gender ng baby namin dahil hindi pa namin plinano kung kailan magpapa-ultrasound ulit para sa gender. Naging busy siya at maging ako ay busy rin, gustuhin ko man pumunta ng mag-isa sa OB ay hindi naman ako papayagan ni Yuki kaya kailangan ipagpaliban muna. 


Wala akong binili na gamit, wala rin kasi akong nagustuhan kaya inaya ko na lang umuwi si Yuki. Alas sais na kami nakauwi ng bahay dahil nag-dinner na kami at nakipagkita sa mga pinsan ko. May party ngayon sa bahay nila Luis pero hindi ako makakapunta dahil wala si Yuki, may tinatapos siyang trabaho para sa pag-alis namin papuntang Japan ay wala na siyang aalalahanin pa rito. Ang sabi niya ay magtatagal kami sa Japan kaya kung may gusto raw akong bisitahin habang nasa Pilipinas kami ay gawin ko na. Wala naman akong ibang gusto makita kung hindi ang Papa at Mama ko, si ate Raine din at sakto namang uuwi si Kuya na Biyernes kaya sinabihan ko si Yuki na dadalaw kami sa amin. Alam ni Yuki ang huling alitan namin nila Mama kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong may malaking tiyan at may lalaking isinama pauwi! 



Nakakausap ko si Papa at madalang ko naman nakakausap si Mama dahil hindi pa yata nawawala ang galit niya sa akin. Hindi ko rin alam kung anong balita kay Geoven o kung anong nangyari matapos ang pag-alis ko. Maaga kaming nakarating kaya nag-stay muna kami sa isang condo ni Yuki, nagulat nga ako na meron siya n'on at nakakatawa lang dahil dito ko rin natagpuan ang sarili ko n'on bago pa man ako pinatapon sa malayo. Mahirap sa akin ang gumising sa umaga dahil sa katamaran ko at isa pa mas masarap matulog pero kung si Yuki na ang gigising sa akin ay literal na nagigising ang diwa ko kagaya na lang ngayon. Hindi na ako nagulat na nasa ibabaw ko siya, nakadagan siya sa akin pero nakatukod ang kamay niya para hindi tuluyang madaganan ang tiyan ko. 


"Ahhh, ohhh~"
umungol ako dahil sa paglalabas-masok niya nang mabilis. Humawak siya sa baywang ko para sa mas magandang paglalabas-masok, makalipas ang ilang sandali ay pareho kaming naghahabol na ng hininga. 

"Good morning," sambit niya nang niyakap niya ako matapos niya akong araruhin. 

"morning, honey." Nakikiliti ako dahil nararamdaman ko pa rin ang kanya sa likod ko. 

"how long is that, Yuki?" wala sa sarili kong tanong. Naintindihan niya ang tanong ko kaya hinila niya pa ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Gumalaw ako para tumapat ang kanya sa akin kahit na nakatalikod ako sa kanya. Kakatapos lang namin pero tayong-tayo pa rin siya. 


Hindi niya ako sinagot pero sinagot niya ang pangangailangan ko. Dahan-dahan ang paglabas-masok niya galing sa likod. Mas gusto ko ito dahil ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalaki at kahaba. 

" You like this?" bulong niya habang pabilis na nang pabilis ang pagbayo niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi na kailangan. Ang pagkababae ko ay naglalabas ng labis-labis na likido. 


Ang sabi nila ay nakaka-blooming daw ang s-x, hindi ako naniniwala pero n'ong makita ako ng mga pinsan ko ay iyan lagi ang sinasabi nila. Kesyo mas lalo raw akong tumingkad, mas namumula ang pisngi ko at mas lalo akong gumanda!


"Magaling talaga ang mga De Vera, ano?" bulong ni Leslie nang isang araw ay nagkita kami sa De Vera's building. 


Makahulugan akong tiningnan ni Leslie bago siya umalis, nag-flying kiss pa siya pa-akyat sa pamilyar na palapag, kung saan ang opisina ni Yuki dati. Hindi ko lubos maisip na sekretarya siya ni Gio at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Kagaya ng nangyari sa amin ni Yuki n'on na kahit hindi ko trabaho ay nagawa ko. Nagawa ko ngang ma-in love kahit na trabaho naman ang sadya ko.



Hindi ako mapakali nang pinarada niya sa tapat ng bahay ang kanyang sasakyan. Mas kabao ako kaysa kay Yuki. Nag-aabang ang Papa sa labas ng bahay, sa tapat ng gate at ilang pulgada lang ang layo mula sa kanyang sasakyan. 

"Huwag kang kabahan, Yuki. Hawakan mo lang ang kamay ko kapag nate-tense ka." Sumulyap siya sa akin nang nakangiti  bago niya ako hinalikan sa noo. 

"Yes, Honey." Napapikit ako nang maging ang tiyan ko ay hinaplos niya rin. 

Lumabas siya ng sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pintuan bago niya ako inalalayan bumaba nang dahan-dahan. Nang nakita ako ni Papa ay kaagad itong sumigaw, nakita ko ang paglabas ni ate at kuya, hinintay kong lumabas si Mama pero hindi ko siya makita nang nakalapit na kami ni Yuki. Wala rin siya sa tanggapan.


"Kuya, namiss kita!" niyakap ako ni kuya, yumakap na rin si ate at maging si Papa. 


Si Mama na lang ang kulang..


Humiwalay ako sa yakap nila, nilingon ko si Yuki na matikas ang tindig sa gilid ko. Ngumuso ako hindi naman siya ganito kapag kaming dalawa lang pero kapag may ibang kaharap ay para siyang hindi makausap. Humawak ako sa braso niya kaya napatingin siya sa akin. 


"Papa, ate, kuya, si Yuki po. Fiance ko." Seryoso akong tiningnan ni Yuki pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil wala namang masama sa sinabi ko. 



Naglahad ng kamay si Kuya, unang tinanggap ng ate, tapos si Kuya at panghuli si Papa. Hindi ko alam kung gaano kasikat na inhinyero si Yuki pero n'ong nakilala siya ni kuya ay napagtanto kong ma-impluwensya siya sa larangan ng inhinyero. 


"Rossdale Yuki De Vera?" tanong ni kuya na kaagad naman sinagot ni Yuki. 

"Yes, nice meeting you, Engineer Monteverde."Nagkamayan ulit sila para r'on. Hinila naman ako ni ate palapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa tiyan ko. 

"Kamusta? naglilihi ka pa rin ba?"si ate, hinila niya pa ako lalo at iginiya na sa loob ng bahay. Nilingon ko si Yuki na seryosong nakipag-usap kay kuya at Papa.


"Hayaan mo na silang mag-usap, tara sa loob." Wala na akong nagawa nang dinala na ako ni ate sa sala. Kaagad kong hinanap si Mama.


"Pumunta kina lola," nagulat ako sa sagot ni ate. Hindi ko alam pero nasaktan ako. Nasabihan ko na sila na dadalaw ako pero bakit umalis pa rin siya. 

"Hindi niya alam na dadalaw kami?" tanong ko kahit ako mismo ang nagpaalam sa kanila na uuwi ako. Bumuntong hininga si ate, naramdaman ko naman ang haplos niya sa likod kaya mas lalo akong naging emosyonal. 


"Huwag ka ng mag-isip ng kung ano, hindi iyan nakakabuti." Tumango ako dahil tama naman si ate. Hindi ko dapat dinaradam dahil kapag hahayaan kong masaktan ang sarili ko ay hindi lang ako ang magdusa kung hindi maging ang anak ko.  


Hindi ko pinahalata na nasasaktan ako, hindi ko pinaramdam na naiiyak ako dahil wala si Mama. Inaasahan kong tatanggapin niya kami, inaasahan kong makikita ko siya at makikita niya kung gaano ako kasaya kasams si Yuki. 


Pormal na humingi ng basbas si Yuki sa aking pamilya, maligaya namang ibinigay ni Papa ang kanyang basbas gayundin ang kuya ko na walang ibang hiniling kung hindi malagay ako sa mabuting buhay. 


"Hindi importante ang isang tao na walang bilib at tiwala sayo, ang importante ay ang mga taong may malasakit at tunay na nagmamahal sayo, anak. Ang importante ay suportado namin ang pagsasama ninyo. Pasensya kana at hindi ko maituwid ang kaisipan ng mama mo dahil mas pinili niyang umalis kaysa harapin ka." Si Papa nang palabas na kami ng bahay. Niyakap ko siya nang marinig ko iyon. 


Wala na ang ate at kuya dahil umalis na. Si kuya ay may hinahabol na appointment at ang ate ay hinahanap na ng mga anak. Sinamahan namin si Papa sa bahay, nagpasya akong manatili muna hanggang sa kumagat ang dilim. Nagbabaka sakali akong uuwi si Mama at madatnan niya kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. 
  
"I owe you my life, Yuki. Please protect and love my daughter. Be the best partner and father to your family." Matapos ang yakap ko kay papa ay siya naman ang hinila at niyakap ni Papa. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero kalaunan ay nakabawi rin. Sinuklian niya ng yakap ang papa ko. 


"Makakaasa po kayo, Sir."Pormal nitong sagot. Nangingilid ang luha sa aking mga mata lalo na't kuminang ang mga mata ni Papa nang tumingin ito sa gawi ko. Humalik siya sa noo ko bago kami pinakawalan. 


Hindi pa kami nakakalayo sa bahay nang umagos ang luha ko. Parang isang talon na dire-diretso ang pagtulo. Ang sabi ko ay hindi ako iiyak, ang sabi ko ay hindi ko ipapahalata na nasasaktan ako pero masakit itago sa dibdib. Masakit ang nangyari pero kailangan kong tanggapin. Hininto ni Yuki ang pagmamaneho, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at bago niya pinalis ang bagong luha na tumulo. 


"I'm sorry, Mama wasn't home."
I bit my lower lip to stop myself from sobbing. 


Ang sabi ko papatunayan ko na hindi ako nagkamali sa pagpili ng lalaki, ang sabi ko ay ipapakita ko kay mama na hindi ako mali sa pagtanggi kay Geoven pero hindi ko iyon nagawa. Hindi ko nagawa para kay Yuki, para ipaglaban siya kay Mama. 

"It doesn't matter. Your papa's right. I value your view more than anyone. Ikaw ang papakasalan ko kaya ikaw lang ang importante sa akin." Hinawakan ko ang magkabila niyang braso habang nakahawak ang mga kamay niya sa pisngi ko. 

"I love you, and I'm sorry"hinila niya ako at niyakap. Tinahan niya ako at naging mabagal para sa akin ang pagtahan. 


Umuwi kami ng condo niya at nagmukmok sa kwarto dahil pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil sa labis na kalungkutan. I tried my best to feel okay but I couldn't. Gusto ko lagi nakahilata sa kama at kayakap siya pero kailangan naming gumayak dahil may pupuntahan ulit kami. 


Gumaan ang pakiramdam ko nang makita kumpleto ang pamilya ko sa bahay nila Luis. Narito ang lahat bukod kay Papa. Kumpleto kaming magpipinsan at masaya nilang tinanggap si Yuki bilang parte ng aming pamilya. 


"Who would have taught that you'll meet your fiance here? Naalala ko pa n'on na ayaw na ayaw mong umuwi rito." My aunt Ellaine recalled her memory of my whining. Tumawa ang mga pinsan ko at ginatungan pa ang sinabi ng tita. 


"Hindi ba sabi ko, makakahanap ka ng dahilan at eto na iyon. Kita mo ayaw mo nang umuwi sa inyo!"si Luis naman ang nagsalita habang nakatutok sa kanyang cellphone. Naalala ko nga na sinabi niya ito sa akin. 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon