Kabanata 34

182 6 0
                                    

Hindi ko mabawi ang kaliwang kamay ko dahil mahigpit ang hawak ni Stephie r'on. Pinalibutan nila akong apat, si Leslie, Katrina, Stephie at Luis. Inaantok ko silang tiningnan at bahagya pang hinila ang kamay ko pero hindi talaga nila binitawan. Pinaglaruan ni Leslie ang diamond sa tuktok ng singsing ko, ang engagement ring ko. Hinaplos naman ni Katrina ang promise ring ko na parehong nasa isang daliri ko. 




"Kaya pala wala na akong naririnig na reklamo mula sayo!"
pakli ni Stephie. Binawi ko ang kamay ko at nang nagawa ko ay kaagad kong tinago. 



Isang buwan na ang lumipas simula n'ong nag-propose si Yuki. 



"Kanino galing iyan? Kay Geoven?" si Katrina ang nagtanong. Ngumuso ako dahil bakit naman nila naiisip na si Geoven ang nagbigay. 





Lagi akong ginugugol ni Geoven simula n'ong tinawagan ko ang mama at sinabing hindi ako papakasal kay Geoven. Laking pasalamat ko na wala ako sa amin sa mga panahong laging pumupunta r'on si Geoven dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala na kaming ugnayan pero para sa kanya ay kami pa rin. 



"Break na sila ah, baka kay De Vera?" si Stephie naman. Hindi ko naman ililihim, naghahanap lang ako ng tiyempo at busy ang schedule ni Yuki kaya hindi ko maisingit sa mga free days niya. 



Mas pipiliin kong magkulong  na lang kami sa bahay na binili niya sa tuwing wala siyang trabaho kaysa dalhin siya sa bahay at ipakilala. 



"Giovanni? He's dating someone else! Ano iyon, nag-tu-two time?" si Katrina. Hindi malayong alam niyang may iba ng dine-date si Gio dahil magkakilala naman sila. 



"Ibang De Vera iyan, ewan ko kung bakit ayaw sabihin. May tinatago siguro?"
makahulugang sinabi ni Leslie. Sabay-sabay kaming napasulyap sa kanya. Itinaas niya ang baso ng tequila bago uminom.  



"Nako, ang dami mong nililihim, Maria! Siguraduhin mo lang hindi ka made-dehado riyan!" si Katrina naman ngayon. Tumayo ako dahil may kung ano akong nararamdaman na namimilipit sa tiyan ko. 



I am constantly feeling sick, kahit noong nakaraang linggo pa! 



Naasar ako kasi nito na nga lang ako sumabay sa kanila ay para pa akong hina-hot seat! Ang dami nilang tanong at kung ano-anong espekulasyon pa.



"Ipapakilala ko, wait niyo lang dahil masyado akong busy."
Sagot ko para matigil na rin sila sa panghuhula. 



Hindi na kailangan ni Leslie ang manghula dahil paniguradong alam niya. Lantaran ang mga galaw ni Mr. De Vera dahil wala siyang pinipiling lugar at kahit alam ng mga empleyado niyang secretary niya lang ako ay mas higit pa r'on ang tungo niya sa akin. Para akong mawawala kung hindi niya hawak ang kamay ko at para akong mawawala kung hindi niya hapit ang baywang ko. 




Tanghali na ako nagising kinabukasan, kagabi bago ako natulog ay katawagan ko si Yuki. Ang sabi ko ay magkikita kami ngayon at kung pwede siyang pumunta rito para makilala na siya ng pamilya ko. Maingay sa bahay ni Tita Ellaine nang lumabas ako sa kwarto ay rinig na rinig ko ang ingay sa baba. Nagulat ako nang kumpleto ang pamilya, nandito sina Mama at Papa kaya halos kumaripas ng takbo nang makita sila sa living area. Yumakap ako kay Papa bago ko niyakap si Mama. Wala ang mga pinsan ko, pero ang mga magulang nila ay narito. 




"Hindi po kayo nagsabi na pupunta kayo rito," sambit ko nang makausap si Mama. Nasa living room ng bahay nila Tita ang magkakapatid. Si Mama ay sinamahan ako sa kwarto dahil sinabi kong magsha-shower ako. 


"May inaasikaso lang sa malapit kaya napadalaw na rin rito. Hindi kami magtatagal, Maria." Something smells fishy, dahil wala naman silang gagawin dito. Ang negosyo nila ni Papa ay nasa amin. Kaya kinakabahan ako. 



Mas lalo akong nagulat nang pagpasok ko sa bahay nila Luis ay kumpleto ang pamilya. Ang mga pinsan ko ay gulong-gulo rin kagaya ko. Tumabi ako sa kanila at sinubukan ko ring mangalap ng ideya mula sa kanila pero kagaya ko ay wala silang naibigay. Unang tinawag si Luis, naging tensyunado ang lahat nang mula sa living area ay rinig ang pagtatalo ng mga nasa study room nila tito. Napatayo si Stephie, hindi ito mapakali at nagpalakad-lakad sa harapan ko. Nahihilo ako sa ginagawa niya kaya hinila ko siya para makaupo sa tabi ko. 




"Kumalma ka, mas kinakabahan ako sa ginagawa mo." Hindi ko alam kung kumalma ba siya dahil mukhang mas naging tensyunado siya. Ang katawan niya ay nanginginig at ang mga mata niya ay gulong-gulo. 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon