Kabanata 8

202 7 0
                                    

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa restroom. Galit na galit ako kay Mr. Baron! Anong karapatan niyang sabihin iyon? At sa harap ko pa talaga!











Hindi ko alam kung babalik ba ako o uuwi na lang. Alas kuwatro na ng hapon, hindi ko rin alam kung anong oras sila magsiuwian, o kung anong oras uwi ni Leslie. Kailangan ko rin siyang kausapin dahil sa nakita ko kanina, she's very different! Hindi siya iyon!







Huwag niyang sabihin nagpapauto siya kay Mr. Baron!






Nakasalubong ko ang isang lalaki nang naglalakad ako sa pasilyo. Sa palagay ko ay nasa 50's na siya, mukha pang galit at tumigil sa harap ko. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang bigla itong nagsalita.







"Are you Maria Monteverde?." Inispatan ko ang lalaki bago tumango.







Inilahad niya sa akin ang briefcase na dala. Tiningnan ko lamang siya nang puno ng pagtataka.








" Nandito lahat ng dokumentong kailangan mo para kay Mr. De Vera. Lahat ng tungkol sa trabaho niya ay naririyan." Masungit nitong sabi.









Nagtiim bagang ako, uso pa ba ang hard copy sa panahong ngayon?! Ang bigat pa ng bag.









" Isa lang maipapayo ko, mag-ingat ka at maging masunurin. Marami ng dumaang sekretarya sa kamay ni Mr. De Vera, hindi pa man nakakaupo ay mapili na." Hindi ko naiintindihan. Alam pala nilang pihikan si Mr. De Vera bakit ako pa na walang kaalam-alam sa secretarial job!






"Sumunod ka sa akin, ituturo ko ang magiging opisina mo." Sumunod ako sakanya.










Nagtataka ko siyang tinanong nang lumihis kami sa opisina na pinasukan ko kanina.








"Uh, hindi po ba tayo rito?." Tanong ko, huminto ito at sinilip ang finance department.









"Hindi, sa lawak ng kumpanya sa tingin mo ipagsiksikan ni Mr. De Vera ang sarili sa opisinang iyan. Nasa 30th floor ang opisina niya, at doon ka rin maglalagi, aalis ka lang kapag inutusan niya. Naiintindihan mo ba?." Tumango ako kahit na naguguluhan.







Sa taas ng building na ito at sa rami ng palapag na pwedeng gawing opisina ay napili pa ng may-ari na sa pinakatuktok!






"Ano po pa lang pangalan niyo, sir." Tanong ko. Ang hirap naman kasing makipag-usap dito dahil bawat kibot ng bibig ko ay may napapalingon.









" Tom Dela Cruz, mahigit dalawampu't taon na akong nagtatrabaho sa kumpanyang ito." Kwento niya. Pagsakay namin ng elevator ay hindi na siya tinanong pa ng lady elevator, tila naiintindihan nito kung saan ang tungo namin.








Ano kayang trabaho ni Mr. Dela Cruz? Ang tagal niya na rito, siguro mababait ang mga big boss dito.







"I'm one of the flexible employee, kahit anong oras pwede akong tawagin para sa importanteng bagay. Madalas kasama ako sa trabaho, nagpaiwan ako rito dahil alam kong darating ka." Patuloy niya.






Ang sosyal niya naman kung ganoon!





"Para po bang personal assistant?." Tanong ko.







Hindi ito sumagot kaya hinayaan ko na lang. Siguro ganoon o siguro mas mataas pa roon. Hindi ko alam kaya ipinagkibit balikat ko na lang. Tumunog ang elevator at ilang saglit lang ay lumabas si Mr. Dela Cruz, sumunod ako at natanaw ko ang kabuuan ng palapag. Sumunod ako sa kanyang paglalakad pakanan, dahil iyon lamang ang mayroong espasyo. Kakaiba ang palapag na ito, alam ko naman na nasa pinakatuktok kami ay hindi ko pa rin na isip na maaaring napaka-eksklusibo nito. Ngayon na tinatahak ko isa lang ang naiisip ko, napaka-misteryoso ng mag-oopisina rito!







A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon