Kabanata 37

183 5 0
                                    

I cried my heart out, humagulgol ako nang marinig ang kwento ni Gio. Bumagsak ako sa sahig at maging si Leslie ay napaupo rin. Gulong-gulo sina Mama, Papa at Geoven nang nakita akong umiiyak habang yakap si Leslie. Naririnig ko ang mga tanong nila Papa pero wala ni isang sumagot. Walang naglakas ng loob na sumagot sa mga tanong nila dahil hindi rin naman nila kung anong sasabihin. Lalabo lalo ang pangyayari dahil sa sinabi ni Geoven kanina at ang tunay na nangyayari ngayon. 





 Wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko at bukod d'on ay masyado akong naging makasarili. Simula pa n'ong una ay pinagdududahan ko na si Yuki at kahit ilang beses niya akong paluguran at sabihan ng mahal na mahal ay sarili ko pa rin ang iisipin ko at hindi ko panghahawakan ang mga pangako niya. All I did was to doubt him at kahit sa panahong nasasaktan siya ay wala akong ibang ginawa kung hindi pagdudahan siya. 





Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Leslie. "Sshh, stop crying." Pag-aalo niya sa akin, hindi nakatulong ang paghaplos niya sa likod ko dahil nararamdaman ko ang pag apaw ng kung anong nararamdaman ko sa tiyan ko. 




Naitulak ko siya bago ako sumuka. Nailabas ko na yata ang lahat ng kinain ko at wala na akong nailabas pa. Naramdaman ko ang paghawak sa akin, tinulungan akong makatayo ni Papa habang si Mama ay nag-aalala akong tiningnan.


"Anong nangyayari rito, Leslie? Anong ginawa niyo?"
galit na tanong ni Papa. Tinuro niya si Gio. Pumagitna si Leslie, nasa likod niya na ngayon si Gio. Pinunasan ko ang mukha ko at kinalma ko na rin ang sarili ko. 


"Papa, ako na po rito, p-please" pumiyok ako sa huling salita. Nag-aalangan si Papa pero sa huli ay sinunod niya pa rin ako. Ayaw sumunod ni Mama pero wala na rin siyang ginawa nang hilain siya ni Papa at gayundin si Geoven na gusto pa yatang makipagsuntukan kay Gio. 


Nahuling pumasok sa loob ng bahay si Geoven at bago ito pumasok ay dinuro niya si Gio.


"Ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis ni Maria?!" nanlaki ang mata ko sa galit na tanong ni Geoven kay Gio. Kaagad ko siyang tinulak papasok sa bahay. 


Hinarap ko ang dalawa, seryoso silang naghihintay.



"What did the bastard say?! Binuntis kita?!"
galit niyang tanong. Pagod ko siyang tiningnan bago ko iniwas ang mga mata ko sa kanila. 


Nagkalat ang kulay kahel sa kalangitan.


"I told you, he's assuming. He can't move on!" pagod ko pa rin siyang binalingan ng tingin. 


Hindi ko alam pero nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ko kaya tumingala ako para mapigilan ang mga ito. Nagtagal ako nang ilang sandali bago ko ulit sila binalingan ng tingin. Nanantya ang mga tingin nila. Inilahad ko ang gate dahil sa tingin ko ay tapos na rin naman ang usapan namin. 





Tumikhim si Gio kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. Sa gilid nito ay si Leslie na may matatalim na tingin sa kanya. 


"I am mad, extremely mad pero natauhan ako nang umalis ka. Oo galit ako pero hindi ko pala kayang manira ng tao." Seryoso niyang sinabi habang ang mga mata niya ay may kaunting pighati at pagsisisi. Iniwas ko muli ang tingin ko dahil para na rin akong nakipagtitigan kay Yuki, ang kaibahan lang ay ang mga mata ni Yuki ay deep gray at kanya ay deep brown. They both have an extra-ordinary eye color.




Gio explained why he hid everything to me. He wanted me to suffer and he wanted Yuki to suffer as well. 



"He received a call from his mother's nurse. He forgot this in the office," inilahad niya sa akin ang pamilyar na cellphone ni Yuki. Nanginginig ang kamay ko nang kunin iyon. Kaya ba hindi niya ako sinasagot? kaya ba kahit ilang beses ko siyang tawagan ay hindi siya sumasagot dahil naiwan niya ang cellphone niya at tinago ni Gio?!



"He wrote a letter for you, he wrote this when we're in the airport waiting for his departure." Tumulo muli ang luha ko nang nakita ang puting papel. Hindi ko binasa dahil hindi ko yata kayang basahin ang nilalaman ng sulat niya habang ganito ako kahina. 




Yuki had to flee from the Philippines to Japan. His mother was rushed to the hospital, ang sabi ni Gio ay na-ospital na ito nang ilang araw, ayaw ipaalam ng mommy ni Yuki ang nangyari pero kusa na siyang tinawagan ng nurse nito. Ilang araw rin silang namalagi sa hospital at kaninang umaga ay nakatanggap sila ng tawag tungkol sa pagpanaw nito.  




I can't imagine how painful it was for Yuki. Yuki loves her mom so dearly.


"We'll go there tomorrow. Sinasabi ko ito sayo dahil baka gusto mong sumama. He might need you there. Though Zoey has been with him all the time," pinalis ko ang bagong luha ko. Tinanggap ko ang lahat ng ibinigay ni Gio at nang matapos siya ay nagpaalam na rin sila ni Leslie. 



"Hindi ka ba susunod?" tanong ni Leslie. Umiling ako bago sumagot. 


"Pupunta ako ng Saudi sa Biyernes." Sagot ko. Hindi nakapagsalita si Leslie dahil dumiretso ito sa loob ng bahay, napatayo ang mga magulang ko at maging si Geoven ay gan'on din. Sumunod ako kay Gio nang nakitang sumunod din ito kay Leslie. 



"Tita, tito, aalis na po kami." Lumapit si Leslie kay Mama, humalik ito sa pisngi ni Mama bago nagmano kay Papa. Nakipagkamay naman si Gio sa aking Mama at maging kay Papa. Hindi niya kinamayan si Geoven. 




"Nako, nagpaluto pa naman ako, Ija!" si Mama. Nagkamot ng ulo si Leslie bago sumagot.



"Next time na lang po, Tita. May trabaho pa po ako tsaka may flight pa po kami ngayon." Tumango ang mama ko, lumapit ito kay Gio at hinampas sa braso na para bang close sila. 



"Ang swerte naman ni Leslie, kahit sa boyfriend ay talaga pinagpala. Ang galing din pumili!" halos lumuwa ang mata ni Leslie nang marinig si Mama. Lumapit ako at bahagya siyang hinila palayo kay Gio. 



Walang emosyon na ipinakita si Gio, para siyang isang matigas na pader. Tinulak ko si Gio palabas dahil tumakbo na rin palabas si Leslie sa kahihiyan. 


"Gio, I'll text you my letter for Yuki. You can also take his phone," ibinalik ko ang cellphone ni Yuki. Tinanggap naman iyon ni Gio pero kaagad din ibinalik sa akin at bago sila umalis ay narinig ko ang bangayan ng dalawa.



"Sumama kana lang kaya at nang magkaliwanagan kayo!"
si Leslie nang kinumbinsi muli ako sumama. 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon