Kabanata 18

173 7 0
                                    

Ang sabi niya sa akin ay tigilan ko ang pagtetext sa kanya pero siya itong nagte-text sa akin. Binasa ko nang paulit-ulit ang huli niyang text bago nilunok ang kaba sa dibdib ko. 





Mr. De Vera:
What took you so long? come back here and eat your lunch. 






Tinulak ko ang pintuan at kaagad naman itong bumukas. Iniwas ko kaagad ang tingin sa kanya, kaagad akong umupo sa upuan na kaharap ng kanya. 






Nagsimula siyang kumain dahil tumunog ang kubyertos na gamit niya. 




" Eat," isang salita lang iyon pero parang ang bigat sabihin. 



Tumango ako at ipinagdasal ko ring makakain nang matiwasay kaya kahit kabado at nanginginig ang mga kamay ko ay hinawakan ko pa rin ang cutlery. Hindi ko na alam alin ang kakainin, basta kinuha ko na lang ang kung anong malapit sa akin. 



 

Should I offer him? Bakit pa? nagluto nga eh! 




Sinilip ko ang pagkain niya, ngumuso ako dahil pamilyar iyon sa akin. Nakatikim na ako n'on hindi nga lang madalas. Hiniwa niya sa gitna ang itlog, dahan-dahan ang pagbuka n'on, dumaloy ang napakasarap na sarsa at ang half-cooked na eggs! 






I am impressed! He can cook omurice! 




Binitawan niya ang kubyertos, napatingin ako sa mahaba niyang mga daliri at nilakbay na naman ako sa gabing iyon. Napalunok ako lalo pa't para na yata akong hihimlay sa bawat pino niyang galaw. 




" Do you wanna trade?"
out of the blue, he spoke! 



four f.ucking words! 




" Huh?" nag-angat ako ng tingin. Seryoso naman siyang nakadungaw sa akin. 



Bakit ang tangkad nito! Mas matangkad pa yata ito kay Min ho!




" Ang sabi ko kung gusto mong magpalit tayo ng lunch, palit, swap, trade." Kumibot ang labi niya para sa ilang salita. 





Am I dreaming? no! This is only one of his ways to fool me! I get it, hindi ko pa rin nakakalimutan ang tawag niya sa akin kanina! 



" Ah.. baka hindi ko magustuhan, never tasted that kind of food," I said, I am obviously faking it. 



His brows furrowed. He is watching me like I am a piece of puzzle he can't solve. 




" This is called, omurice. Japane----" he got interrupted by a call. 




Importante yata kaya sinagot niya. Tumayo siya at medyo lumayo sa lamesa namin. Kumain kaagad ako habang hindi sinasadyang marinig ang sinasabi niya. 




" I thought it'd be next week, why rush it?" he spoke professionally to someone on the phone.





Mahaba ang naging usapan nila, tapos na ako nang natapos siya. Hindi ko na siya binalingan ng tingin nang nagsimula akong magligpit ng mga natirang pagkain. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan, kung aalukin ko ba siya tatanggapin niya? Alam kong hindi maganda ang ginagawa ko dahil kumakain pa siya pero kasi kapag aalis ako at hindi ko pa ito naililigpit baka siya pa ang magligpit at sabihan pa ako ng masasama. 







Kaya... niligpit ko na. Nakita ko ang kusina, malinis naman ang kusina iyon nga lang ay may mga hugasin. Kakatapos ko lang maglagay ng natirang pagkain sa ref at palabas pa lang ako ng kusina ay nakasalubong ko na siya. Malaki naman ang espasyo, mula sa counter, papuntang kusina pero ewan ko ba kung bakit para akong nauulol. Gumilid kaagad ako, nakita kong may tira pa sa plato na dala niya. 






Hindi siya kumain?!



" wash the dishes!" napatalon ako sa gulat. Dumagundong ang boses niya sa loob ng kusina. 






Gulat pa ako sa biglaan niyang pagsigaw, hindi pa ako nakakabawi pero nakabalik na siya sa dining area at palabas na!





" O-OPO!"
sagot ko naman. 





Naghanap ako ng apron, wala akong makita kaya kahit wala iyon ay ginawa ko pa rin. Ang kusina ay ginawa para sa kanya. Lagpas baywang ko ang taas, nagmukha akong maliit!




Binalikan ko ang lamesa kanina para makuha ang gamit ko. Dinampot ko ang cellphone ko bago lumabas. Pagpasok ko ng opisina ay wala si Mr. De Vera. 






Pumatak ang alas tres ng hapon ay wala pa rin si Mr. De Vera. Naalala ko ang sinabi niya kanina, hindi niya ako pinayagang lumabas kasama si Gio dahil may appointment siya at kailangan niya ako pero umalis siya nang hindi ako kasama at pinaghugas pa ng pinggan. 








Ilang oras kong inisip iyon, iniisip ko na hindi ko talaga nagagawa ang trabaho ko dahil lagi niya akong iniiwan. Natapos ang trabaho ko nang hindi siya bumabalik. Alas otso nang nagpasya akong umalis. Hindi ko alam kung itetext ko ba siya, ibinilin niya sa akin na huwag siyang itext kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa table niya. 





Mr. De Vera, 
I hope next time you'll bring me with you. I don't think I am capable of doing my job when I am not around you. Sorry for writing this. 



 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon