Kaliwa't kanan ang narinig kong bulungan pagkalabas ng silid, sabayan pa ng pagsigaw sa pangalan ko. Kung sinuswerte ka nga naman ano, mukhang dito ko pa makakasalamuha ang lalaking kasama ko noong gabing iyon. Hindi ba nakakahiya!?
Hindi rin ako pwedeng magkamali, alam kong siya iyon, at hindi ako gaanong lasing ng gabing iyon kaya alam kong siya nga ang lalaki! Damn! Sa dinami-rami ng lugar na pwede kaming magkita ay rito pa? At ano iyon? Sir?? Huwag mong sabihin siya ang boss ng kompanyang ito?!!!
Paano kung oo?! Eh hindi naman na ako tutuloy, rejected na ako base pa lang sa mga interaction namin kanina at huwag ka nga, hindi ba ayaw mo na rin? Nagwalk-out ka nga hindi ba? Bad impression iyon kahit hindi ko naman ginusto magpa-impress.
Grabe, para akong baliw, kausap ang sarili habang mahigpit na hinawakan ang sling bag. Mabilis kong hinalughog ang selpon. Mukhang bigo ako sa araw na ito.
Kakalabas ko lang ng building, mahaba-haba pa ang lalakarin upang makahanap ng pampublikong sasakyan. Bumuntong hininga ako dahil wala na akong iba pang plano para sa araw na ito. Wala sa sarili kong nireplyana si Leslie, tinext ko na rin si Luis, nagbabaka sakaling available siya ngayong alas nuwebe nang umaga.
Luis is an Engineer, si Stephie naman ay architecture ang natapos. Bukod sa family business na inaalagan, nagsisimula na rin sila ng sarili nilang business. May plano ang dalawang magtayo ng sariling Engineering- Architectural firm, habang si Kristine ay nag-aaral pa sa isang law school.
Leslie:
Uuwi na ako, bukas na ulit ako maghahanap ng ibang mapapasukan.Luis:
Busy ka ba? Pwede mo ba akong sunduin?"Miss, tanggap ka ba? Kakatanggap lang sa akin, ako iyong sumunod sayo." Napabaling ako sa nagsalita.
Nakanguso akong umiling.
"Hindi eh, congratulations sayo." Amin ko at binati siya, parang sobrang saya niyang natanggap siya. Feeling ko rin naman marami silang tatanggapin. Ganitong buwan talaga nagkakaroon ng mass hiring, hindi nga lang ako pinalad.
"Ang kupad mo kasi, tinawag ka pa kanina hindi mo man lang pinansan. Minsan kasi huwag maging mapagmataas lalo na kung aplikante ka pa lang." Tinaasan niya pa ako ng kilay sabay pakita ng pruweba na tanggap na nga siya.
Is she picking a fight with me?! Hindi ko siya uurungan, at hindi ako pinanganak na hindi lumalaban.
"Anong pinagsasabi mo? Better shut your mouth or else!."banta ko, hindi ako magdadalawang isip mag-iskandalo rito. Una, wala naman akong trabahong pinahahalagan. Pangalawa, hindi ko siya inaano para pagsalitaan nang ganyan. Pangatlo, hindi niya alam ang tunay na nangyari.
Ayun na nga, hindi niya alam, hindi nila alam at baka hindi rin alam ng lalaking iyon ang iniisip mo! Ako lang itong masyadong nag-aalala dahil first time ko iyon, at nahahabag ang damdamin ko tuwing naiisip ang isang mapusok na gabi!
Hinding-hindi ko iyon makakalimutan!
"Diyan kana nga, loser!!." Saka ito umalis, kumaway pa na animo'y nanunuya. Inirapan ko siya at tinaasan ng daliri, I gave her a middle finger in the air. Kita niya iyon at bago pa man siya manggalaiti ay natabig na siya ng ibang tao.
Iyon ang inaway niya imbes na bumalik sa akin. Siraulo ata iyong babae, natanggap na nga lakas pa ng loob mang-asar.
Luis:
Teka, tapos na kaagad? Anong balita?
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
Lãng mạnMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...