Tahimik ako buong biyahe at tahimik din akong kumain kaharap si Gio. Napansin yata ni Giovanni ang katahimikan ko kaya hindi na siya muli pang nagsalita nang tungkol kay Mr. De Vera.
Nag-angat ako ng tingin kay Gio, sa sobrang tahimik namin ay rinig na rinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Binitawan ko ang kubyertos bago ako nagpunas ng labi.
" Look, Maria. I am sorry for being nosy. May tiwala naman ako sayo, pero kay Ross? wala, kaya pasensya kana" tinapos niya na rin ang pagkain niya bago ako kinausap.
Wala namang kaso iyon.. Wala talaga.
" Please don't get mad at me," inabot niya ang kamay kong nagpahinga sa lamesa. Malamyos niya iyong hinaplos habang binibigkas ang mga salitang ito.
Ginalaw ko ang kamay ko, naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya tinigilan niya ang paghaplos r'on. Napainom siya ng white wine bago binalik sa akin ang tingin.
" God, I can't believe I am falling in love!" mariin niyang hiyaw, nagtiim-bagang ako dahil kahit paano ay naramdaman kong ako pa rin ito.
Ang Maria na may angking magpa-ibig.
" Don't get me wrong, Gio. I am not mad at you, I am mad because I let Mr. De Vera treat me like this." Tumitig siya sa akin nang mariin, ngumuso naman ako para makapag-concentrate sa sasabihin.
Gio is looking at me intently, his eyes are sharp but they aren't mad, they aren't dark unlike Mr. De Vera.
" Gusto ko ng trabaho, bumalik ako rito dahil ito ang kagustuhan ng mga magulang ko." Ngumisi ako para pigilan ang sarili na lamunin ang emosyon.
Gio loosens his gaze at me, and it becomes more peaceful than it was.
" I applied in De Vera's company because my cousin's there, remember Leslie?" he nodded and patiently waited for more.
" I love my life back home, but I love my parents more" bumuntong hininga ako dahil sa bigat ng puso ko ngayon ay pakiramdam ko malulula ako.
Mahal ko sila, mahal ko sila kaya hindi ko kayang suwayin ang gusto nilang mangyari at ngayong natutupad na nang paunti-unti ang gusto nila para sa akin ay hindi ko iyon kayang bitawan nang ganoon-ganoon na lang.
Kahit hindi ako masaya... Kahit hindi ko gusto, kahit ibang bagay ang gusto kong gawin. Pakiramdam ko.. Ako ang nagbibigay ng mantsa sa pangalan nila kaya pilit nila akong magbago, maging ibang tao..
" I need this job, if you're afraid that I might fall for him, we'll let's bet on it" tinikom ko ang bibig ko matapos sabihin iyon. Si Gio naman ay parang may narinig na nagpasaya sa kanya nang sobra-sobra, kitang-kita sa labi niyang may malapad na ngiti.
Hinatid ako ni Gio sa building ng De Vera, ayaw niya pa sana akong iwanan hanggat hindi ako aalis pero sinabihan ko siyang kailangan kong makuha ang gamit ko sa opisina. He wants to make sure na makukuha ko kaya gusto pang sumama pero ipinakita ko na lang din ang access card ko na nasa bulsa kaya umalis din siya kalaunan.
" Ingat ka, thank you ulit, Gio." He blew his car's horn before speeding it up.
Giovanni si more gentleman than Geoven. Lagi siyang nariyan kapag kailangan ko hindi katulad ni Geoven magpapakita lang kapag kailangan ako.
" Good evening po, may kukunin lang po ako sa opisina" ipinakita ko ang access card ko pero hindi pa rin ako pinapasok ng guwardiya.
" May ID po ba kayo, ma'am?" nagkatitigan kami ng guwardiya, napakamot ako sa ulo dahil wala naman akong ID na dala, at wala rin akong ID para sa trabaho na ito.
" Ah kuya, wala pa po. Pero meron po ako nito," ipinakita ko ulit ang access card. Umiling ang guwardiya bago ako sinagot.
" Naku, umalis na lang po kayo ma'am. Ako po ang mananagot kapag pinapasok ko kayo" nagtawag pa siya ng ibang kasama kaya tatlo na sila ngayong nakaharap sa akin.
" Hindi po ako makakaalis, naiwan ko ang gamit ko sa opisina ni Mr. De Vera" nagkatitigan ang tatlo, hindi pa rin kumbinsido.
Mali yatang pinauwi ko si Gio. Kumpara sa akin mas kapani-paniwala pa siya kung sakaling papasok siya rito.
" Kahit ID na lang po ma'am ang ipakita ninyo," sabi naman ng isa sa lumapit na guwardiya.
" Naiwan ko nga po ang gamit ko sa opisina, kailangan ko pong bumalik r'on at kunin iyon." Dumaan ang galit sa mga mukha ng guwardiya kaya inayos ko ang tono ng pananalita ko.
" Aalis ka ba o magtatawag kami ng pulis, mukhang modus mo lang ito!" umatras ako dahil sa sigaw na iyon.
Gusto ko pa sanang sumubukang magpaliwanag pero sa mga itsura nila ngayon ay pakiramdam ko kaunting pasensya na lang ang meron sila.
F.CK you Mr. De Vera! Makakaganti rin ako sayo! Tandaan mo iyan!
Galit akong tumalikod sa mga guwardiya, umalis ako at naglakad pabalik pero hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na ako ng guwardiya.
" Hoy! Pumasok kana, bilisan mo!" galit kong hinarap ang sumigaw sa akin.
Pwede naman akong tawagin nang maayos ah, bakit kailangan pang sumigaw!
Pinalagpas ko ang pagsigaw ng guwardiya sa akin, inisip ko na lang na pareho lang kaming empleyado at nangangailangan ng trabaho. Wala ng tao sa building, kahit ang elevator ay wala ring tao, tahimik na rin sa lobby at iilang sekyu na lang ang naabutan ko sa building. Kaagad akong kinilabutan nang pagbukas ng elevator ay sinalubong kaagad ako ng lamig.
" SHit!" hiyaw ko nang paglabas ko ng elevator ay may nakaharap ako. Nagulat din siya at nagkukumahog pumasok sa elevator.
Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Gio, wala raw palya si Mr. De Vera at kahit sino basta tawag ng kalamnan. Anong klaseng tao siya, ultimong pobre ginagago niya at muntik ko pang maabutan?!
Ilang minuto akong nakatitig sa pintuan ng opisina, napaisip ako sa nakita at bigla-bigla na lang akong kinabahan. May kung ano sa awra ni Mr. De Vera ang nakakaakit, para siyang may kung anong agimat, parang may kakayang mang-hypnotize ng tao. Kaya ko bang harapin ang isang ito? kaya ko bang labanan ang tukso niya?
Wait?! Ano naman sa akin iyon? magpapauto ba ako? shempre hindi! Nangyari lang naman ang gabing iyon dahil sa sobrang kalasingan.
Ginamit ko ang card at tinapat na sensor matapos akong makipag-debate sa sarili nang ilang minuto. Kaagad bumukas ang babasaging pinto ng opisina, natigilan kaagad ako at akala ko tama na ang ilang minutong pag-eensayo sa kung anong gagawin pagpasok, akala ko sapat na ang inipon kong lakas para harapin ang isang demonyong namamalagi sa loob. Hindi ako makagalaw, hindi man siya nakatingin sa akin ay nararamdaman ko pa rin ang bigat ng mga mata niyang nakatingin sa mga papeles sa lamesa niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, hindi ko alam kung para saan. Ang kalabog ng puso ko ay mas lalong dumagundong. Ang panginginig ng katawan ko ay mas lalong nadepina.
"G-Good evening, Sir." Napahawak ako sa puso ko, gusto kong tumakbo, gusto kong umalis, gusto kong matago. Takot akong marinig niya ang kalabog ng puso ko, takot akong malaman niya na may kung anong elemento sa katawan ko ang hindi ko mawari.
" Do not just stand there, get your things and leave." Napabalikwas ako sa narinig mula sa kanya. Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa akin, maririin pa rin ang tingin nito sa kaniyang ginagawa.
I cleared my throat to say things, but they didn't come.
Matipid ang bawat kilos ko, rinig na rinig ko ang maingay kong takong habang naglalakad ako sa loob ng opisina at palapit sa lamesa ko. What should I do? Maria...
" Sir, do you want some coffee?" dumaan ang katahimikan matapos ko iyon sabihin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng coffee sa gabing ito.
"Just leave." May galit niyang sinabi ang dalawang salitang iyon. Tumango ako bago ko kinuha ang mga bagay na kakailanganin ko. Ang bag ko ay nasa lamesa na, tsinek ko ang susi ng sasakyan at nand'on naman kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Huminto ako sa pintuan, binalingan ko ng tingin si Mr. Rossdale Yuki De Vera bago tuluyang umalis.
Base sa hitsura niya.. hindi naman siya mukhang gumawa ng milagro.
" Psssh," bulalas ko. Naiisip ko pa talaga kung gumawa ba ng milagro o hindi. So what if he did?
Umuwi ako nang lutang at wala sa sarili, hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang matiwasay kung gayong lumilipad sa maraming bagay ang isipan ko. Naghanap ako ng scented candle sa banyo ng guestroom, sinindihan ko kaagad iyon bago ako lumabas ng kwarto at tumawag sa numero ng mama ko.
" Good evening, Ma" bungad ko nang may sumagot sa kabilang linya.
" Good evening anak, kakauwi mo lang ba anak?" si Mama. Nanlambot ang puso ko at awtomatikong nawala ang mga iniisip ko.
" Opo ma, maraming ginawa sa opisina." I bit my tongue after answering.
" Mabuti naman kung ganoon, kumain kana ba?"si Papa naman ang narinig ko. Napangiti ako nang maisip na naka-loudspeaker ako.
" Opo, Pa." Sagot ko naman, saglit kaming natahimik sa sagot ko at pakiramdam ko nag-uunahan sila sa kung sino ang sasagot o magsasalita.
" I'm so proud of you anak, kayang-kaya mo iyan." I heard Papa's voice.
" Oh siya, magpahinga kana. Tumawag ka kapag may kailangan ka, tumawag ka kapag may problema ka. Balitaan mo kami, anak." Natapos ang tawag nang hindi man lang ako nakasagot.
I was too stunned to answer. Masarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga iyon. Proud sila sa akin at may tiwala silang kaya ko.
Nagbabad ako sa bathtub habang iniisip ang mangyayari sa trabaho. Hindi ko ito pwedeng sukuan kaya napag-isipan kong kalimutan ang nangyari sa amin, isa pa kung tama ang sinabi ni Gio ay malamang isa lang din ako sa biktima niya noong gabing iyon.
Maaga akong natulog at maaga rin nagising. Alas sais nang nakarating ako sa building. Sa basement ulit ako dahil may sasakyan akong dala, hindi naman ako sinita ng guwardiya kaya dire-diretso na ako sa opisina. Maaga pala talaga pumasok ang mga utility, may naabutan pa akong naglilinis pag-akyat ko ng opisina.
" Today is the beginning of everything, I will give it a try. Isa, dalawa o higit pang buwan hanggat sa kaya ko." Positibo akong magagawa ko ang trabaho kung hindi lang ako susungitan ni Mr. De Vera.
Sobra kong positibo ay nakapag-reply ako sa mga messages kagabi. Mula sa mga pinsan at kay Gio.
Gio:
Hey, are you home already?
Gio:
You are not here? your cousins are here.
Gio:
Maria, are you still in De Vera's building?
Gio:
Maybe you fall asleep, goodnight.
Me:
Good morning, Gio. Pasensya na sa late reply! Nasa work na ako ngayon!
Stephie:
Nandito iyong manliligaw mo, hinahanap ka.
Stephie:
Umuwi kana?
Stephie:
Hi, Stephie. Hindi na kita ginising kasi tulog ka pa. Nasa work na ako.
Luis:
Konti na lang iisipin kong ibang Maria ka.
Me:
Tse! Nagbagong buhay na ako.
Leslie:
Bakit late kana umuwi?
Leslie:
Ano pang ginawa mo sa opisina?
Leslie:
Hindi ko alam na sekretarya pala ang pinasukan mo!
Me:
Hi, Leslie. Good morning. Yes, late na ako umuwi. Hindi ko rin alam, tinanggap ko na lang kasi kailangan ko rin naman ng trabaho.
Me:
Bababa ako sa opisina ninyo, nandito kana ba?
Leslie:
Nasa bahay pa.
Me:
Magkita tayo sa restroom ng floor niyo after lunch.
Me:
Good morning, Sir. Nasa opisina na po ako. Itatanong ko po sana kung saan ako pwedeng kumuha ng ID bilang sekretarya ninyo? hindi po kasi ako pinapasok kagabi, mabuti at naawa po sa akin kaya pinapasok din ako kalaunan.
Sinilip ko ang oras at alas siete pa lamang iyon. Hindi ko alam kung marami na bang tao baba, hindi ko alam kung sabay-sabay ang pasok nila. Inabala ko na lang ang sarili sa trabaho at pag-intindi ng previous paperworks ni Mr. Dela Cruz. Nakita ko rin na may out of the country trip si Mr. De Vera pero hindi ko alam kung kailan iyon dahil hindi naman nakalagay ang exact date.
Maya't maya ang silip ko sa pintuan kada patak ng oras, anim na oras na ang lumipas ay hindi ko pa rin nakitang pumasok si Mr. De Vera. Wala ring nagsasalita sa intercom para pigilan akong maglabas-masok sa opisina. Naghintay pa ako ng kalahating oras bago nagpasyang lumabas. Dala ko na ang bag ko at ni-lock na rin ang opisina ni Mr. De Vera bago ako bumaba at dumiretso sa restroom. Bago ako bumaba ay tinext ko si Leslie.
" Oh, Hi, Ms. Monteverde." Malagkit ang ngiti ni Mr. Baron nang binati niya ako. Naningkit ang mata ko at tiningnan kung saan siya galing. Wala ng ibang mapupuntahan dito dahil nasa dulo na ito ng palapag at tanging restroom lang. Nasa tapat lang ng women's restroom ang men pero ang kinagugulat ko ay kung bakit sa women's restroom siya galing.
" Baron, wait lang naman" my eyes widen when I hear my cousin's voice, almost begging the man she's after.
Nagulat din siya, nanlalaki ang mga mata at hindi malaman ang gagawin. Sa huli ay pinili niyang habulin si Mr. Baron at iniwan ako. Gulantang ako, ayaw iporseso ng utak ko ang nakita at ayaw kong mag-isip nang masama sa kanya pero... kung ganito ang madadatnan ko, sa banyo sila galing pareho.. ano pa ba ang maaari nilang gawin?
Pumasok ako sa banyo nang mag-isa. Kaagad ko siyang tinext.
Me:
Ano itong nakita ko, Leslie?
Me:
Are you okay?
Natapos akong magbanyo ay wala pa rin akong nakuhang sagot mula kay Leslie. Nagpasya akong lumabas at dumiretso sa elevator. Nagtipa ako ng message para kay Mr. De Vera nang nasa loob na ng elevator.
Me:
I am going out po for my lunch. Don't forget to eat yours!
Nagulat ako na kaagad siyang nag-reply.
Mr. De Vera:
Okay.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Ang ikli ng reply niya at sa dami-rami ng text ko ay ito lang nireplyan niya.
Me:
May gusto po ba kayo ipabili? may gusto kayong ipagawa sa akin, sabihin niyo lang po.
Okay na sana eh, nasa mood na akong gawin siyang hari pero ginagago ba naman ako. Nag-init kaagad ang katawan ko sa galit, kung hindi ko lang siya boss ay talagang makakatikim siya sa akin.
Mr. De Vera:
Will you stop texting your boss? It's not appropriate.
Gustong-gusto ko siyang replyan pero pinigilan ko ang sarili ko. Boss ko pa rin siya at tama naman iyon.
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...