Umupo ako sa isang bakanteng upuan, malayo sa mga taong dalubhasa pagdating sa negosyo. Ang araw na ito ay isa sa pinakahihintay ng lahat, dumating kasi ang chairman ng hotel at ng iba pang stakeholders nito. Ang pagpapatayo ng bagong hotel ang pinunta rito kahit galing pa sa ibang bansa. Isa-isa pinakilala ang mga bigating personalidad--ang mga stakeholders. Ang ilan ay ipinirisinta ng kapamilya.
Nakinig ako at nagtipa na rin ng mga importanteng notes. Ginugol ko ang panahon sa sariling trabaho at hindi na kailanman iniisip ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Mr. De Vera. Bilib din ako sa sarili ko, ang galing kong magtago ng nararamdaman kahit na hulog na hulog na ako. Kahit na palagi kong sinusundan ang bawat pino niyang galaw, ang paghahanda niya para sa trabaho, ang pagiging maalaga niya kahit kasalungat ang ipinapakita ko sa kanya.
Sa loob ng dalawang linggo ay marami akong natuklasan sa sarili ko, ayaw ko pang humantong sa dulo nitong nararamdaman ko dahil nakakatakot. Back then, I never felt scared when it came to relationships because I knew I would never fall. I will never fall for someone whom I'll never be with at the end of this lifetime.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na pangalan. Dexter is talking and presenting something for the board when someone entered the room. Tiningnan ko ang pintuan, nakita ko naman ang isang sopistikada at maputing babae. She's around my age, or at least a year older. Sinalubong siya sa pamamagitan ng pagtayo ng mga negosyante, tumayo na rin ako at pumalakpak dahil ginagaya ko lang naman ang kung anong ginagawa nila. Nakipagkamayan ang babae, isa-isa niyang kinamayan ang lahat ng nasa lamesa hanggang sa kinamayan niya na rin si Mr. De Vera. Kay Mr. De Vera siya nagtagal, sa kanya rin siya ngumiti at sa mga ngitian nila ay pakiramdam ko matagal na silang magkakilala.
Mr. De Vera held back his hand. They all settled down after the greetings, except for Mr. Dexter and the woman who just came in. Mr. Dexter says something that I couldn't process. My mind was stuck on how Mr. De Vera and the woman shook their hands and how they looked into each other's eyes.
"On behalf of my dearest father, I came here to represent him. Sorry for coming late, I just came back from Singapore!" she chuckled and looked at everyone.
" I am Jiayi Xu; you can call me Zoey. I'm the oldest child of Mr. Xu. Dad can't be here to have a collaborative meeting with you, so he sent me instead." She smiled again. I heard their applause as she smiled at them. Dexter took over and shared about her parents involvement.
Mas lalo akong natahimik matapos marinig ang pangalan niyang iyon. She's a Chinese, I can see that.
She sat next to Mr. De Vera. I calmed myself and noted that I wasn't here for the small amount of heartache I was feeling. I am here to jot down some important notes, and if I can't write any, I might not be able to answer him. What am I going to say to him? that I can't concentrate because he's fond of someone else after saying he's in love with me!
This is ridiculous! Fuck love!
Ito na yata ang pinakamahabang meeting na inupuan ko. Natapos ang meeting at hindi muna lumabas ang mga dumalo, nakipagkwentuhan saglit at ang tanging naiwan ay ang mag-asawang Lazzaro at Dela Victoria, narito rin si Mr. De Vera, ang mga batang Lazzaro, si Klariyah at si Miss Zoey. Napasulyap sa akin si Mr. De Vera, huminga ako nang malalim bago naglakad palapit sa kanya, ikinagulat ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Sinilip ko ang oras sa iPad ko para kahit papaano ay maging abala ako at nang hindi magtagpo ang mga mata namin. Alas tres pa lang. Ang alam ko ay alas siyete magsisimula ang party nila. Nag-angat ako ng tingin kay Mr. De Vera, nakita ko naman siyang nag-aabang sa akin. Napalunok ako dahil heto na naman ang mga mata niyang nangungusap. Umubo ako nang bahagya bago inayos ang kaisipang meron ako.
" ah, sorry for asking this." Panimula ko. Naghintay siya sa sumunod kong sasabihin at ako naman ay kumalap ng tamang salita para magpaalam.
Kahapon ay nakita ko si Stacey at napagkasunduan naming magkita para sa isang event na gaganapin sa dalampasigan. She told me it's her birthday and she decided to celebrate it here. Maaga pa naman pero gusto kong magpahinga, maaga kaming nagsimula at ang pahinga lang namin ay n'ong lunch time. Napakaliit ng mundo dahil magpinsan si Klariyah at Stacey, si Dalton at Dexter ay magkapatid at ang dalawa ay may relasyon sa magpinsan na Dela Victoria!
![](https://img.wattpad.com/cover/188422269-288-k59792.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night To Remember (COMPLETED)
RomanceMaria is torn between making her parents proud and doing the things she likes. She's not into a serious relationship because of some tragic stories in her family. Maria's only goal is to date one man and marry him eventually pero wala siyang planon...