Kabanata 33

161 5 0
                                    

WARNING: SPG



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Lumapag ang eroplano nang alas siyete ng gabi. Sinadya naming bumiyahe nang ganitong oras para masulit namin ang oras sa isa't isa. Pareho kaming ayaw ng umuwi pero kailangan naming balikan ang trabaho at may problema rin akong dapat ayusin kaya inaya ko na rin siyang umuwi. Inaasahan ng pamilya niya na darating siya mula sa mahabang business trip kaya napaghandaan ang pagdating niya at sa airport pa lang ay inabangan na siya. He was holding my forearm while a group of men were waiting for him outside his car. The other cars were parked after his car. I was so shocked to see Gio in the airport too! Hindi na ako nakaprotesta dahil hinila na ako ni Gio at ang luggage ko ay hawak niya na rin.  




" Gio, leave her alone."
Yuki's voice thundered after what Gio had done. Mahigpit ang hawak ni Gio sa siko ko habang hawak naman ako sa palapulsuhan ni Yuki. 



This is like a deja vu!



" What? go home, they've been waiting for you!" Gio fired back. I felt their tension. This is very familiar from months ago, and I know that back then I followed Yuki's order, but right now I just chose the right thing.




I haven't told Gio about us. I need some spare time for that, and Yuki can't just blurt out our relationship after being away for business. Anong iisipin ng iba na nilandi ko siya sa loob ng isang buwan? Humugot ako ng malalim na hininga bago ko hinarap si Yuki, pareho kong binawi ang mga braso ko mula sa kanila. He is impatient, he wants me near him. Gusto ko rin iyon pero pwede naman naming gawin iyon bukas. 




"Sir, okay na po ako rito. I'll commute po!" his jaw clenched when he heard what I said. He finds it ridiculous.




I can see his frustration through his eyes. I smiled at him and assured him that we'd see each other and cuddle more. He understood what my eyes wanted him to understand, and before he could pull me for a kiss, Gio had already grabbed my arm.





Narinig kong tumunog ang pamilyar na ringtone ni Yuki bago ko narinig ang kanyang boses sa pagsagot n'on. Hinayaan kong kaladkarin ako ni Gio hanggang sa kanyang sasakyan. Hindi ako pumasok sa loob n'on dahil pwede naman akong mag-commute at ayaw ko ng dagdagan pa ang pananakit ko sa kanya. 



"Let's go, ihahatid kita." Aniya sa mababang boses. 



"I called Luis, he's on the way." Wika ko. Hinuli niya ang tingin ko kaya napalunok ako. 




Pakiramdam ko nahuli niya akong nagsisinungaling at tama nga ang pakiramdam.


"Liar, Luis isn't here." Kinagat ko ang dila ko. Hindi ko alam kung totoo bang wala si Luis dahil hindi ko pa naman sila na-kontak. 




"Just get in and I'll drive you there. I'm not gonna date you tonight because I know you are tired." Tumango ako dahil wala na akong dahilan pa. 





Tahimik kaming dalawa sa buong biyahe namin dahil walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho kaming nangangapa sa isa't isa at pareho kaming naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita o magtanong. 


Alam niya kung saan ko pinark ang sasakyan dahil huminto ang sasakyan niya sa harap lang ng akin. Hindi niya iyon pinark dahil siguro aalis din siya matapos akong ibaba. Hinawakan ko pintuan, hindi ko mabuksan dahil naka-lock iyon kaya napatingin ako sa kanya. 



"I already told you about Rossdale." Panimula niya, alam ko na kung saan patungo itong usapan na ito kaya hinayaan ko na siya magsalita pa. 


Mukhang ngayong gabi ko na rin sasabihin sa kanya ang lahat. 


" I knew him, he's my brother." I listened to him. Tiningnan niya ang reaksyon ko at naghahanap siya ng pagkabigla sa akin. Nasaba na ni Yuki sa akin ang pwede kong malaman kaya hindi na ako nabigla. 



"I am the first born of our father but he's the chosen one to lead the business." Mas lalong lumalim ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ikinukwento ngayon, pakiramdam ko ay hindi na kailangan dahil alam ko naman na.



" Simula pa ng bata kami, siya lagi ang pinipili. I can't understand it. I wanted to understand it, but it's more difficult than reaching the stars." Humawak siya nang maririin sa manibela. 


"Gio, I don't know what to say. I know how it feels, believe me." I uttered. Maingat ako sa mga binitawan kong salita. Hindi ko kakayanin na masaktan siya sa mga salita ko dahil nasasaktan na siya sa sitwasyon niya. 



"He's the illegitimate child of my dad and his mistress! Bunga ng pagkakamali pero bakit siya ang pinipili? Am I not good enough to choose Rossdale over me?" his voice sounded so painful. 



" I'm sorry, Gio." Sinulyapan niya akong nang marinig iyon mula sa akin. Pakiramdam ko alam niya ang ibig sabihin ng pagso-sorry ko kaya naging sunod-sunod ang pag-iling niya. 

A Night To Remember  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon